Sunday, October 18, 2009

weE-Bit Heroes

Ang natutunan ko siguro ngayong linggo na, hopefully, ay matututunan ko nang i-combat sa mga darating na araw ay ang fact na hindi kasing dali bumuo ng bagay-bagay na napapanood sa TV kagaya ng inaakala natin, kahit na 10-15 mins lang ito tatakbo.

Andaming elements na kelangang pagsama-samahin. Nakakaloka! Mabuti me mga taong handang tumulong sa abot ng kanilang makakaya. (By the way, sila ang aking heroes!)

Nung isang gabi napatira ako ng 2 shawarma at 1 cup ng ice cream sa isang sitting dahil na-sorta depressed na ako sa aking journey towards making my work...work.

But yesterday, marami ang napaluha. Kinilig naman ako. Ibig sabihn may saysay ang pinaggugugulan ko ng oras. Dahil may na-touch. At hopefully may buhay nabago, may taong natuto.

Sulit na ang dalawang oras na tulog kung ganon.

* * *

Sa sidelines. Less than a minute after the mass crying spree sa studio:

Melvin: Naiyak ka rin?

ako: hindi.

Melvin: (puzzled. siguro)

ako: Nauna na kasi ako...


* * *

Ganito magwork ang adrenaline. Sa panahon ng kagipitan, naturally nagsesecrete ang katawan natin ng hormones na may spinach-ni-Popeye effect. Bigla kang lalakas nang bonggang bongga. Solb ang anumang problema.

Adrenaline saved my sequence guide. Sa dulo ng week, natuyot na ang utak ko. Wala na akong masulat na maganda, let alone, may sense. Itinulog ko. Before I knew it, 2 hours before the show na. Ayun na. Adrenaline rushed--ika nga. I don't think "moment of clarity" ang tawag doon. Kasi with two hours of sleep, my thoughts was logically hazy. Pero ayun, nagawan ko ng paraan. Hay...

But let me just say, parang may tumulong luha mula sa akin sa isang linya na isinulat ng aking adrenaline. Kaya ko rin siguro nasabing "nauna na ako". If you get my drift.

* * *

Maikling kwento ng kabayanihan.



May dalawang magkapatid. Si Kuya, nawala ang paningin when he was just 16 years old, matapos operahan dahil sa kanyang brain tumor. Si utol naging guide niya, mata niya at driver niya. Araw araw inaangkas siya sa kakaragkarag na bike para ihatid siya sa school.

Hindi na nag-aaral si utol. Naging finish line na ang high school. Wala na kasing moolah ang pamilya. Si Kuya 4th year high school na. (Naunahan na siya ni Utol gumradweyt dahil natigil siya noong nagkasakit siya 4 years ago.) Chances are, titigil din siya mag-aral next school year.

Pero hindi nagdadrama ang magkapatid. Kahit na ded na si mama nila at kahit na naputol na ang right leg ni papa. Si kuya pa nga ayun at nagpapaaktib sa grupong ng mga may kapansanan. Minsan din niyang ininsist ang right to quality education ng mga batang tulad niya.

Good kids sila. Kaya sila ay pinagpala. Kahit saglit mang maituturing. Dahil alam naman nating hindi naman tumitigil ang buhos ng obstacles ng buhay.

Pero we need not worry about sa mag-utol na ito. Dahil mabuti silang bata. They will find their way, the way they always have.

Isang swabeng kurot sa puso ang kwento nila.

* * *

Wish ko i-share itong first thing I wrote which has been translated into Braille:



Ano ang ibig sabihin?

"Sa mahabang daan na aming tinatahak, lumang bisikleta ang aming hawak. Ngunit ngayon ay napapanahon upang ang luma'y maging bago. Bagong bisikleta para sa bagong paglalakbay!"

* * *

Para sa tunay na kwentong EB Heroes pumunta lang sa http://www.eatbulaga.tv/ebheroes/index.htm

No comments:

Add to Technorati Favorites