Hay naku, naglalaway talaga ako sa DSC-W100. Bagong digital camera ng Sony. 8.1 megapixels! Obviously mahal, beyond what I can afford kaya eto, hanggang paglalaway na lang ako. OK na sana sa akin ang lahat ng features except its price.
Nagresearch na ako tungkol sa camera na yan. Mukhang karapat dapat nga syang paglawayan.
Ayan, nafrustrate na naman ang dukha.
* * *
Alam ko, marami pang mahahalagang bagay sa mundo na di mabibili ng pera pero minsan, inaatake ako ng pagaka materialistic ko. Tao lang. (hah, pinaka-convenient na excuse!)
Nahalungkat ko ang listahang ginawa ko noon tungkol sa mga bagay na madalas kong bilhin o “i-stalk” (masyadong weak ang “window shop”) sa mga tindahan.
Eto na nga.
1. Earphones - Hindi naman ako ganoon ka-adik sa music but for some reason, may fascination ako sa earphones.
2. Pens - Umm dahil writer ako kuno?! Tambay ako ng National Bookstore nung bata pa lang ako dahil I take time to choose my pen.
3. Lamps, flashlights, nightlights, glow-in-the-dark stuff - Adik ako sa mga bagay na umiilaw—mga bagay na nagpapatibay sa teyoriya ko na dati akong gamugamo.
4. Movies or TV series (VCD/DVD) - Gusto kong mapanood ang mga gusto kong mapanood kung kelan ko gusto. Gets?
5. Books - Hindi ko sila kailangang basahin. Gusto ko lang silang bilhin!
6. Shoes and bags - Given naman ito. Hello? Babae rin ako…minsan.
7. Gadgets (camera, tripod, memory card/stick, computer, mp3 player—ayoko ng iPod, etc.) - Ako yata ang pinaka-techie sa lahat ng mga technophobe.
8. T-shirts - Kung kasya lang sa akin lahat ng t-shirt na nagugustuhan ko, mapupuno ko ng t-shirt ang cabinet ko. Sana lang pwede sila sa formal occasions. I don’t think matutuwa si ate kapag naka t-shirt ang maid-of-honor nya.
9. Sunglasses/eyeglasses - Maganda e. Kung carry ko lang, bibilhin ko na yung psychedelic frame dun sa Executive Optical. Kaso may pagkakaiba ang kaya kong i-sport sa kaya kong i-appreciate.
10. Socks - Pati ba naman socks di basta basta nagkakasya sa akin?!? Bakit ba feeling ng mga garment factories na big people are no fun? Mas masaya pa nga kami kasi kami, kinakain namin LAHAT ng gusto namin nang di kailangang sumusuka nang sapilitan. Balik sa socks, lumalaki na ang aking koleksyon. Kagabi lang may nadagdag na dalawa. Hehe.
* * *
Kaya ako naghihirap. Madami kasing temptations out there. Weird pa naman sa akin, kapag nakakaramdam ng poverty, mas gusto kong magbibibili. If only to mock the guys inside my wallet.
Ang sarap sabihan na, “Kala nyo patatagalin ko kayo sa wallet ko?! Kala nyo matagal tayong magtitigan? Lalo na kayong tatlo. Hmp!”
Teka, come to think of it, wala pa yatang naging occupant na P1000 bill ang wallet ko. So nag-iimbento lang ako.
* * *
Mali talaga tong ginagawa kong code switching. Technical term yon para sa mas kilalang “Taglish.” At alam nyo bang there’s such a thing as “Engalog?” Pinag-aaralan yan DAPAT ng mga Comm Arts.
Anyway, goal ko kasing magsulat sa Filipino ngayong buwan na ito bilang paggunita sa Linggo ng wika at birthday gift na rin kay former President Manuel L. Quezon na tisoy na tisoy (Check out your bente pesos!). Sana’y mapatawad nya ang aking paglalapastangan sa ating pambansang wika.
Hayaan nyo't pagbubutihin ko next time.
COMMENT
Fellow writer, fellow comic, fellow floater... Gusto ko rin lahat ng nasa list mo. At tulad mo, awan te kwarta para mabili yung mga ito. At sa question mo; iba't iba, isa't isa --- Wag ka nang makulit. Walang hypen yung mga yan. =)
Posted by: Badger Addict | August 5, 2006 05:51 AM
Telugu Calendar California 2016
5 years ago
No comments:
Post a Comment