Kung sa gobyerno ako nagtatrabaho, "red tape" ang tawag sa red box of cookies na hawak ko sa picture. E since mukha lang akong government employee, pwede itong tawaging, "gift". Hindi ko alam kung euphemism bang maituturing ang "gift" pero anu't ano pa man, first time kong makatanggap ng lagay--yung pampadulas na sa akin talaga naka-address.
Well, technically, hindi sya pampadulas dahil kung iisipin, nadulas na. Tapos na kasi ang transaksyon. So bale thank-you gift ito. Red thank-you gift.
Sana'y hindi senyales ng potential corruptness ang pagka-thankful ko sa red thank-you gift na natanggap ko kanina dahil grateful talaga ako.
Sa giver of the red thank-you gift, salamat. Kinilig ako.
Seriously, marami kang pinasaya!
Tuesday, September 5, 2006
Red Gift
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment