Akala ko talaga si Richard Gomez na ang pinakamalaking joke sa darating na Senatorial elections. Yun pala, may magta-top pa sa kanya!
Cesar Montano po! Power to the people na ito!
May pagka kabute ang pagkandidato ni Buboy. Bigla na lang sumulpot! At ayon nga sa balita wala siyang maliwanag na plataporma. Noon pa nga ay naiulat na ang tanging ginagawa nya sa kampanya ng Team Unity eh ang i-introduce ang mga kapartido nya. Well at least hindi sya nagpapanggap. Pang-entertainment pa rin ang role niya. Emcee kung baga.
Baka akala ni Cesar ganoon din ang ginagawa sa Senado: Nagmememorize ng mga linyang idedeliver ng buong-puso para maantig ang damdamin ng mga manonood—para bagang yung ginawa niya sa Jose Rizal o kaya sa Muro-Ami, isama pa ang Panaghoy sa Suba!
The way I see it, parang napadaan lang si Cesar sa mga pulitikong nagmimeeting tungkol sa so-called Team Unity ng administration. Eh kulang ang kanilang roster, so inaya na lang nila si Cesar. Umoo naman yung isa. Kaasar kasi hindi man lang nag-isip; sumali agad!
Hindi naman ako tututol sa pagpasok ni Cesar sa pulitika kung karapat-dapat siya., kung may kaalaman siya. Kaso wala. And don’t give me that crap Goma gave! Yung something like, “I’ll be able to give a fresher input to Philippine politics being that I myself am fresh at this.” Ano yon? Yung batas parang script na pwedeng atakihin in a new untested artistic way? Baka nakakalimutan nila na bayan natin ang nakataya sa mga “fresh” if not raw political brains nila.
Sa usapang artista sa pulitika, sino pa nga ba ang magtatanggol sa mga kasalukuyang na-ookray? Syempre yung fellow artista na pulitiko. Isa sa mga umeksena ay itong si Kap na definitely ay hindi ko idol. With his irritatingly singkit smiling eyes, sinabi nya na huwag husgahan ang kapwa niya artista (hindi ko maalala if it was Cesar or Goma he was referring to but just the same I hate him more for his dumb comment). Bigyan daw muna ng pagkakataon yung taong artista na nagpapaka-pulitiko to prove himself.
Excuse me po, Bong Revilla! Saan ka ba nakatira for the past years? Bulag at bingi ka ba for you not to know what’s been happening in our country? Sa tingin mo ba maaafford ng bayan natin ang isang experiment? Eh ang isa pang pagkakamali?
Marahil, ikaw, hindi mo ramdam ang anumang economic slump dahil padded ng salapi ang buhay mo kaya may pumalpak man sa bayan, may taga-absorb ng shock para sa iyo at sa mga pamilya mo. Eh paano naman kaming mga kumikita para magbayad ng buwis? Eh yung mga swerte nga kung may kitain pa kaya di maafford magbayad ng buwis? Ang hirap kasi sa iyo at sa mga katulad mo, nakatira kayo sa subdivision kaya sa tuwing sumisilip kayo sa bintana, out of sight sa inyo ang mga barung-barong na may gulong sa bubong na gawa sa lumang karton. I suggest, bago kayo mag-planong mangampanya, i-try niyong mag-field trip sa iba’t ibang parte ng Pilipinas. Bisitahin ninyo ang iba’t ibang klase ng mga Pilipino. Tapos yon, doon kayo mag-isip kung ano nga talaga ang pinapasok ninyo.
Hindi ako nag-aamok dahil trip ko lang. Naiinis ako kasi ginagago ang ating bayan. Seryosong bagay kasi ang pulitika. Hindi naman yon laro kaya sana pinaghahandaan maigi.
Kaya, Cesar pati ka na rin Goma, kung gusto ninyong tumakbo, sana nag-aral man lang kayo para may background naman kayo sa politics. Mabuti nga kung sineryoso ninyo yung lesson ninyo sa HEKASI (o Sibika at Kultura pa ang tawag sa subject na yon noon?) tungkol sa steps sa paggawa ng batas. At least kung naaalala ninyo pa iyon, may starting point na kayo sa law-making. At alam ko sabi nina Maverick at Ariel, “dream big!” But that doesn’t mean, from nowhere e magsho-shortcut kayo to your respective big dreams. Pinagtatrabahuhan iyon. Try starting from the bottom. Siguro if you think that you are too popular to be a tanod, mag-konsehal kayo, o kaya vice-mayor. Yung ganoon. Para naman ma-earn ninyo ang dignity and credibility ninyo as politicians.
Oo sikat kayo. Maraming fans ang nagmamahal sa inyo. Pero sana, gamitin ninyo sa tama ang kasikatan ninyo. Alam ko, meron kayong urge ng maglingkod sa bayan. Bery gud kung ganoon. Pero isipin ninyo na your inexperienced political pormas wouldn’t serve our country or save our country.
Imagine, gagawa kayo ng batas? Gaano kalaking responsibilidad iyon? Ilang bilyon na ba tayo sa 7,108-island (low tide) natin? Lahat iyon maapektuhan sa pagportray ninyo ng roles sa Senado. At ang effect ninyo (or ineffectivity) ay hindi limited sa panahon natin, make-carry over yan sa mga darating pang panahon sa bansa natin. Ang akin naman, kung plano ninyong mag-iwan ng legacy sa bayan, make sure it will be something you and your future offsprings will be proud of. Yung ganoon.
Tapos, wag ninyong i-goal magkapera. Pagtrabahuhan ninyong mabuti para mga mukha ninyo ang mapunta sa pera—dahil may nagawa kayong mabuti. Dahil tunay ninyong pinaglingkuran ang bayan natin. Dahil naitaas ninyo ang antas ng pamumuhay ng mga Pilipino. Dahil hindi lang kayo award-winning na artista kung hindi magaling kayong pulitiko.
* * *
About kay Manny Pacquiao: ‘tol wag mong ipabugbog ang dignidad mo! Tigilan mo na ang tangka mong pumasok sa politika. Kung mahal mo talaga ang Gen San, ipaubaya mo na siya kay Darlene.
Tuesday, March 13, 2007
Ay si Cesar! Hayy, si Cesar!
at 8:03 PM compartments Political Blah
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
5 comments:
natawa ako sa title
Korek ka jan talent! I am so with you! Even I dont know what Cesar is doing in the political arena. At least kay Goma expected na kasi matagal na shang political wanna-be. Pero si Buboy, lord... at si Pacquiao, hay, ewan ko ba, malalaos sha pag tinuloy na yun. Malaking turn off. Kahit na mag-aral pa sha sa Ateneo.
Kung anuman ang nakain nila, ilayo na natin yon sa iba pang mga celebity. Mahirap na!
Ipabugbog si Manny!!! Lintsak na isa't kalahating tanga talaga! GRRRRR!!!
"k4rl" from the Go LB! community left the following comment in http://golb.yupielbi.com/2007/03/17/ay-si-cesar-hayy-si-cesar/ :
tamang tama tong article na to..
last weekend nanunuod ako sa anc.. parang guest nila yung mga senatoriables.. sina trillianes, cesar at iba pa.
may mgapanelists na mga prof ata or basta mga articulate people.. tinanong nila si cesar about his platform na education ata ang main platform ni cesar.. tinanong nila kung san daw kukunin ni cesar yung pera para sa pagsulong ng education.. ang reply nya is pag mahalal daw sya.. since daw nasa administration party sya.. kesyo yung pork barrel daw lahat daw dun na lang.. at kahit araw2 nya daw tawagan si madam gloria para kulitin at iapprove ang mga gusto nyang mangyari.. kahit oras2 nya daw tawagan si madam president. kakatawa talaga… napakamot na lang ako eh.. halatang walang alam sa pagpapatakbo sa pulitika.. kesyo mga sagot nya lang dapat daw ganito at ganyan.. dapat ganito dat ang damdamin ng mga tao.. ni hindi nya alam yung means kung pano magagawa yung mga hinahangad nya. hay naku.. pls lang sana sa mga tumatakbong artista.. magisip naman kayo.
Post a Comment