Naloloka na yata ang aking hormones. Feeling nila, buntis ako. Ano ba’t tuwing umaga na lang e nasusuka ako. Morning sickness ba ito? Tapos, yung usok na ibinubuga ng tambutso ng mga jeep na dati ko namang nalalanghap ay exceptionally nakakasuka rin.
Naiisip ko tuloy, ganoon na ba kalala ang buhay ko at pati katawan ko ay nasusuka na sa bawat pagsikat ng araw na sinasalubong ko? Psychosomatic ba ito? Depression na kaya talaga ito o gawa gawa ko lang?
Noong Biyernes bago ngayon, nagkaroon kami ng mini costume event sa opisina. Halloween kasi. Marahil KJ ako dahil hindi ako nakilahok—hindi man lang ako naghagilap ng kahit ano na magmumukhang costume. Gayunpaman, hindi man ako nagbihis ng anumang pang Halloween, nagcooperate naman ang aura ko dahil buong araw akong zombie mode. Maski yung isa kong kaopisina ay napansin ang aking zombie-like aura. Gising ako, naglalakad pero ika nga ay, “nobody’s home.”
Bakit ganito? Buhay pa ako ay namamatay na ako. Para akong UP student na naka-enrol pero hindi pumasasok. Bawat araw na lumilipas ay nasasayang. Naalala ko tuloy nang pagalitan ako ng College Sec namin. Nag-AWOL kasi ako then nagtangkang bumalik. Sabi nya sa akin, sinasayang ko ang slot ko gayong ang daming gustung-gustong makapasok sa UP.
She has a point. Na-gets ko sya doon. Kaya nga pinagbuti ko noong tanggapin niyang muli ang prodigal student. Ako ‘yon. And indeed, UPLB was sweeter the 2nd time around.
Noong estudyante pa ako (Mga P3.25 pa lang ang pamasahe noon. And yes, inabot ko ang P2.00 student fare!) Nangangarag din naman ako sa school work. Pero hindi ako ganito ka-exhausted.
Pwede sigurong dahil iyon sa fresh air sa LB kaya di ako masyadong namamatayan ng neurons noon. Hence, naiiwasan ang zombie tendencies. Or then again, mas bata pa ako noon kaya mas fighter pa ang katawan ko. Mas tolerant pa ako sa physical, psychological and emotional pambubugbog ng forces of nature.
Pero ewan ko. Sa UPLB may panahon ako to stop and smell the flowers. Kaya siguro napapagod man ako, narerejuvinate din agad ang energy ko. Ngayon tira lang ng tira. Leave na lang ang sagot kapag di na kaya ng katawan.
Sa UPLB sagana ako sa freedom. Maski breakfast, lunch at dinner ko ay bahala ako sa buhay ko. Walang pipigil sa akin kahit all day junk food ang kainin ko. Problema ko na iyon kung di ko hugasan ang mga pinagkainan ko, di ko walisin ang dorm ko o di ko iligpit ang hinigaan ko. Kahit umuwi pa ako ng pasado alas 12 o kinabukasan na ng tanghali ako umuwi, OK lang. Walang mag-aalala sa akin. At wala akong aalalahaning nag-aalala sa akin. Syempre alam ko na ang mga panahon na iyon, ang mga carefree days ko sa LB, ay magbabackfire din. Ang somewhat hedonistic lifestyle ko sa probinsiya ng Los Baños will someday run after me and bite me in the ass. Kaya ito na nga. Minumulto na ako.
Siguro kapag nabasa ng mga kabarkada ko sa UPLB ang 1st paragraph ng entry na ito, sasabihan ako ng mga iyon, “feeling mo naman may matres ka?” As if naman hindi na-aaffirm buwan-buwan na “yes, iha, meron ka nun!” Oo madalas namimiss ko ang usapang bading na ganyan usually ang flow. Maski ang aking gay vocabulary ay namamatay na dahil sa kakulangan ko sa exposure sa mga babaeng may kakayahang maging bakla. (Paging Nikka and Luna, and Sarifah na rin, iligtas nyo ako sa apoy ng straightness!)
Recently napanood ko ang ilan sa mga outtakes ng Ms. Congeniality. May isang eksena doon kung saan tinanong ang character ni Sandra Bullock ng daddy niya kung lesbian ba siya. Sabi niya, “I wish.”
She has a point. Na-gets ko sya doon. Napaka-convenient ngang maging tibo. Para kapag may nagtanong sa iyo ng, “Bakit hanggang ngayon wala ka pa ring boyfriend?” May isasagot ka na. “Kasi po tibo ako.” O kaya naman kapag may nagtanong ng, “Ikaw, kailan ka susunod (sa Ate mong ikakasal)?” Pwede mong sabihin, “Naku po, wala pong nagkakasal ng tibo dito sa atin!”
Now that I think about it, magandang idea nga yata iyan. Maisagot nga sa mga taong nag-aakalang nakakatuwa ang mga ganyang tanong. Tingnan natin kung ilan ang mabibiktima ko sa December. Op course I will laugh the loudest because mine will be the last.
Laugh, that is.
Sayang lang nga at hindi ako tibo. Alam ko naman iyon. My gahd, after 26 years I should know! Apparently hindi naapektuhan ng 11 years ko sa all-girls school ang aking sexual orientation. Maski mommy ko alam na straight ako. Tinanong ko kasi siya, “Ma, hindi kaya ako tibo?” Ang sagot niya ay something like, “OK ka lang? Ikaw? Tibo?”
You’ve got to hand it to my mudra! Speaking of mudra, nakakainggit ang mudra ko (mudra = mommy) kapag natutulog. Talagang detached siya sa mundo. Ako naman lately ay hindi nagkakatulog. Hindi naman ako inlab. Nyehe! But why? Konting puyat pa at tighiyawat sa ilong at sa pisngi ay pihadong dadami. (Yes, go Vina Morales, Go!)
Bad trip talaga ang tigahiyawat lalo na kung 26 ka na. Hindi na kasi cute. Kadiri na siya. Hindi na dapat nagkaka-zit ang mga tao kapag above 25 na sila. Pwede bang i-appeal sa kalikasan iyan? Kasing bad trip yan ng mga walang pakundangang tanong sa iyong non-existent love life. O kaya naman ng mamatay habang buhay ka. O ng maglakad na parang zombie. O ng masuka tuwing umaga.
Pero walang tatalo sa ka-bad tripang dulot ng mapagkamalan kang buntis gayong busog ka lang. Si-yet!!
COMMENTS
you have to try and sit in with the Marketing people (Ody Benz Kath and Ces)
ma-e-exercise ang bakla-speak mo (lalo na siguro kung nandoon pa si Rianne)
napakaaga magdeteriorate ng katawan natin dahil sa substance abuse (MSG galore)at sedentary lifestyle (upo sa opisina, upo sa jeepney, upo/higa sa bahay)
Posted by: Poli | November 3, 2006 07:41 AM
ako rin! luna! save us from the fiery pits of STRAIGHTNESS!
tye, ikaw yata ang soulmate ko at hindi si joy. you know, the issue of slow death and the perpetual discussion about my sexual orientation and all.
basta pag may nagtanong kung may boyfriend ka, sabihin mo nonchalantly
"girlfriend po".
tapos sabay blurt out ng...
"charot" then walk away
tignan ko lang kung hindi sila ma-confuse and all kung bading ka ba o tibam. ewan ko, but it works for me! shiyat-up agad sila dun.
bochogs of the world unite! skinny bitches should die! die you maggots!
bitter ba ko?!!
Posted by: Nikka | November 4, 2006 07:23 AM
Suddenly I remembered my long walks in LB. The best yon especially this time of year.
Hay...na-senti ako lalo.
About your suggestion, it's some kinda weird talking gay with my uniform on. Parang di bagay kay "Ma'am" mag-bakla talk. Even "teacher" thinks so.
Posted by: Tyrene | November 6, 2006 06:57 AM
Nikka, tunay na napapatawa mo ako sa mga comments mo. I should try your advice.
Kala ko si Athan soulmate ni Joy...Julio't Julia remember?
(Andami namang soulmate ni Joy. Hehe.)
Shet, Nikka, kung soulmates tayo, baka tayo magkatuluyan. Patay!
Di ko carry!
Posted by: Tyrene | November 6, 2006 07:02 AM
Friday, November 3, 2006
Points sa paligid ng Clichés
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment