Monday, February 12, 2007

Scene 1: Sa COMMELEC…Action!

Ngayon ang huling araw ng pag-fa-file ng Certificate of Candidacy (COC) ng mga naghahangad na maging senador ng bayan natin. At gaya ng nasabi sa balita, kanya-kanyang gimik ang mga kakandidato upang gumawa ng ingay kahit na hindi pa nagsisimula ang opisyal na panahon ng pangangampanya.

Lahat halos sila ay may hakot na “entourage” maliban na lamang kay Senador Joker Arroyo na pinakamaagang dumating sa COMMELEC ngayong araw na ito. Hmm…parang iboboto ko pa rin yata si Joker. Hindi kasi sya papogi hindi gaya ng iba dyan. At maaga siyang nagising! Magandang indikasyon yon. Katulad ng mga ipinakita niya noon pa man, hindi siya tutulug-tulog. Karapat-dapat lamang na maging mambabatas—may alam kasi at may malasakit sa bayan.

Nagmistulang may showbiz event sa COMMELEC kanina. Marami kasing artistang dumating. Nauna na si Sharon Cuneta na full support sa asawa niyang si Senador Kiko Pangilinan. Noong palabas naman sila ay siyang pagpasok nina Vilma Santos na sumuporta sa asawang si Senador Ralph Recto. Kung iisipin, lusot na ang pag-appear nina Mega at Star for All Seasons kahit na hindi naman sila ang mga-fa-file ng COC. Tatakbo naman kasi ang mga asawa nila; nararapat lang na tumayo sila sa tabi ng mga lalaking pinakasalan nila. Yun lang nga, advantage na agad iyon dahil ang presence pa lang nila ay epektibo nang panghakot ng mga botante.

Marahil iyon ang idea na naglalaro sa isipan ni Richard Gomez kaya talaga namang naghakot siya ng mga ta-artits kahit siya mismo ay artista. Hindi lang ang asawang si Lucy Torres kundi pati si John Estrada at ang manager na si Douglas Quijano ang hatak hatak niya. Hindi ko na nga napansin kung sino pa yung ibang kasama niya basta di ko mawari kung ano ang kinalaman nila sa pag-fa-file ni Goma. Actually hindi ko alam kung ano ang kinalaman ni Goma sa senado. I mean, artista siya, athlete, model, minsang kumakanta sa SOP, and once e na-affiliate sa Mamamayang Ayaw sa Droga (MAD). Pero hindi ko lubos maisip kung paano siya nahubog ng mga nabanggit kong karera para maisip niya na may kakayahan siyang gumawa ng batas.

Originally, sa Bulacan siya dapat tatakbo kaya lang inadvise-an sya ng mga kaibigan niyang sa senado na lang makipagsapalaran. At ito, narinig ko mismo sa kanya sa isa sa mga interview sa kanya last week, sinabi niya na kaya siya diniscourage ng mga kaibigan niya na tumakbo sa Bulacan ay dahil hindi siya lubos na matutulungan ng mga ito kung sa Bulacan lang siya lalaban at hindi rin niya matutulungan mga ito kung nasa Bulacan lang siya. May pagkatransparent din itong si Goma lamang tagos sa katangahan ang transparency niya. Ang fishy ng sinabi niya. Ibig sabihin tutulungan siya ng mga friends niya para pag nanalo siya, siya naman ang tutulong sa kanila. Waw, give and take! Ilan kaya ang berks niya? Ibig sabihin pag nanalo siya, may proteksyon na kaagad silang lahat. Ayos! Safe na agad si John Estrada at Douglas Quijano at by affinity, pati ang talents ni Tito Dougs ay may immunity na rin. Sino naman kaya ang sasabit kay John? Si Janice o si Vanessa?

Noong nakaraang linggo rin gumawa ng ingay sina Leo Martinez kasama si Jun Urbano. Pinakiusapan nila ang mga artista na wag nang makisali sa politika. Magkaibang mundo kasi ang dalawang iyon. Naku, gusto ko biglang yakapin si Leo Martinez sa mga sinabi niya—o sige, si Mr. Shuli na rin. Tama! Tama talaga! Kung kaya man ng isang artista na umarte bilang mahusay na senador sa pelikula, hindi iyon nangangahulugan na magiging mahusay na senador siya sa totoong buhay.

Alam kong pinakakapal ng showbiz ang mukha ng mga taong alipin nito pero naman…ang tumakbo na armado lamang ng kasikatan, puhunan (as in pera), at galing umarte ay ibang level na ng kakapalan. Sana maisip yan ng mga movie/TV fans nating kababayan na boboto sa Mayo.

COMMENTS

Kurak! At ano ba alam ni richard talaga? ok na un iba na at least so local govt muna nagstart diba, parang si ate vi, mayor muna, eto ambisyoso! senator agad! ewan. feeling ko di sha mananalo. un nga MAD di nanalo as partylist noh! happy vday! hehe!
Posted by: Christmas | February 14, 2007 09:18 AM

Hi Tyrene! Masasabi ko lang, it's a sad day for the world when Richard Gomez filed for candidacy. )= Wala nga siyang alam sa paggawa ng batas.
Posted by: an-guia | February 15, 2007 08:17 AM

Hi,Annie! :-)
It'll be a worse day for all of us if Richard wins. Que horror!
Posted by: Tyrene | February 17, 2007 08:19 AM

No comments: