Tuesday, February 10, 2004

Mula Los Baños Hanggang Malacañang

Isa ako sa mga taong matiyagang nilalakad mula UPLB Campus patungo sa Grove hanggang Lopez Avenue. Ayon sa walang basehan kong sukatan, kulang-kulang isang kilometro rin iyon.

Ganoon ako kasipag. Wala lang. Type ko lang.

O sige na nga. Nagsusunog din ako ng taba. Kapos din ako sa pamasahe. Happy now? Pero hindi iyon ang point. Napansin ko lang na nagsisimula nang putaktihin ng mga mukha ng mga pulitiko ang mga poste’t pader ng very wonderful and homey Los Baños.

Galing ako sa SESAM Lecture Hall. Wala ang teacher ko kaya hindi na naman ako nakapagreport. Lintik! Mukhang masasayang pa yata ang limpak-limpak (OA na, limpak lang) na salaping ginastos ko para sa mga visual aids! Anyway, dahil malamig naman ang panahon, naisipan kong bumalik sa dating gawi. Naglakad ako.

Sumambulat sa akin ang ‘sangkatutak na kabataang nakahelera mula UPLB gate hanggang Lopez Avenue. May dala silang flaglets at banners. Alam mo ba kung ano’ng nakasulat sa banner?

“We love you Jolina!”

Joke.

“Welcome GMA”

Kita mo nga naman, pupunta pala si Ate Glo dito, hindi man lang nagtext. Sa tinagal-tagal ko sa Maynila, never kong nakasalubong sa kalye ang presidente ng Pilipinas.

Ayos talaga dito sa Los Baños. Kahit malayo sa Malacañang, dinarayo pa rin ng presidente!

Hindi si Ate Glo ang nakita ko. Tinitingnan ko pa lang ang larawan (take note: colored ang pin-up at mas malaki sa long bond paper) ng isang mama na hindi ko alam kung anong ginagagawa sa senado nang biglang nagkatawang-tao siya sa harapan ko.

Naloka ang mga misis ng tahanang nakikiosyosong katulad ko. Nagtatatalon sila sabay sigaw, “Noli!”

Napamura ako ng Tagalog. Mananalo pa yata ang loko. Parang gusto ko ring sumigaw, “Oy, kumapit ka d’yan sa auto mo! (Nakalabas kasi ang kalahati ng kanyang katawan sa nagmomotorcade na luxury van) Baka malaglag ka pa sa kakakaway!”

Yeah right! Concern ako.

E kasi naman, baka malaglag pa siya’t makakita ako ng dugo. Morbid ko ba? Hindi. Kasi nga masyado pang maaga para madisappoint ang milyun-milyong fans ng “Magandang Gabi Bayan” sa kanilang soon-to-be vice-president. Why not hayaan muna natin siyang maupo, maglaro, at pumalpak bago natin siya sabay-sabay na ihagis mula sa tuktok ng isang luxury truck?

Pero in fairness, parang maganda ang skin ni Ka-Noli. Foundation at blush-on ba ‘yon?

Naglakad pa ako. Agitated na ang mga kabataan. Excited na silang makita ang kanilang presidente na ‘di nalalayo ang height sa kanila. (Oops, personalan ‘yon!)

May dumaan na “nice” na bus; “special trip” ang nakalagay. May sakay daw na artista ‘yon sabi ng nadaanan kong hospital attendant na nakikiosyoso rin. Hindi ko naman napansin ang sakay ng bus dahil mas masayang pagmasdan ang mga mamamayang Pilipino habang nakangangang ina-anticipate ang pagdating ni Madam President.

Pagdaan ng isa pang bus, nagtilian muli ang mga tao. Wala naman akong nakita. Puro kurtina lang ng bus at isang mamang nakadungaw.

“Sino ‘yon?” Tanong ng isang bading na panandaliang iniwan ang kanyang parlor.

“Di ko alam,” sagot ng kanyang kasama na sigurado akong isa naman sa mga tumili. “Basta artista raw ang mga nakasakay sa bus.”

Talaga nga naman. May hakot pang celebrities ang mga pulitikong mangangampanya rito. Kaya yata naiisipan ng mga artistang tumakbo. Ganoon din naman kasi. Kasama rin sila sa pangangampanya, kaya why not campaign for themselves? Naisip ko nga, maglaan na lang kaya ng special spot/position sa gobyerno intended only for the artistas. Yung parang imbis na Bb. Pilipinas-Universe lang, may Bb. Pilipinas-World o Bb. Pilipinas-International. Therefore, magkakaroon ng political president at showbiz president. Ganoon din sa vice. Cute ‘yon. May variety. Tapos habang nanunungkulan ang political president, na hopefully ay hindi trapo, aarte na lang ang showbiz president. Aarte na nanunungkulan din siya. Kagaya nung ginawa ni Erap. O kaya naman, habang nagso-SONA ang political president, maglalaan ng maliit na bilog sa TV screens (s’yempre televised ang SONA) where we will see the showbiz president interpreting the messages of the political president. Mag-skit s’ya doon o kaya mime. Parang “Kapwa Ko Mahal Ko” ang dating.

Konting lakad ko pa, nagsigawan muli ang mga tao. No. Hindi sila nag-away. Andyan kasi si Jawo. Napalingon muli ako. Si Jawo?!? In fairness (ulit), kahit wala siya sa basketball court, mukha pa rin siyang pawit-pawit.

E ‘di ba isa sa mga nang-onse sa bayan ‘yon? Magkapartido sila ni GMA? Close na sila?

Hay ang politics talaga, puno ng ka-showbiz-an!

Hindi ko tuloy lubusang maisip kung sino ang iboboto ko. You see, first time ko kasi. Virgin pa ang aking daliri sa indelible ink. Oops, walang anuhan ng edad! Hindi ako umabot sa cut-off by 1 month nung 1998 presidential elections. Tapos, nagpaka-antisocial naman ako noong magbobotohan na ng new batch of senators nung 2001. But hell, I don’t need to explain! Si FPJ nga, hindi nagpapaliwanag kung anong nakain niya’t tumatakbo siya ngayon.

Grabe na ‘to! Kahit sino na lang mag-trip pwedeng tumakbo. Sa tingin ko lang, nothing’s gonna stop Mahal from going for the presidential post. Maski running mate pa niya si Jimboy o si Mura, mananalo ‘yon as long as may career pa siya sa MTB by the time na tumakbo siya.

Hindi ko na hinintay si Ate Glo. Ang tagal kasi. At saka paninindigan ko na lang na ‘wag siyang makita.

From where I am right now, naririnig ko pa rin ang mga “wang-wang” ng mga naggagandahang sasakyang lulan ang mga aspiring leaders ng bayan. Ang halaga ng mga sasakyang iyon ay enough to feed 4,000 men.

Ewan ko na lang talaga kung saan patungo ang bayan natin after this elections. Hindi ko lang alam kung papaano pa babagsak ang bansang bagsak na. Siguro, this time, lagapak na with matching kalabog.

Sabi nga ng isa kong propesor, “our country could not afford anymore mistakes.” Agree ako dun.

‘Pag si FPJ ang nanalo, ewan ko na lang. Siguro pwede na akong magtayo ng kiosk sa Quiapo. Kasi ang hula ko magiging “Erap: the repeat” lang ang mangyayari. Now, kung magwawagi nga si FPJ, maveverify ang 99.99% sure na hula ko. So hindi siya hula. Let’s call it a prophecy para mas spiritual ang dating—parang mayroong na-intercept na divine intervention. At dahil effective akong manghula, ka-carireen ko na lang ang fortune-telling. Go na ito! Makiki-compete na ako sa mga “madam” sa Quiapo grounds

Kaya lang, ‘pag nagkaganoon, malalayo na ako sa Los Baños. Hindi ko na malalakad ang Grove hanggang Lopez. Sa Maynila na lang ako mag-i-istroll.

Ayaw ko.

Malapit sa Malacañang ‘yon. Baka talagang hindi ko na makita ang presidente.

No comments:

Add to Technorati Favorites