Wednesday, November 21, 2007

Nichi in Lea Salongga's MTV



Tol!

Especially namiss kita today, ha. Hay... Ano ba? Di ka pa ba pwede bumisita kahit sa panaginip lang ulit? Konting balita naman sa yo. Kung pwede lang naman.

Eh nung lunes pinagawa ako ni dad nung lagi mong request na Chicken Enchilada, hindi Chili Enchilada! Hehe. Wala na tuloy akong assistant. Pero in fairness, masarap naman yung nagawa ko. Si dad na lang ang tumulong sa akin. Sayang! Sana nandito ka pa para nakakain ka!

Malapit na pala kami magkitakits ng mga berks mo sa PCMC. Dami na naman ang tumulong sa atin! Ngayon iba naman ang pasasayahin natin. Yung mga friends mo naman. Me drawing book, crayola, pencils, eraser, sharpener at stickers na tayong pang-surprise sa kanila. Gusto ko nga sanang magsama ng pellet gun na may laser light (kagaya nung last na pinabili mo sa akin sa Divi) kaso bawal sa bata yung mga guns. Baka hulihin pa ako ng pulis!

Hahanapin kita dun sa PCMC sa DEc. 7, ha? Mag-smile ka sa akin ha. Bawal ang sungit! Bantayan mo na rin sila--yung mga kids doon para naman gumaling na sila kagaya ng gusto mong mangyari sa yo noon.

Ano pa? Si Bibby tumataba na. Pero feeling ko alam mo na yon. Baka nga mas nalalaro mo pa sya kesa sa akin.

Finally, nakita ko na rin pala yung MTV ni Lea Salongga. Bakit ba naman ngayon ko lang naisip i-search sa Youtube!?! Di mo na tuloy siya napanood! But anyway, ipopost ko na rin sya dito para kung sakaling aktib ang Wi-Fi nyo dyan sa heaven, mapapanood mo na rin siya!

Alam ko ikaw yung naglalakad sa corridor na may kaakbay dun sa part na "living side by side" yung sinasabi ni Lea. Ayus ka talaga! Istar!

Miss ko na talaga yung ismile mo, Nichi!

At kahit matagal tagal na tayong di nagkikita, lab na lab na lab na lab pa rin kita! BAlang araw, embrace mo ulit ako, ha!

Lab yu, Gigi!

Mwah!

Ate Tye


* * *

Here's, Together You and I, Lea Salongga's MTV for one of DepED's projects, Brigada Eskwela 2006. It was shot in the public school Nichi attended the whole of his grade school years.

Nichi was excited about it being that he'd be on TV and all. Unfortunately, he never got to see this video. But I'm sure he's seen it in his cool new pad right now.





No comments: