Sunday, September 3, 2006

Nichi


Nichi,

Alam ko na malamang sa oo na hindi mo ito mababasa pero kung makita mo man ito sa future, ito na siguro ang mga gusto kong sabihin sa iyo.

Mahal na mahal kita! Malakas akong mang-asar pero lab kita, baby. Sabi ko nga sa iyo, ikaw ang baby ng bahay natin. Kung favorite ko man si Kuya Mic, chika lang yon! Mas affected kasi siya kapag inaasar ko siya kaya madalas ko siyang i-bug!

Alam ko, naaalala mo pa yung pinalo kita ng matindi noon. I’m so sorry. Since nangyari yon, pinromise ko na never na akong mamamalo ng sinumang bata ever. Nichi, sorry talaga doon. I hope mapatawad mo ako for that. Sorry.

Sorry din kasi nung nakaraang nagkasakit ka, hindi man lang kita nabantayan. Matigas kasi ang ulo ni Ate. Matagal nang pinagva-vitamins ni Mommy, ayaw pa! Ayan tuloy, nakipagsabayan pa ako sa sakit mo.

Nichi, sana huwag mo na kaming tatakutin ulit. Sige, di bale nang maingay ka. Kumanta ka lang! Dumaldal ka lang kahit di ko na marinig ang pinapanood ko. Okay na sa akin yon.

Kesa naman matulog ka na naman ng buong araw. Tapos gigising ka lang para umubo, o kaya’y umiyak dahil sa mga karamdaman mo. Kung may magagawa lang kami para di mo na pagdaanan lahat ng pinagdadaanan mo, matagal na naming ginawa iyon.

Siguro nga maraming pareho sa atin: yung pagka-OC, kadaldalan, ka-KSP-han lalo na sa attention ni Daddy, pagkamaramdamin, at lately nagkakahawig na rin tayo. Pero alam mo, mataray si Ate pero di hamak na mas matapang ka sa akin!

Marunong kang lumaban, Nichi, at dahil doon super bilib ako sa iyo! Ikaw lang yata ang taong kilala ko na tunay na nakikita ang baso na half full kesa half empty. Alam mo kung paano mahanap ang brighter side of life. Iyon ay isang gift, Nichi, and the makes you extra special!

Marahil ay mabuti na rin na wala ka nang naaalala sa mga nangyari sa iyo noong nakaraang Sabado sa treatment room at sa mga nauna mong araw sa ICU. Pero kung tatanungin mo ako kung ano’ng nangyari, ito ang sasabihin ko sa iyo:

Pinakita mo kung gaano ka katapang, Nichi. At dahil doon, binigyan mo ako ng lakas ng loob na tabihan ka at samahan ka sa isa sa mga mahihirap na oras sa iyong buhay. Alam ko na ang paghawak ko sa kamay mo at ang pag sabi ko sa iyo ng, “Relax” ay hindi sapat upang maibsan ang iyong hirap pero, gusto kong malaman mo na I became strong because you were stronger that I was. And your tears at that time, the tears that kept on flowing from your pink, bloated eyes, they reminded me how important life is. Ikaw na nahihirapan ay lumaban. Kasabay paghihirap mo ay naturuan mo ako ng maraming bagay. Habang buhay ko sila dadalhin, Nichi. Salamat.

Tuloy ang laban, Nichi! Huwag na huwag mong aalisin ang mga ngiti sa iyong gwapong mukha. At kung may dinaramdam ka, sabihin mo lang. Nandito ako. Pati si Mommy, Daddy, Ate Win, Kuya Jowin at Kuya Mic. Isama pa natin ang mga kamag-anak at mga kaibigang nagmamahal sa iyo.

Maraming may-love sa iyo. Good boy ka kasi. Lahat kami nag-pe-pray na makauwi ka na agad at nang makabalik na sa almost-normal ang buhay mo.

I love you, Nichi!

Sana alam mo iyon.

No comments:

Add to Technorati Favorites