Palpak
2005-08-28
Nag-give in na naman ako sa bisyo ko kahapon! Bumili na naman ako ng kopya ng isang movie na napanood ko na. Medyo nahihiya akong aminin kung anong title niya kaya eto na lang, P199 lang sya, DVD na! Saan ka pa? Di ba jackpot na ‘to? So impulsive buying ang drama ko anyway may commentary naman e. Tapos legal ‘to. Original. Di pirated. Malinis ang konsensya kong binili ang nasabing DVD sa SM Department Store. Tapos ‘pag saksak ko sa player nung ORIGINAL DVD walang audio commentary from the actors and the writer. Ano ‘to, lokohan? Nakalagay sa label yung feature na yon. Kaya nga original binili ko so that I can get my money’s worth guilt-free tapos ganun na lang? Isososli ko pa tuloy. Syempre magrereklamo ako. Hmp!
* * *
Hallmouse Attacks
2005-08-27
Martes. Bandang alas 4 ng hapon.
Biktima: Di ba sabi masamang tawagin daga ang mga daga?
Opismate: Sabi ng lola ko dapat “Bait-bait.”
Biktima: Ang alam ko dapat “mabait.”
Pause.
Biktima: Ayoko. Ang plastic! Di naman sila mabait!
Kinabukasan inatake ng d_ga/bait-bait/mabait ang drawer ng biktima na naglalaman ng mga nakaimbak na pagkain. Naulit pa ang malagim na pangyayaring ito makalipas ang isa pang araw.
* * *
2 Neozep Lang Ang Katapat
2005-08-18
Sa panahon ngayon, bawal ang magkasakit. At dahil bawal magkasakit, may sakit ako ngayon. Sadya nga yatang masarap ang bawal! Noong nakaraang miyerkules lamang ay dumaan ako sa Mercury Drug upang bumili ng ointment. Mayroon kasing makati sa may tuhod ko. Para mapigilan ang pagkalat nito, minabuti ko nang bumili ng mabisang gamot. Aba, mahirap na yatang magkaroon ng sakit sa balat!
Nagulantang ako nang tanungin ko ang pharmacist kung magkano ang 5g na gamot. P250.00 daw. Sasabihin ko sana, “Miss, hindi ako magpapaderma. Ako na mismo ang gagamot sa kati ko.” Kaso, mukhang seryoso yung babae kaya di na ako humirit. Anak ng boogie! Napabili pa ako ng hindi oras! Pero ayos na rin. Makakampante na ako. Sana lang ay di masayang ang P250 ko dahil kapag di gumaling ‘tong kati ko, bibili ako sa Mercury Drug ng taga-kamot. Baka mas mura ‘yon.
‘Wag mo nang tanungin kung saan galing ‘tong kati ko. Di ko rin alam. Maaring sign ito ng STD. Kaya lang bago ka magkaSTD, di ba kailangan muna ng S? E hindi ko nga alam yung S—hindi ko alam yung sanhi. Bwehehe. Tapos ito pa, noong Martes pa lang nagpaparamdam na sa akin itong lalamunan ko. (Ops, walang madumi ang isip!) Alam mo‘yon, maalala mo lang ang mga bahagi ng katawan mo kapag sumasakit na sila. Ang masama pa naman nito, yung lalamunan ko ang aking Achilles’ heel. Basta nagka-sore throat na ako o tonsillitis, pihadong lalagnatin na ako. Pero nilabanan ko sya. Kaya nakaya ko pa ring tumayo.
Sumunod na nag-aklas ang aking ilong. Parang may natutunaw na yelo sa loob ng ilong ko mapasahanggang ngayon. Nakakainis pa nito, kapag sinubukan ko nang ibuga ang nagbabadyang sipon sa ilong ko, umaatras naman ito. Bad trip! Syempre kasabay ng sipon ang konting ubo. Magkabarkada yan e. Sana lang huwag makisama si lagnat at kung hindi, riot na.
Dahil gusto kong makisabay sa pang-aasar ng katawan ko, bumili ako ng Rocky Road na Dairy Queen kanina. Inuna ko ang ice cream kesa sa gamot. Sana nakakagaling ang ice cream. Pero talo ako sa laban. Maya maya lang e bumili rin ako ng gamot. Drugged ako ngayon kaya nagsisimula na akong maging groggy. Tumatalab na yata ang phenylpropanolamine. Sana wala na akong sipon bukas para di na kadiri ang susunod na kwento ko.
Monday, August 29, 2005
Yamot!
at 1:42 AM compartments Rant-tatat-tatat
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment