Sunday, July 19, 2009

Paano Kung Ikaw si Pacman


Sabi nga ng ka-opisina ko sa pinost niyang picture with Manny Pacquiao sa kanyang Facebook account, "Manny makes the world go round."

Partly true nga siya kasi kung iisipin, yung entourage ni Manny ay maituturing na mini-world na especially umiikot sa kanya. Ikaw na ang maging multi-millionaire in dollar proportions! Tapos maski foreign personalities ay nagkakandarapa magpapicture with you at makipag-shake hands. Bongga ang buhay!

Naisip ko tuloy, paano kung maging kasing "laki" ako ni Manny? Mag-iispecial order din ba ako ng seedless grapes, tuna at Vit Water? O tuloy lang ako sa patae-tae lifestyle na kinagisnan ko. Iikot din ba ang mundo sa akin?

Parang ang hirap imagine-in...


No comments: