Babala: Ang pangalan ng mga establisyamentong tutukuyin ko ay hayagan ko na ring babanggitin tutal, blog ko naman ito at mga ka-close ko lang naman ang magbabasa nito. Sa gayong paraan, mailalayo ko sa mga k_pal na kumpanyang ang mga taong malapit sa akin. Sa gayon (ulit) di na sila mabibiktima pa.
Umuusok na ang ilong ko sa Globe Telecom na yan! Dalawang beses kong chinek sa 211 kung paano magpareactivate ng napasong roaming. Ayon sa dalawang nakausap ko sa magkaibang gabi (take note: 2x akong nag-consult sa 211 because I wanted to make sure that I get all the details right), kailangan lang ng minimum na P500.00 load ng roamer tapos tatawag lang ako sa hotline nila para magrequest ng manual activation ng nasabing service. Sabi pa nila, highly recommended nila ang Autoloadmax sa pagrereload. Di man lang nila ako winarningan na by loading through Autoloadmax, sinasubject ko ang precious P500.00 ko sa maagang expiration! Sa buong pakikipagusap ko sa mga operators na ‘to ang bukod tanging sinabi nila sa akin ay maximum of 30 days pwedeng i-on ang roaming na pwede pa ngang ipa-extend ng dalawa pang 30 days. Tapos, inexplain nga nila sa akin yung rule sa “grace period” (yun yung time na di pwedeng i-on ang roaming ng isang handyphone) pero di nila sinabi sa akin na bagaman bago ang mga rules nila ay mag-aaply na ito sa phone na inaaplyan ko ng roaming, therefore di pa pwedeng mag-roaming yung nunber na yon.. Tapos matapos kong magpa-autoload ng total of P500.00 sa roamer ko, doon ko lang nadiscover na di pa pwedeng ipa-on ang roaming ng number na pinaparoaming ko dahil sa “grace period” rule at 15 days ko lang pala mapapakinabangan ang P500.00 at hindi 90 days o at least 30 man lang.
Mga tuso sila! Making great things possible my ass! They misled me by “missing out” on important details sa instructions nila. Mas accurate yatang sabihing na-gancho nila ako. Apat na sunud-sunod na gabi na akong nagfofollow up wala pa rin silang aksyon. Sa bawat follow up ko, kailangan kong irelay, from the start, ang buong kwento ko. Hmp! Tapos limang “please wait for 24 hours” lang ang naririnig ko sa kanila. Mapapamura ka talaga ng Tagalog!
In fairness, never akong nakipag-away sa operators nila. Malumanay (na may kasamang supressed gigil) kong sinabi na di naman biro ang maglabas ng P500.00 tapos di ko sya mapapakinabangan. Lagi akong polite sa pakikipagusap ko sa kanila kahit na nagmumura na ang subconscious ko. May isang nag-attempt mag-console sa akin by saying, “magload na lang po kayo using a call card before ma-off ang roaming.” Ngek! Ano ako?! Tungaw? Nasayang na nga pera ko, magsasayang pa ako ulit? OK lang sila? May isa namang nagsabi sa akin, “Ma’am don’t worry po sure naman pong maaaprove ang special request n’yo for the activation of your roaming service at least bago maexpire yung niload nyo.” Pa’no kung the day before maexpire yung niload ko pa lang ma-approve ang raoming? Don’t worry pa rin? Isang araw ko lang ma-eenjoy yung P500.00 ko, don’t worry?
The thing is, O.C. ako pagdating sa rules and instructions kaya I make sure naiintindihan ko ang isang bagay bago ako magproceed sa anumang gagawin ko. Yun pala malinlinlang ako ng hidden truths from well-trained Globe call center agents. Di ko man lang na sense na may catch ang lahat ng sinabi nila sa akin. Na kaya Autoloadmax ang nirerecommend nila ay dahil mas madaling mag-expire yon at mas mapapabilis ang pagrereload ko. At kaya di nila sinabi sa akin na di pa pala ma-o-on ang roaming ng number na inaaplyan ko ng roaming ay dahil atat na ata na silang magka P500.00. Tama nga naman, magkakapera sila without being obliged to render their services in return. Easy money!
Kung sino man ang may direct line kay Mr. Palengke, I really need your help. Binggo na talaga sa akin ang Globe! Masyado silang manlinlang! Dati nabiktima na nila ako ng promo nila with Hershey’s. Yung you’ll get Hershey’s goodies once you make your first call using your new SIM. But you’ll have to wait for their text and guess what? Di nila ako tinext. Nung nagreklamo ako, sabi lang nila, they can’t give me the goodies because I didn’t receive the text from them. They dismissed immediately after saying that sentence--no apologies whatsoever. Tapos, they kept on sending me ringtones, I never requested which took away P15.00 from me--that is P15.00 for every unwanted ringtone they sent me. Di lang ako ang niloloko nila, lahat ng Globe subscribers din. Isipin mo na lang, di mo ma-cacall ang toll-free customer service (211) nila pag wala kang load. Tama ba naman ‘yon? Is that the way to treat loyal subscribers? Di mo sila mare-reach pag di mo sila pinapa-rich! I can rant forever pero eto na lang ang final words ko para sa Globe, “matakot naman kayo!”
* * *
Di ko akalaing matyetyempuhan ko ang expired food sa anumang kainan sa foodcourt ng Megamall. Natripan kong kumain ng Yakisoba sa Tokyo Teriyaki House. First time ko kumain dun although I am aware na kapatid lang nila ang Tokyo Tokyo. So yun na nga, binigay na nila sa akin yung order ko which was a bit disappointing dahil ang liit lang pala nya compared dun sa nasa picture. Wish ko lang talaga makatapat ng isang customer na mala Micheal Douglas sa movie na “Falling Down” ang lahat ng foodchains. Nag-amok (with baril and all) kasi si Michael Douglas nang i-serve sa kanya ang isang soggy burger gayong sa picture the burger was “plump, juicy and three inches thick.”
Anyway, pwede nang pagtyagan yung yakisoba. Pwede na kung di weird ang amoy nya. Pag tikim ko, maasim sya. I asked my two friends to taste it and they too found it funny. So bumalik ako sa counter medyo parang natatawang ewan yung girl na nagbigay sa akin nung spoiled yakisoba. Dumating naman yung manager to tell me na papalitan nila. After ten years, they gave me my Yakisoba. No sorry came with it pero meron yatang, “Thank you for waiting. Enjoy your meal.”
Great! Tapos nang kumain yung mga kasama ko!
* * *
Syempre another kamalasan na naman ito. Ang totoo nyan, nagmamadali ako kaso, naantala na ako dahil sa ten years-in-the-making na di panis na yakisoba. So medyo mas nagmamadali na ako nang magpunta ako sa National Bookstore (sa Megamall pa rin). May hinahanap akong libro, yung compilation ng “Kiko Machine.” Dumirecho muna ako sa section ng mga humorous comic books. Wala saya doon so I decided to seek help sa customer’s service. Ang tagal kong naghintay kasi nawala sa post nya yung girl na assigned sa computerized hanapan ng libro. Tapos nung dumating sya, parang sya pa ata ang telephone operator kaya mas bumagal pa ang work nya. Eventually may personal call pa sya kaya tumagal ulit. Noong turn ko na para i-serve nya, di na nya chineck sa computer yung book. Excited niyang sinabi sa akin, “Ma’am andun lang po iyon sa Humor section, kasama ng mga Pugad Baboy.” Sinabi ko na kakagaling ko lang doon at wala siya. Sabi nya pa-side ang pagka-stack nung libro and manipis lang ito kaya baka di ko nakita. Syempre pinuntahan ko ulit yung pinanggalingan kong section pero wala talaga yung book. So humingi ako ng tulong dun sa isa pang girl na nag-aayos ng book. Sabi nya andyan lang daw at saka hinayaan nya akong maghanap. Parang close kami! So hanap ako ulit pero wala. Medyo nakahalata na ako na dapat tinutulungan nya ako kaya nilapitan ko sya ulit. Tinanong ko sya, “kanino ba talaga ako pwedeng magpatulong?” Actually, elliptical question yon. Ang buong question is, “since ayaw mo akong tulungan, kanino ba talaga ako pwedeng magpatulong?”
She got a clue and helped me. At bilang pambawi, nagtawag pa siya ng dalawa pang berks to find the holy grail…ay “Kiko Machine” lang pala! Finally chineck na nung girl na assigned sa computerized hanapan ng libro kung available ba yung book. Barabing! Out of stock! Ang galing talaga.
* * *
Malas ba ako? Parang all I’m doing lately is “waiting.” Unfortunately Godot never came sa tatlong stories ko--walang magandang balita sa Globe, walang sorry from Tokyo Teriyaki House, at wala yung libro sa National Bookstore (pati sa Powerbooks--chineck ko na din doon). Being the Zafranatic that I am now, you won’t believe that I once hated her katarayan. Pero ngayon di lang ako naeentertain sa mga kasungitan nya. Naiintindihan ko na where all her rants are coming from. As long as there are people who are not doing their job well--in the case of Globe, (they’re doing their job so well, nagagawa nilang manloko ng tao) people who sacrifices genuine customer concern for fast money--may mga taong magrereklamo and eventually magtataray.
Hindi. Hindi ako galit. Napipikon lang ako at nadidisappoint dahil sa panahon nating ito, akala ko civlized na tayong lahat na nananahan sa mabangis na lungsod.
Yun pala hindi.
Telugu Calendar California 2016
5 years ago