Monday, August 14, 2006

In Memory of Aaron Rabajante

13 August 2004. Past
Someone I know just died. It’s sad really. I haven’t been to a hospital to visit the dead before.

* * *

12 August 2006. Not-too-distant past.
He’s been dead for two years now. Yes, his was a death that bothered me the most.

He used to be one year younger than I was. Then it became two. Now it’s three. I guess, Peter Pan has found a way never to grow old.

* * *

18 August 2004. Past
I went to his wake last Sunday (August 15). At first I hesitated to look inside the coffin. Later, curiosity kicked in.

I peeped. I didn’t see Aaron. It was a carcass I saw; it didn’t look like him. It didn’t even look like any human I know.

He’s being buried today. For all it’s worth, I hope he’ll rest in peace.

* * *

Present
“In Memory of Aaron Rabajante” was the original title of the written eulogy I gave his mom two days after his death. Not wanting to keep the piece between his mom and me, I quietly sent a copy to the Philippine Daily Inquirer. Little did I know that it will be the piece that would put me on the same page as Rina Jimenez-David as well as on the net.

In a way, I exploited his death. I ask him to forgive me for that.

And still I continue to exploit him. My need to tell people how it feels to lose someone obliquely family is my only excuse.

I ask him to understand me for that.

Wednesday, August 9, 2006

Isang Araw sa Buhay Ko

Heto ang unang eksena ko sa opisina ngayong umaga.

Kaopisina: (Lalapitan ako sa may Mac) Andito ka na pala. Akala ko absent ka.
Ako: (Tatanggalin ang earphone sa kanang tenga) Ako? Hindi ah!

Patlang.

Ako: Ang aga ko nga, natatae naman ako!
Kaopisina: (Matatawa)
Ako: (Mapapansin ang kakaibang ngiti ng iba pang kaopisina na hindi kasali sa usapan.) Malakas ba?
Kaopisina: Oo.
Isa pang kaopisina na hindi kasali sa usapan: Nakaearphone ka kasi.


Hayan. Ika nga ay “Welcome to my world.”
* * *
Sadyang nakakatuwa ang mga palitang kuru-kurong mula sa tunay na buhay katulad nang nasa itaas. Kung maitatala ko lang ang mga ganoong pangyayari sa buhay ko, malamang magkakapera ako.

Sa ngayon heto na lang muna.

On-line at libre.
* * *
Minsang naghihintay kami ng mommy ko ng FX pauwi (nag-bonding kami noong araw na iyon), na-stranded kami sa harap ng mall dahil sa lakas ng ulan.

Mommy: (Magsisindi ng yosi) Yosi muna ako.
Ako: (Walang reaksyon)
Mommy: Yosi tayo, Tye.
Ako: Ano ka ba, Ma, hihilahin mo pa ako sa bisyo mo.


Aral ng kwento ay napapaloob sa eksaktong sinambit ni Ms. Jen, ang “isa pang kaopisina na hindi kasali sa usapan”: Kung ano ang nakikita ng matanda ay nakikita ng bata.

Exactly!
* * *
Isang beses na mistulang pinaiikot-ikot kami ng taxi driver pauwi mula sa Greenhills nagsimula nang magtaka ang Ate ko.

Ate ko: Manong, nasaan na po tayo?
Manong: Umiiwas lang po tayo sa trapik.

Lingid sa kaalaman ni Manong, nag-uusap na kami ng Ate ko sa likod ng taxi nya gamit ang aming mga facial muscles.

Manong: (Nag a la tour guide) Eto yung, (blank—di ko maalala ang pangalan) building.) Dito tumalon si Ma. Teresa Carlson at si Nida Blanca.
Ako: (Maiinterrupt ang “pakikipag-usap” sa Ate ko. Kay Manong) Tumalon din si Nida?!


Nang-aasar ba ako? Pa-inosente pa ang approach!
* * *
Heto pa ang isang kwentong taxi.

Drayber: Ma’am dagdagan nyo naman po ako ng trenta pesos.
Mommy ko: Grabe naman kayo, Manong.
Drayber: Sige na ma’am. Pasko naman.
Ako: Ay, wala po kaming Pasko. Muslim kami.
Drayber: (Mahihiya) Ganoon po ba?


Parang may narinig akong manok na tumilaok pagkatapos noon!
* * *
Ako na yata ang pinaka hunghang pag dating sa kape. Umaasa lang ako sa 3-in-1. Salamat sa 3-in-1 sachet, nakaligtas ako sa pagtitimpla ng kape noong taping ng show na pinag-practicuman ko! At maraming salamat din sa Figaro, dahil, sa GMA, di ko kinailangang magtimpla ng kape.

Binlow-out ako ng isa kong kabarkada sa Stabucks nung birthday nya. At ito ang nangyari.

Barista: Ma’am, meron po kaming promo ngayon. Free upsize ng inyong drinks. Kapag bumili kayo ng tall, magiging grande, etc.
Bday girl: A, ok.


Mapapansin ng barista na nakikinig kaming maiigi kaya itutuloy nya ang pagpapaliwanag ng nasabing promo.

Barista: Kaya lang ma’am hindi sya nag-aaply sa mango and orange juice.
Bday girl: Ahh.


Mistulang nagkaintindihan na kami.

Patlang.

Ako: Pa -order kami ng isang mango at orange juice.


Naka-order na kami ng kape. Sinubukan muli ng barista na makabenta.

Barista: Would you like to add some cakes, ma’am? We have…(Blah! Blah! Blah!)
Bday Girl: Ay hindi na po.
Ako: Meron na akong…(Sasabihin ko sana, pretzels—hindi Jack n Jill ha!—na kukutkutin. Nagbago isip ko.) Meron na akong baong kanin.
Barista: Ahh, OK ma’am. Gusto nyo po initin namin?
Ako: Ha? Kung meron nga akong baong kanin, iiinit nyo nga?
Barista: (Nakangiti pa rin) Opo ma’am basta wag lang po bagoong ang ulam.


Hala! Nakahanap ako ng katapat!

Friday, August 4, 2006

Material World


Hay naku, naglalaway talaga ako sa DSC-W100. Bagong digital camera ng Sony. 8.1 megapixels! Obviously mahal, beyond what I can afford kaya eto, hanggang paglalaway na lang ako. OK na sana sa akin ang lahat ng features except its price.

Nagresearch na ako tungkol sa camera na yan. Mukhang karapat dapat nga syang paglawayan.

Ayan, nafrustrate na naman ang dukha.

* * *

Alam ko, marami pang mahahalagang bagay sa mundo na di mabibili ng pera pero minsan, inaatake ako ng pagaka materialistic ko. Tao lang. (hah, pinaka-convenient na excuse!)

Nahalungkat ko ang listahang ginawa ko noon tungkol sa mga bagay na madalas kong bilhin o “i-stalk” (masyadong weak ang “window shop”) sa mga tindahan.

Eto na nga.

1. Earphones - Hindi naman ako ganoon ka-adik sa music but for some reason, may fascination ako sa earphones.
2. Pens - Umm dahil writer ako kuno?! Tambay ako ng National Bookstore nung bata pa lang ako dahil I take time to choose my pen.
3. Lamps, flashlights, nightlights, glow-in-the-dark stuff - Adik ako sa mga bagay na umiilaw—mga bagay na nagpapatibay sa teyoriya ko na dati akong gamugamo.
4. Movies or TV series (VCD/DVD) - Gusto kong mapanood ang mga gusto kong mapanood kung kelan ko gusto. Gets?
5. Books - Hindi ko sila kailangang basahin. Gusto ko lang silang bilhin!
6. Shoes and bags - Given naman ito. Hello? Babae rin ako…minsan.
7. Gadgets (camera, tripod, memory card/stick, computer, mp3 player—ayoko ng iPod, etc.) - Ako yata ang pinaka-techie sa lahat ng mga technophobe.
8. T-shirts - Kung kasya lang sa akin lahat ng t-shirt na nagugustuhan ko, mapupuno ko ng t-shirt ang cabinet ko. Sana lang pwede sila sa formal occasions. I don’t think matutuwa si ate kapag naka t-shirt ang maid-of-honor nya.
9. Sunglasses/eyeglasses - Maganda e. Kung carry ko lang, bibilhin ko na yung psychedelic frame dun sa Executive Optical. Kaso may pagkakaiba ang kaya kong i-sport sa kaya kong i-appreciate.
10. Socks - Pati ba naman socks di basta basta nagkakasya sa akin?!? Bakit ba feeling ng mga garment factories na big people are no fun? Mas masaya pa nga kami kasi kami, kinakain namin LAHAT ng gusto namin nang di kailangang sumusuka nang sapilitan. Balik sa socks, lumalaki na ang aking koleksyon. Kagabi lang may nadagdag na dalawa. Hehe.
* * *

Kaya ako naghihirap. Madami kasing temptations out there. Weird pa naman sa akin, kapag nakakaramdam ng poverty, mas gusto kong magbibibili. If only to mock the guys inside my wallet.

Ang sarap sabihan na, “Kala nyo patatagalin ko kayo sa wallet ko?! Kala nyo matagal tayong magtitigan? Lalo na kayong tatlo. Hmp!”

Teka, come to think of it, wala pa yatang naging occupant na P1000 bill ang wallet ko. So nag-iimbento lang ako.

* * *

Mali talaga tong ginagawa kong code switching. Technical term yon para sa mas kilalang “Taglish.” At alam nyo bang there’s such a thing as “Engalog?” Pinag-aaralan yan DAPAT ng mga Comm Arts.

Anyway, goal ko kasing magsulat sa Filipino ngayong buwan na ito bilang paggunita sa Linggo ng wika at birthday gift na rin kay former President Manuel L. Quezon na tisoy na tisoy (Check out your bente pesos!). Sana’y mapatawad nya ang aking paglalapastangan sa ating pambansang wika.

Hayaan nyo't pagbubutihin ko next time.

COMMENT

Fellow writer, fellow comic, fellow floater... Gusto ko rin lahat ng nasa list mo. At tulad mo, awan te kwarta para mabili yung mga ito. At sa question mo; iba't iba, isa't isa --- Wag ka nang makulit. Walang hypen yung mga yan. =)
Posted by: Badger Addict | August 5, 2006 05:51 AM

Add to Technorati Favorites