Tambay mode ako. Pagkabangon sa kama, tumunganga at nagpakatamad. Saktong walang magawa si Nichi sa bago niyang permanent marker. Napagkasunduan naming drowingan nya na lang ang leg ko ng isang character (of my choice) sa Yugi-oh cards nya.
So ayon, matatapos na sya nang may tatlong Koreanong kumatok sa pinto namin. Magsusurvey daw sila. Yun lang pala eh. Kinuha ko agad yung questionnaire. Palibhasa hindi pa ako nagtutoothbrush, pinasok ko sa bahay yung papel. Maya-maya pa e nagtangka nang pumasok yung babaeng Koreano.
“Can we come in?”
Op kors, I had to live up to the Pinoy hospitality.
“Come in. Take a seat.” Sabay hawi ng mga kalat sa sofa namin. Tapos binalikan ko yung questionnaire. Patay! Isa itong trap! Puro mga bible chenes ang tanong. Hindi naman sa takot akong matanong tungkol sa bible, considering that I got 3 line-of-sevens sa Christian Living nung high school ako. May idea lang ako na hindi aalis agad ang tatlong Koreanong ito.
And true enough, matapos silang pakainin ng mommy ko ng saging which they called “banana monkey,” naglabas na sila ng bible. (Tuwang-tuwa sila sa thought ng “banana monkey”. Ako naman natatawa kasi yung mommy ko e kasalukuyang nanonood ng Koreanovela sa channel 7.) Tinanong nila ako kung nagbabasa ba ako ng bible. Sabi ko, oo, noong nag-aaral pa ako sa Catholic school. Di ko na inexpound na actually, ginagawa ko lang coloring book yung bible ko kaya nga yata nangolekta ako ng line-of-seven doon.
Nang mapadaan ang daddy ko, sabi nya, in Filipino, “bebentahan lang kayo nyan!” I hope di siya naintindihan ng aming mga kimchi-eating guests. Kasi, paano na ang Pinoy hospitality?
Titiisin ko sana na basahan nila ako ng bible kaso may question and answer portion pa. Parang they wanted me to get involved.
Attack of the ADHD na ito kaya napasabak ako sa Inglisan! Sa pagkakaalala ko, ito yung mga sinabi ko:
“I think you are going to start preaching to me.”
Tumago ang tatlong singkit. Take note: nakabukas ang bible nila sa revelations. Talagang tinatakot ako!
“I told you earlier that I used to read the bible. I no longer do that now because I now have a different way of nourishing my faith. I do not believe that I will enter the kingdom of heaven just by praying alone. I think that it is also important to do good deeds to the people around me.”
“Yes but,” sabi nung isa pang Koreana na mukhang may cultural ignorance sa pagrecognize ng mga Pinoy sa kanilang personal bubble—I swear ang lapit ng mukha nya sa akin! “Jesus said ten thousand years ago, ‘come to me if you thirst…blah blah blah…it is the only way you can enter the kingdom of heaven.’ Then this time (balik sa revelations) only those who know the spirit and his wife can enter the kingdom of heaven.”
“I am so sorry but I don’t believe in that. Not all of us have the privilege to read books such as the bible. And I don’t think God will favor those who were lucky enough to have read the bible and known the existence of the ‘spirit and his wife.’ I don’t think God will lock his door to those who cannot read or those whom you, preachers, did not reach.”
“Yes, but ten thousand years ago…” Prerecorded yata ang ten thousand years ago script ng Koreanang ito!
“I have a different way of interpreting the bible. I am so sorry but I’m afraid our beliefs will not meet. I strongly believe that prayer and knowledge of the bible are not the key to God’s kingdom. I’ve seen religious people. I’ve known some who are strong in faith but weak in action. I don’t think they will enter the kingdom of heaven for that. And besides, I do good to the people around me because I want to do good, not because I am finding a way to get to heaven, to assure myself a place there.”
Hindi ko na maalala kung anu-ano pa exactly ang mga sinabi ko. Basta namalayan ko na lang na nakatunganga na ang tatlong Koreano. Hindi ko alam kung naintindihan ba nila ako o kung may sense ba talaga ang mga sinabi ko. Nagulat din ako. Ang dami kong sinabi sa kanila. In English pa! Marunong pala akong magsalita ng matinong Ingles!
Pack-up ang tatlong Koreano. Nag-sorry ako dahil ayaw kong isipin nila na binastos ko sila. Ang akin naman e, kanya-kanyang paniniwala lang ito. At kung ano man ang mas makakabuti sa iyo, ang magiging daan para maging isa kang mabuting tao, why not go for it?
At kagaya ng sinabi ko sa isang katext ko kanina, hindi “matanda” si Papa Jesus—hindi siya yung tipong pag nagsabi ka ng opinyon mo na medyo lihis sa paniniwala niya ay e ikukumpas niya ang kamay niya para mag-apoy na lang ang kinatatayuan mo. Hindi narrow-minded yung batang ipinanganak sa sabsaban. Sa dami ng mga pinagdaanan niya, malamang sa oo, mulat ang mga mata niya sa realidad hindi lamang sa mga pinagsasabi ng mga sikat na propeta noong panahon niya. At sa palagay ko, si Jesus, may sense of humor siya. Kasi naman, kung hindi siya marunong sumundot ng joke sa mga speech niya, malamang tinulugan na siya thousands of men, excluding women and children, na audience niya sa gitna ng disyerto kahit pa may free food sila.
COMMENTS
Buwahahahahaha!!!
banana monkey sounds two degrees removed from kimchi chinky
cheers to the people who still subscribe to "sabi nilang mga matatanda..." and may they find other people to blame for thier upbringing.
Posted by: Poli | December 30, 2006 01:12 PM
Talent,
sooooooooper winner talaga ang acting mo! ang galing! lol! dapat nirerecord mo un ganyan, tatalunin mo pa si rex navarete i swearrrrr!!!
Manager
Posted by: ChRiStMaSII | January 4, 2007 10:18 AM
Manager,
Gusto ko na talaga maging stand up comic. Seryoso! Wala ka bang alam na raket?
Ayos lang sa akin ang mapuyat!
--Talent
Posted by: Tyrene | January 5, 2007 09:03 AM
malabo yata yung "Jesus said 10 thousand years ago", no?!
hindi ba dapat 2000++ years lang?
ano yon? imbento?!
tye, here's to a life led not by religious faith, but faith in one's self.
happy new year!
Posted by: Nikka | January 5, 2007 09:04 AM
Aba, you know your bible! Yun din sabi ng kapatid ko. Siyempre ako, hindi ko alam yon!
Posted by: Tyrene | January 5, 2007 09:07 AM
so ano na ngang pinag uusapan!!!!????? wahahhahaha
Posted by: evil | January 22, 2007 09:09 AM
Saturday, December 30, 2006
Nang si Kristo’y Isilang…May Tatlong Koreanong Nagsidalaw
at 9:49 AM compartments Confusionism
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment