Sa di ko alam na dahilan, wala kanina sa hintayan ng jeep ang aking mga teammates sa pag-uwi. Ang nangyari tuloy ay naiwan akong naghihintay ng jeep na sa palagay ko ay dapat nang mabilang sa listahan ng mga endangered species--well at least yung jeep na patungo sa inuuwian ko. Sa gitna ng paghihintay, nakasabay ko ang tatlo kong kaopisina na pauwi na rin. Minabuti nilang maging pansamantala kong “bodyguards.” Medyo madilim kasi sa hintayan kaya pinauna muna nila akong makasakay bago sila nagsiuwian. Hmmm. Gentlemen. Naalala ko tuloy ang isa sa mga nakakatawang karanasan ko sa Los Baños kung saan ako naman ang nagpakabodyguard.
****klililili-lililili-ling……..
Ako at ang kaibigan kong si Leng ay nagmistulang mga bouncer samantalang si Joy naman ang nag-alo sa aming “alagang” si Nikka. Alam mo yung mga panahong gahibla na lamang ng buhok ang supply mo ng pasensya? Nasa ganoong mood si Nikka noon. Kaso yung gahiblang buhok na iyon ay napatid pa dahil sa napakasungit na ale na ayaw kaming pagbentahan ng karayom. So nag Sari-sari Store hopping kami para makahanap ng karayom na gagamitin naming pantahi sa wristband ng mga artista namin sa dulang, “Sundalong Hambog.”
Dalawang bouncer, isang taga-alo, at isang pikon nang babae in search for one needle.
May isang mama na nakapansin sa amin at sa kaibigan naming nagngingilid na ang luha. Buong pagmamalasakit niyang itinuro kami sa tindahan sa tapat, yung may nakadisplay na papaya sa harap. Totoong papaya ha. Perennial product ng tindahan iyon ang papaya. Simula yata freshman ako sa UPLB, nagtitinda na sila ng papaya. Pero ang main merchandise nila ay mga gamit na pang-cross stitch at frames. Nagdedevelop din sila ng pictures. All-in-one nga e. Pwede kang magpa-picture, kumain ng papaya habang naghihintay madevelop ang picture mo at mag-cross stitch muna habang fineframe nila ang picture mo. Ayos!
So ayon bumili si Nikka ng karayom katabi si Joy. Kami naman ni Leng, nakabantay sa labas ng tindahan, sa tabi ng mga papaya, nag-aabang sa sinumang magtatangkang mang-asar pa sa aming kaibigan. Ang tanging sandata lang namin ay ang tig-isang mais na nakatuhog sa barbeque stick. Two-in-one naman ‘yon. Merienda namin na pambambo sa sinumang gagago-gago. Ang lahat nang ito ay nangyari sa Grove, ang kalyeng tumutumbok sa UPLB gate. Bihirang mawalan ng tao sa Grove kaya naman kapag binabaybay mo ito at naisipan mong kahulan ang isang aso nang walang matinong dahilan, hindi ka magmumukahang adik sa iilan lang tao kung hindi sa buong bayan.
At ayun na nga. Nagmukha kaming cartoons sa harap ng buong bayan at wala kaming pakialam. Kahit na drama in public ang nangyari kay Nikka, kahit na nagpaka-alalay si Joy, at kahit na nagpakabouncer kami ni Leng. Ayos lang. At kung hindi ka natawa sa kwento ko, ayos lang din.
COMMENT
solb na ko...ang saya ng krismas gip mo sa akin....isang napalakas na tawa...
i am saved. mabubuhay pa ako.
Posted by: Nikka | December 14, 2005 12:26 PM
Wednesday, November 23, 2005
Da Bodyguards
at 11:54 PM compartments Back to the future...or past
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment