Friday, September 4, 2009

The Sixth-Month Soliloquy

Anim na buwan…ang haba noon! Di ko akalain na mabilis lang sya dadaan.

Pero ayan na nga. Kumusta na? Eto, buhay pa. Ang bonus e masaya pa rin naman.

Pagbabago? Marami. For one nababawasan na ang OC-ness. Keri ko nang mabuhay nang walang tissue o alcohol sa bag. Keber na rin minsan ang “wash your hands before you eat anything” mantra—which technically is not good but considering how it implies the great leap with regard my tolerance on things, oks na siya.

Hindi na rin ako nale-late. Well, let me rephrase, bihira na lang akong nale-late. Milestone rin yon considering how late I end my day and how early I should start it, plus the four rides I have to contend with just to get to work everyday. I can’t help but think, “I must be loving what I am doing!”

Ano pa? Hindi na lang ako ang nakakarinig ng aking mga sinusulat. Di man alam ng iba, minsan ako ang nagsasalita sa mga napapanood nila. Bongga!

Anong mahirap? Lahat! Anong madali? Lahat nang naisip mong mahirap. Nasabi ko nga minsan, may times na feeling mo ang tanga-tanga mo. Minsan naman palakpak tenga mo dahil parang ang galing mo. Balanse lang. Tatapak at tatapak pa rin ang paa mo sa lupa.

Parang eskwelahan lang ng totoong buhay. Madaming natutunan. Pwedeng mag-take notes as you go along. Ingat lang dahil sa bawa’t mali, baka sa hukay ang hantong. OA? Medyo lang. Parang ganoon kasi minsan. Parang any-any mamamatay ka sa dami ng gagawin. Mauuna ka pang ma-dead sa deadlineS mo. Pero araw-araw din ramdam mong buhay ka, dahil sa dami ng iyong ginagawa, it seems na your existence matters. Hindi ka lang white elephant sa sarili mong buhay.

Masaya? Oo. Masaya. Chocolate ko yata. Yung indulgence na you can’t get enough of.

Hanggang kelan? Ewan. Ang mahalaga e naeenjoy ko lang. Ganoon naman, di ba? Do what you gotta do. As long as it makes you feel whole. Tanggal ang butas. Ayos pa bukas.

Yun lang naman.

No comments: