Thursday, November 23, 2006

Confessions of a Dancing Queen

Houston, we have a problem: Kailangan kong sumayaw!

Magiging plastic ako kung sasabihin kong ayaw kong sumayaw dahil gusto ko naman. I really do. Ang problema, ayaw ng sayaw sa akin.

I find myself faced in a constant dilemma. And it has something to do with my anatomy, probably due to a loose wiring in one of the lobes of my brain: Kailangan kong pumili which extremity ang sasabay sa beat—yung upper or lower—hindi pwedeng both. For some reason, hindi talaga kaya. So patay talaga!

Noong bata pa ako, bibu-bibuhan naman ako. Sayaw kung sayaw! Minsan din akong sinabihan ng tita ko na may future ako sa pag-indak. May kakayahan daw kasi akong sumunod sa rhythm.

Sandali namang nagkatotoo ang sinabi niya. Mula grade 1 hanggang grade 3 ay naging cheer dancer ako. (Hehe. Peachy Crystal Girls, doo-bee-doo dum dum!) Tapos naging aktib ako sa mga dance numbers noong grade 4 and 5. Tapos, ayon! Napagdesisyonan kong mag-lie low sa dancing at magtago behind the scenes.

Pero siyempre, wala akong takas sa pagsasayaw. Madalas kasing lesson sa PE ang iba’t ibang klase ng sayaw kagaya ng folk dancing na minsan kong isinumpa. Pohtek! First year high school na ako, pinag itik-itik pa ako! Eh talent lang iyon ng mga bata sa Little Miss Philippines, eh. Then there’s the ballroom dancing na good luck na lang sa partner ko kung paano niya ako papasunurin. Hindi naman ako bumagsak sa PE so I guess, hindi naman ako ganoong kasama sumayaw. (Or then again pwedeng naawa lang sa akin ang teacher ko.)

During high school required kaming lahat maging part ng pep squad. Yung mga graceful and elastic (I mean, flexible) nagiging cheer dancers. Again, let me say na seryoso ang cheering competition sa St.Paul, Pasig kaya hindi biro ang maging cheer dancer. Yung mga sporty, nagiging players. May special participation lang sila sa cheering. Sa isang kanta lang sila papasok, unlike the pep squad and the cheer dancers na the whole 30 minutes ay nagkakakanta at nagsasasayaw. Needless to say, yung mga di pumasang dancers at players ay bumabagsak na pep.

Pero yon OK lang sa akin. Masaya namang maging part ng pep squad. Lalo na kapag pep squad ng batch namin! Hehe. Naaalala ko na ang favorite na lugar namin kung saan kami nag-papractice ay sa red tiles kapag nasa loob ng campus at sa Green Meadows naman kapag nasa labas. Somehow, may swerteng dala sa amin ang Green Meadows. Na-try na din namin sa Green Park, covered court ng White Planes, clubhouse ng Valle 2 (or 1?) at sa basketball gym ng Acropolis. (By the way, sa clubhouse ng Acropolis ako nakatakdang sumayaw. Yikes!) Pero talagang mas gusto ng batch namin sa Green Meadows.

Segue lang. One time habang nag-break kami sa practice, natripan kong mag-swing with my friends. Eh nabore na ako sa conventional way of “swinging” kaya naisip kong ilipat ang kamay ko from holding the swing’s tali to holding the inverted Y part, connected to my seat. Siyempre tumaob ang swing. Napa-back roll ako. Next thing I knew, nakahiga na ako sa damp grass at ang natatanaw ko ay ang ant’s eye-view ng seat ng swing. At dahil wala akong extra shirt, the whole day akong may putik sa likod. Kaya yata extra memorable sa akin ang Green Meadows dahil doon.

Back to the dance, kinakareer ko rin naman noon ang routine ng pep squad (in fairness). Masaya kase. Enjoy! Plus, mga 200-300+ naman kami kaya hindi nakakahiyang sumayaw.

Ngayon, eight lang kami. Brighter side: one-minute exposure lang. Pero OK lang talaga. At least now I found something that will make me nerbyus again. May pagka-sucker for stage fright kasi ako. Masaya para sa akin ang kabahan dahil pupunta ako sa stage.

Isa sa mga regrets ko ang di ko pag-sali sa cast ng mga play sa UPLB. Well, except dun sa chamber theater namin na parang street play kung saan ako yung roving narrator (memorized lines yon—something which is a challenge to my forgetful brain). Pero culminating activity kasi yon so no choice ako. Nga pala nagkalat ako doon sa dance part ng chamber theater namin. Bakit ba kasi kailangan pa naming sumayaw for that?!

Hindi sa auditorium yon so it doesn’t count. Noong naging stage manager naman ako, in one of our rehearsals, may pasaway na Moon Dancer na di nagsabi na aabsent siya. I had to learn her part in 15 minutes. Mabuti na lang at supportive ang iba pang Moon Dancers. Tinuruan nila akong sumayaw. Pero kahit sa D. L. Umali Hall yon, rehearsal lang siya. Somehow nilimit ko ang sarili ko sa backstage. Ayan tuloy hindi ko na-feed mabuti ang aking star complex!

So this is it! The chance to satisfy my frustration has come. And of course, I’ll seize it.

I’ll seize it with my dignity intact, I hope.

COMMENTS:

sasayaw ka sa FDC Christmas party? ows? ;p
Posted by: Kate | November 23, 2006 09:07 PM

Believe it or not, oo, kate and I am hoping that you will go dance with us, too. Masaya yon!
Posted by: Tyrene | November 25, 2006 04:41 AM

Gusto ko yung "Scissors" (o Scissorhands?). Eto lang ata kaisa-isang chance ko na magawa ko ang dance step na yun (medyo weird nga naman kung sasayawin yun elsewhere, gaya ng debut ng pinsan o sa club). Go, go, go! masaya nga! :)
Posted by: Ody | November 25, 2006 06:01 AM

Goodluck tyrene! haha natawa ako sa swing story mo! anong year tayo nun? bat di kita nakita? hahaha! naalala ko rin tuloy mga hs PE classes natin with itik itik and all that crap! goodluck! galingan mo! tayo mo bandera ng batch98 pep! hahahah! balitaan mo kami uli!
Posted by: Christmas | November 25, 2006 10:28 AM

Gud luck talaga sa akin! Second year tayo noong nahulog ako sa swing, the same time na naging manager kita...sina Corina, Jane and Cyn Clare and naalala kong witnesses--mahusay talagang mga kaibigan...pinagtawanan ako! I remember na ikaw ang partner ko doon sa swing--as in the ballroom dance practical test. Hehe. I hope walang kang namatay na toe nails dahil sa akin!
Posted by: Tyrene | November 25, 2006 08:43 PM

Grabe naalala mo pa talaga! Ako di ko na nga maalala kung sino teacher natin nun! at kung sino sinong partners ko... naalala ko lang na may PE na pinatakbo tayo up and down ng gym na sobrang kapagod. first year ata yun. second year though, masaya un, i think i remember isa sa mga pep pracs naten sa busport e habang nagiintay ng practice dun tayo umupo sa tabi ng mere maria at nagtatawanan. di ko na maalala sino sino kasama naten. kaw ba partner ko nun sa pep?! hmmm...
Posted by: ChRiStMaSII | December 9, 2006 08:39 AM

No comments:

Add to Technorati Favorites