Lord, Isang buwan na lang 26 na ako. Baka naman doon Nyo pa ako maisipang kunin. Wag naman sana. Minsan may nagtanong sa akin kung anong sasabihin ko sa Inyo para makatawad pa ng oras sa mundo--extra life kung baga. Eto po. Nagprepare ako ng list. Wag Nyo po muna akong kukunin…
...dahil hindi pa po ako nagkakaboyfriend. (Hindi naman ‘to masyado straight to the point?!? At ang underlying meaning: may plano palang magkajowa ang battik!so hindi pala ako tibo. hehe)
...dahil di ko pa rin po memorize ang bagong mystery ng rosary…yun pong…(isip)…(di maisip)…kita Nyo na, di ko pa alam ang tawag!
...dahil po mauubos na lang ang mga puno, di pa rin ako nakakaakyat sa kahit isa man lang.
...sapagkat ayaw kong mamatay nang di nakakakita ng firefly. (Pasensya na. Di ko maalala kung anong Filipino ng “firefly”)
...Lord, wag naman po. Not until may masayang ngiti sa mukha ko--yung kapareho ng ngiting dulot ng pag-intern ko sa GMA at lalo na nung natsambahan ko ang Youngblood.
…wala pa po akong passport. Baka di po ako papasukin pag lipad ko dyan sa taas. Ayaw ko po sa baba…mainit!
…di ko pa po napapa-footspa ang mommy ko.
…may aattendan pa akong kasal sa December. Minsan lang po ako makakapag-gown. Pagbigyan Nyo na.
…di ko pa nakikita si Mickey Mouse, Jude Law, Cheche Lazaro, at Bob Ong in person.
...di ko pa po nasusulat ang libro/play/script na magpapayaman sa aming lahi.
...marami pa pong tao akong kinauutangan ng loob (tama ba ‘yon? Utang na loob!) Ayaw ko naman pong mag-perish ng di bayad. Kahit pay it forward man lang po sana.
...di pa po magaling ang kapatid ko. Heaven forbid, pero back up supply ng dugo rin po ako.
...di ko pa po napapascan yung grad pic ko.
...di ko pa po nareredeem ang SM Advantage at Laking National points ko.
...di ko pa po nababasa ang buong bible or least yung new testament man lang. Baka magka-graded recitation jan sa taas. Ayaw ko pong mapa-remain standing.
...hayaan Nyo po munang mailibre ko ang aking pamilya sa isang bonggang outing sa beach.
...di ko pa po na-cocompile ang lahat ng mga nasulat ko na. Paano na ang Memoirs of a Battik?
...kasabay nyan, di pa po ako tapos sa College scrapbook ko. Magdadalawang taon na po akong nagtatrabaho pero gusto ko pa rin po sanang matapos yung scrapbook ko.
...wala pa po akong nagagawang kabutihan sa sang katauhan. Sayang naman ang buhay ko kung puro pagpapa-cute lang ang nasa record ko.
...hindi pa po ako umaabot ng 200lbs. Plano ko pong patunayan na ang fatten-up program ko ang pinaka successful diet program there is.
...sayang naman po itong blog ko. Sino na lang ang magmemaintain?
...baka po sa iba ako mapunta, di Nyo na ako makita. Mababawasan po ang mga form of entertainment Nyo.
...wala pa po akong last will and testament. Di ko pa nadedecide kung kanino ko ihahabilin ang maroon Parker pen ko.
...hindi pa po ako sikat.
...wala pa akong draft ng magiging seven last words ko.
...marami pa po akong nakikitang dahilan kung bakit gust kong mabuhay. Di ko lang po maisip yung iba. Kung hahayaan Nyo pa po akong tumambay nang matagal, makakaasa po Kayong masusupply-an ko pa Kayo ng ganitong level ng dahilan.
I thank You.
COMMENTS
tye, alitaptap
pero yung bagong misteryo ng rosaryo e hindi ko din alam.
Posted by: Nikka | May 19, 2006 10:13 PM
fatten up program? WAAAAG!!!
Posted by: Kate | June 3, 2006 09:17 PM
*cough* barbecue *cough* barbeque
Posted by: Ody | June 9, 2006 08:18 AM
the new Rosary Mysteries are the Scrumptididdly Mysteries and the Fantabuloustacular Mysteries.
two more reasons not to recite the already too-long rosary.
Posted by: Poli | June 12, 2006 08:11 AM
Aba patok talaga ang pag sarili ang ginawang joke.
...4 comments...ayos ha!
Posted by: Tyrene | June 16, 2006 06:58 AM
Monday, May 15, 2006
Wag po muna, Lord
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment