Simple lang naman ang buhay e. Ewan ko ba kung bakit madalas pinapa-complicate natin, pinapa-complicate ko. Kaya siguro dapat kong alalahanin ang mga simpleng happy thoughts ko.
Isa sa mga oldest memories ko ay yaong sa house number 1. Alas kwatro ng umaga ako nagigising noon. Aga no? Tapos ngayon hirap na hirap akong gumising ng six. Kapag medyo sikat na ang araw, sinasama ako ng daddy ko sa me kanto para bumili ng dyaryo. Bilang bonus, binibilhan nya ako ng favorite kong hopia. Ayos na ang araw!
Favorite pasalubong ko yung ET. Swerte talaga pag nag-uuwi si Mommy ng isang buong sari-sari store pack! At least yon, tig-three to four packs kaming tatlong magkakapatid. Pag hapit ang budget, isang Stork lang ang uwi nya. Matibay ang ngipin ko kaya ako ang tagahati nung Stork. Kinakagat ko para mabasag. Tapos yon, hating kapatid na.
One of the earliest Christmas memories ko ay sa house number 1 pa rin. Wala kaming Christmas tree. Well, meron pero two-dimensional lang. Gumawa lang kasi si Mommy ng outline sa pader namin using a green fuzzy metallic bough. Nung nakaluwag sya, pinalibutan nya yon ng 50-bulb blinking lights. Never akong naniwala na may Santa Clause. OK na rin yon. At least di ko kailangang ma-disillusion sa existence ng matabang mamang naka-red. Ang alam ko kasing Santa ay yung nakita namin sa Greenhills na nagtitinda ng candy. Hindi yon joke.
Hindi naman ako deprived sa gifts. Da best yung nasa hagdan kami ni Ate, sobrang excited kaming buksan yung regalo namin. Barbie ang laman! Yun ang one and only Barbie doll ko. Bad trip lang kasi the next day, putol agad ang ulo nya. Pinapalipad ko kasi, e di ko nasalo. Ayon tanggal ang ulo sa socket, nabali pa ang socket. Nagkaroon tuloy ng distinct personality ang Barbie ko. Naging punggok!
Another Christmas memory ay nung tatlo lang kaming nagpasko sa bahay. Pagkakaalala ko nasa ospital si Mommy at si Bunso. Nahulog kasi si Bunso sa hagdan. Hobby nya yon, ang mahulog sa hagdan. Anyway hinugot namin ni Ate yung gift sa ilalim ng sofa. (Two-dimensional pa rin ang Christmas tree namin noon.) Tig-isa kami ng plantsa. Yellow sa akin. Pink kay Ate. Ang saya saya ko. Parang totoo kasi yung plantsa—complete with kabayo! Pero ngayon, muhing-muhi ako sa plantsa.
Nung preschool na ako, gusto ko lang maunang matapos ang row namin (na column pala) sa mga activities para mauna kaming maghugas ng kamay at mamili ng placemat pag recess. Ayaw ko kasi nung red na bilog. Gusto ko yung blue na rectangle o kaya yung brown na square placemat. Maliit kasi yung red; lumalampas ang baunan ko. Bad trip lang pag nakakatulog ako sa class. Madalas ngang mangyari yon. Nagigising na lang ako kasi may nagtatap ng stick sa table ko. Huli na pala ako ng teacher ko. Pinapa-jump ako ng ___x—depende yata kung gaano katagal akong tulog.
Nung gradeschool naman, no problem talaga. Kelangan ko lang pumasok. Di kasi ako grade-conscious. Parang di nga yata ako nag-rereview sa test. Swerte lang dahil pumapasa naman ako, at minsan nasa top ten pa ng klase. Hindi ako masyadong nagnonotes. Pangit kasi ako magsulat kaya di ko rin naman mababasa. Mabagal din akong kumopya kaya di ko natatapos. Minsan naman talagang inaatake lang ako ng ADHD kaya heading lang ang kinokopya ko. Wala akong sense ng order o chronology kaya kung saan ko mabuksan ang notebook, doon ako nagsusulat. Ewan ko kung bakit ngayon, sobrang alipin ako ng order, ng date, ng chronology.
Nung high school, total high sa akin ang magreport sa harap ng klase. Yun ang best time ko to feed my star complex. Dami kong gimmick! Gamit na gamit ko ang Stabilo Boss collection ko. Nilalagyan ko pa ng glitters ang visual aids ko para maganda. Gusto ko kasi macolor ang mga props ko. Type na type ko rin ang mga role playing. Big break ko yata noon yung role ko na Muchacho sa play na “Wanted: A Chaperone.” Astig! Nakapag-mura ako on-stage. Not everyday makakalusot ang pagsabi ng “gago” sa isang Catholic school for girls. OK din yung magsasaka role ko sa panel interview kuno namin sa speech. Ako yata si Mang Art, Batangueñong magsasaka sa Cebu. Sumablay lang nga ako sa accent ko noon kasi biglang naging Cebuano e Batangueño nga ako! Favorite ko yung nagmonologue ako sa class as Llanares, character sa Noli Me Tangere. Extemporaneous kasi yon. Sinabihan lang ako ng classmate ko the day before kung gusto ko ng extra grade, magdala ako ng costume. Yun pala kailangang mag-speech sa harap. Buti na lang nabasa ko yung assigned chapter kundi patay! Lahat yan hilarious. Yun lang kasi ang alam kong way para makuha ang attention ng mga classmates ko para di ko sila ma-bore. Palakpak talaga ang tenga ko everytime na napapatawa ko sila. Aba dream ko yatang maging class clown!
Puro pang boy ang roles ko no? Wala kasing boys sa school. Tapos mas madaling maghanap ng costume pag lalaki ang role. In fact nagpabili na ako sa mommy ko ng sarili kong camisa de chino na nasulit naman sa dami ng guy roles ko!
Nung college naman, precious sa akin ang mga panahon ng pagtatanga sa dorm, sa Hum steps, sa likod ng main lib. Tapos kahit na anong trip kong look pwede. Kapag feel kong magmaganda, nagfoformal ako. Kapag tinatamad ako, tsinelas and tibak look. Minsan naman natripan kong pumasok suot ang pinantulog ko. Buti talaga di ako hinabol ng plantsa!
Dahil malayo ako sa pamilya ko, nakatagpo ako ng barkadang nagsilbing pamilya ko doon. Sila yung nakakasabay ko sa almusal, tanghalian o kaya hapunan. Minsan pag may tinatapos kaming papers, sa isang dorm na rin kaming lahat natutulog. Pag ganoon kasi mahihiya kang tulugan ang trabaho. Kapal nga namin kasi regular ang pag-crash namin sa dorm ng isang berk na naging dorm ng dalawang berks, na naging dorm ng tatlong berks, na naging dorm ng limang berks.
Da best talaga pag umaakyat kami ng bubong. As in yero na nakatagilid. Aakyat ka ng tangke ng tubig para marating ang bubong ng second floor nung dorm. Noon lang ako nakakita ng multiple shooting stars in one night! Tapos doon kami nagkukwentuhan, not necessarily usap. Minsan kahit di kami nagsasalita, nakakapagkwentuhan na kame.
Syempre kinareer ko pa rin ang mga speech classes ko. Ninenerbyos ako, yes, pero enjoy e. Lalo pag nagrereact ang mga classmates ko. Mas lalo pag pati di ko classmate may reaksyon. Nagtataka lang ako kasi ngayon ang bulol ko. Sa English pa! Parang di ako naka-uno sa Voice and Diction class ko noon. Nakakahiya tuloy!
Sa bahay naman, mas na-appreciate ko ang pamilya ko. Minsan ko na lang kasi sila makasama kaya every minute counts na. Lalo na sa dalawang pahabol kong kapatid. Nagkaroon kasi ng dalawang pahabol kaya naging lima na kami. Masaya kasi nakakabuo kami ng dalawang team para sa charades. Tapos bigla akong nagkababy in the form of my two brothers. Nakita ko kasi sila since nasa tyan sila ni Mommy hangang ngayong mas matangkad na sila sa akin. Patok din sa akin ang mga joke time namin at mga movie marathon.
Maalala ko lang ang mga ganyang bagay, OK na ako ulit. Iba na kasi ngayon. Kelangan kong mag-grow up. Nireresist ko sya pero di pwede. May pressure na. At hello, 26 na ako! Whether I like it or not kelangan kong maging adult. Sa ngayon, ang worst thing about being an adult para sa akin ay ang pera. Parang forced kang magkapera, magbudget ng pera, at kumita pa ng pera. Di lang root of all evil ang money ngayon. Root of all wrinkles pa sya. Ang pangit! Dati go lang ng go! Deadma kung low budget. Pero ngayon, kailangan ng maraming pera para maraming saya.
Yun ang malungkot.
Kaya naman sa panahong problema ang pera, inaalala ko na lang ang mga sayang naranasan ko sa gitna ng karukhaan. Only then do I remember na di lang pera ang susi sa happiness. Na pwedeng sumaya even without any money involved. Na simple lang naman talaga ang buhay at kahit adult na ako, pwede ko pa ring panatilihing simple ang buhay.
COMMENTS
Tapos nakakahanap na tyo ng comfort sa routine. Nakikita natin ang secutrity ng consistency. Parang dati, dapat palaging bago, palaging iba. Ngayon, pag may nawala sa pattern nakakapang panic. Hindi normal... hindi tama. nakakapag alala. nakakapang wrinkles...
Posted by: Jab | June 18, 2006 12:46 AM
totoo! =)
Posted by: Jea | June 19, 2006 06:09 AM
Salamat sa comment, Jea & Jab.
Sana ay wrinkle-free kayo ngayon!
Posted by: Tyrene | June 19, 2006 06:56 AM
Telugu Calendar California 2016
5 years ago
No comments:
Post a Comment