Naisip ko nung isang araw na naglalakad ako sa ilalim ng maalinsangang weather (bale umaambot pero super init) na pinapatay tayo ng nalolokang panahon. Kasi di ba, ang init tapos uulan na parang delubyo level. O kaya naman umuulan pero at the same time ang init ng panahon. Ganon. Kaya yata lagi na lang akong me ubo, sipon, lagnat and what-have-you!
Tapos naalala ko bigla na tao rin ang may kasalanan kung bakit nagkakaganito ang panahon. Alam na naman natin yun. Yung mga polusyon na pinaggagagawa natin ay nagbaback fire na! So nabuo ko ito:
"We started the slaughter. Now it's nature's turn to do the killing."
Ayy! Katakot. It doesn't help that I saw the Nicolas Cage movie called "Knowing." End of the world na may alien intervention ang theme. Di ko siya type. Naweirduhan ako to tell the truth. Saka I'm not much into movies na about the end of the world. Parang mas disturbing siya sa akin than watching "Drag me To Hell" or the likes. Although wala akong balak manood ng "Drag Me to Hell."
Speaking of movies, parang may Titanic moment ako last week when, in the middle of a hot, sunny day, ay bumagyo like crazy sa office. E tamang-tama na nasa canteen kaming apat na magkaka-opisina. Ayun, maya-maya lang e gumagapang na ang baha sa canteen floor. Deadma kami at first kasi gutom kami but in a matter of minutes tumaas na ng 3-4 inches yung baha. So mega sampa kami sa mga chairs. Para kaming nasa Titanic na unti-unting lumulubog but instead na sa Atlantic Ocean, sa baha kami nagsisink! Kaloka! Kinalingan pa kaming isakay sa trolley para maitawid from the canteen to the office proper. Siyempre, adventure na naman. E nung Saturday before that I had my first motorcycle ride. Tapos nademote ako sa trolley. Hehe. Kawawang trolley!
* * *
Siyempre papatulan ko ang Michael Jackson story. Nalungkot ako nung nalaman ko na na-dead na ang King of Pop. Parang lumaki na ako sa tugtog niya. Meron pa nga kaming cassette tape ng "Thriller" noon (na napatungan ng mga boses namin ni Ate. Mahilig kasi kaming magrecord ng boses! hehe). Tapos lagi namin nirereenact yung Thriller MTV ni MJ na natatakot ako every time na napapanood ko. E bukod yata sa Beatles at The Corrs na songs, mga kanta ni Michael Jackson yung marami akong alam na titles.
So Friday ng umaga sabi ng Daddy ko, patay na raw si Michael Jackson. Binuksan ko agad yung radyo ng celphone ko. And ayun na nga confirmed na wala na siya. Mega tribute ang mga radio stations sa kanya. Tumaas yata ang sales ng songs niya. Maski sa music stores, MJ songs ang pineplay at biglang nilabas ang mga MJ albums.
Trivia pala, yung utol ko "Michael" ang pangalan dahil na nga kay Michael Jackson. And then ngayon nadiscover namin na mas magkapangalan pa sila ni MJ than we intended. Michael Joseph si MJ. Joseph Michael ang kapatid ko. Hehe. Bonus Trivia: "Joseph" ang name ng Dad ni MJ.
* * *
Napapansin ko pala na naka-clumsy na ako lately. I'm slowly turning into my Mom. Mommy ko kasi parang may quota na at least 3 times madapa/matalisod/matapilok in a day. Parang napapadalas ang mga"aksidente" ko. Latest mishap ko e last Saturday nung mahulog ako ng ilang steps sa isang hagdan sa Megamall. Mabuti na lang ibang level na ang magpapa-pahiya sa akin kaya deadma lang ako. But then again, sumakit ang kawawang tuhod ko because of my fall. Salamat na lang at nakabangon naman ako.
* * *
Going back to movies, ayun na nga, nagrevenge na ang "Fallen" sa "Transformers 2: Revenge of the Fallen." Medyo me special thing sa puso ko ang "Transformers". Naalala ko kasi 2 years ago, siguro mga around this time din nung lumabas yung "Transformers". Niyaya ko pa si Nichi manood noon kahit na weak na siya. Sabi ko, uupo lang naman siya sa sinehan. Gusto ko rin kasi na maentertain siya. Kaso siya na mismo ang umayaw which is so unlike him kaya sign talaga yon na di na siya OK. Matagal nagstay sa sinehan ang "Transformers". By the time na my brothers and I got to see it, kulang na kami. In spirit na lang namin kasama si Nichi. I guess, parang ganon noong nanood kami nung second installment last Saturday.
I was wearing my "Project: Brave Kids" dog tag. Para well-represented si Nichi. Tapos habang nakaupo ako sa isang bench sa harap ng Bench, may dumaang little boy na naka-Project Brave Kids shirt. Syempre feeling ko sign yon na andon nga si Kulas. :-)
* * *
Di ko na feel magbigay ng review sa Transformers 2. I second the motion na lang yung article na lumabas sa Inquirer last Sunday about the film. Pansin ko lang na talagang packaged as a guy film yung movie dahil sa cars/trucks, action at sa consistent use of Megan Fox as a sex object of sorts. Maganda naman na siya. She is hard to miss given that face of hers. Ewan ko ba kung bakit kelangan ang first appearnce niya sa film e shot niya from her behind. Nag-amok tuloy ang repressed feminista in me.
Hmp! Ayun na.
Monday, June 29, 2009
The titanic experience, hulog sa hagdan atbp.
at 9:56 PM compartments Reality vs Fantasy
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment