Wednesday, August 9, 2006

Isang Araw sa Buhay Ko

Heto ang unang eksena ko sa opisina ngayong umaga.

Kaopisina: (Lalapitan ako sa may Mac) Andito ka na pala. Akala ko absent ka.
Ako: (Tatanggalin ang earphone sa kanang tenga) Ako? Hindi ah!

Patlang.

Ako: Ang aga ko nga, natatae naman ako!
Kaopisina: (Matatawa)
Ako: (Mapapansin ang kakaibang ngiti ng iba pang kaopisina na hindi kasali sa usapan.) Malakas ba?
Kaopisina: Oo.
Isa pang kaopisina na hindi kasali sa usapan: Nakaearphone ka kasi.


Hayan. Ika nga ay “Welcome to my world.”
* * *
Sadyang nakakatuwa ang mga palitang kuru-kurong mula sa tunay na buhay katulad nang nasa itaas. Kung maitatala ko lang ang mga ganoong pangyayari sa buhay ko, malamang magkakapera ako.

Sa ngayon heto na lang muna.

On-line at libre.
* * *
Minsang naghihintay kami ng mommy ko ng FX pauwi (nag-bonding kami noong araw na iyon), na-stranded kami sa harap ng mall dahil sa lakas ng ulan.

Mommy: (Magsisindi ng yosi) Yosi muna ako.
Ako: (Walang reaksyon)
Mommy: Yosi tayo, Tye.
Ako: Ano ka ba, Ma, hihilahin mo pa ako sa bisyo mo.


Aral ng kwento ay napapaloob sa eksaktong sinambit ni Ms. Jen, ang “isa pang kaopisina na hindi kasali sa usapan”: Kung ano ang nakikita ng matanda ay nakikita ng bata.

Exactly!
* * *
Isang beses na mistulang pinaiikot-ikot kami ng taxi driver pauwi mula sa Greenhills nagsimula nang magtaka ang Ate ko.

Ate ko: Manong, nasaan na po tayo?
Manong: Umiiwas lang po tayo sa trapik.

Lingid sa kaalaman ni Manong, nag-uusap na kami ng Ate ko sa likod ng taxi nya gamit ang aming mga facial muscles.

Manong: (Nag a la tour guide) Eto yung, (blank—di ko maalala ang pangalan) building.) Dito tumalon si Ma. Teresa Carlson at si Nida Blanca.
Ako: (Maiinterrupt ang “pakikipag-usap” sa Ate ko. Kay Manong) Tumalon din si Nida?!


Nang-aasar ba ako? Pa-inosente pa ang approach!
* * *
Heto pa ang isang kwentong taxi.

Drayber: Ma’am dagdagan nyo naman po ako ng trenta pesos.
Mommy ko: Grabe naman kayo, Manong.
Drayber: Sige na ma’am. Pasko naman.
Ako: Ay, wala po kaming Pasko. Muslim kami.
Drayber: (Mahihiya) Ganoon po ba?


Parang may narinig akong manok na tumilaok pagkatapos noon!
* * *
Ako na yata ang pinaka hunghang pag dating sa kape. Umaasa lang ako sa 3-in-1. Salamat sa 3-in-1 sachet, nakaligtas ako sa pagtitimpla ng kape noong taping ng show na pinag-practicuman ko! At maraming salamat din sa Figaro, dahil, sa GMA, di ko kinailangang magtimpla ng kape.

Binlow-out ako ng isa kong kabarkada sa Stabucks nung birthday nya. At ito ang nangyari.

Barista: Ma’am, meron po kaming promo ngayon. Free upsize ng inyong drinks. Kapag bumili kayo ng tall, magiging grande, etc.
Bday girl: A, ok.


Mapapansin ng barista na nakikinig kaming maiigi kaya itutuloy nya ang pagpapaliwanag ng nasabing promo.

Barista: Kaya lang ma’am hindi sya nag-aaply sa mango and orange juice.
Bday girl: Ahh.


Mistulang nagkaintindihan na kami.

Patlang.

Ako: Pa -order kami ng isang mango at orange juice.


Naka-order na kami ng kape. Sinubukan muli ng barista na makabenta.

Barista: Would you like to add some cakes, ma’am? We have…(Blah! Blah! Blah!)
Bday Girl: Ay hindi na po.
Ako: Meron na akong…(Sasabihin ko sana, pretzels—hindi Jack n Jill ha!—na kukutkutin. Nagbago isip ko.) Meron na akong baong kanin.
Barista: Ahh, OK ma’am. Gusto nyo po initin namin?
Ako: Ha? Kung meron nga akong baong kanin, iiinit nyo nga?
Barista: (Nakangiti pa rin) Opo ma’am basta wag lang po bagoong ang ulam.


Hala! Nakahanap ako ng katapat!

No comments:

Add to Technorati Favorites