Namimiss kong mag-blog...as in.
yung sinusulat ko lang ang naiisip ko at magugulat at mapaparaning na lang ako kasi nababasa na yun ng mga tao-kakilala man o hindi. yung ganoon.
gaya kanina, salamat sa labor day nakauwi ako ng may araw pa. at dahil bukas pa ang mall, nakisilip ako sa mega-sale. i was out hunting for that cute and comfy pair of shoes na susunod kong aabusuhin. parte sana ng much-needed retail therapy ko kasi ...naman... ngayon alam ko na ang ibig sabihin ng stress sa trabaho. so i was ALMOST prepared to squander a generous amount of my hard-earned money sa bagong sapatos. para matuwa ang imelda in me. at para naman hindi mukhang kawawa ang chaka kong paa kapag natabi na sa mga celebrity feet. (mukha akong kawawa dahil kahit suot ko pa ang pasalubong ni ate na ipanema sandals, mukha pa ring paa ng magsasaka ang paa ko. im afraid im not doing justice to that rhinestone attached to what-could-have-been my glamorosang sinelas)
at ayun na nga, na in-love ako sa isang pair ng nike shoes. 20% off. ang problema Php2700+ pa rin siya. naalala ko na marami ang nagugutom. 2k+ is too much for a pair of shoes lalo pa kung kasama ako sa mga nagugutom! haha.
naisip ko bigla...kung may manliligaw sa akin (hehe...naiisip ko to!) dapat ipunin niya ang pambibili niya ng bulalak para sapatos na lang ang ibigay niya sa akin. baka sakaling sagutin ko pa sya. ehehe.
sabi sa opis ko bakit daw wala pa akong boypren. sasabunutan nga raw ako nung isa kong opismate kung matapos ang taon at wala pa rin akong syota. naisip ko papakalbo na lang ako para di niya ako masabunutan.
sa happy hour namin nung tuesday na not entirely happy for me kasi inextract ako sa aking "cursed" editing (di kasi matapos-tapos) para lang pala sa isang inuman e hindi nga ako umiinom--mapa-gatas man o beer, napilitan akong tumoma ng sanmiglite (kunwari one word siya). hindi ko naman first time in fairness. free-flowing ang beer sa bar ng berk ko noong bday niya. di ko lang talaga type ang lasa ng beer. kaso ayun, boss ko na ang nagsabi inuman muna bago trabaho--who am i to say no? robot na ako ibig sabihin.
birthday din kasi ni sir maru. di kami close pero pinainom niya ako. at may picture na kami together na nag-si-circulate na siguro ngayon somewhere sa internet. yun yata ang ibig sabihin ng "pakikisama".
di ko magets kung bakit trip na trip ng mga umiinom na turuang uminom ang mga hindi umiinom. para ba yung religion na "yes, one point ako ke lord kasi me na-recuit ako" epek. ewan. di ko rin kasi mahanapan ng benefits ang pag-inom. bukod sa di ko type ang lasa, ayaw ko malasing. either baka magkalat ako (as in magsuka) or ma-depress--hindi ako dapat nadedeperess.
so ito. humihirit ako ng blog kasi nakakamiss. saka wala lang. marami pa rin akong naiisip kahit tahimik ako. kahit tumigil akong mag-blog. dahil tinopak ako one day. dahil wala na akong oras mag-blog ngayon except tonight.
therefore puyat na naman ako. so good luck bukas. hindi na labor day kaya kakayod na naman si "curacha." para di magutom. at para may pambili ng sapatos. sa sale.
Saturday, May 2, 2009
Allow me to retract my "Bow"
at 12:06 AM compartments Public Thought Balloon
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment