Mama Mia! Mahirap maging isang ina!
Hindi ko keri.
Yung tipong isusubo mo na lang, iko-consider mo pang ibigay sa anak mo. Ang lufet. Yung buhay mo hindi na iikot sa iyo kasi mayroon kang maliit na version mo na kailangan mong i-nurture to the best of your abilities. Bawal ang segue sa priorities. Number one lagi dapat si baby.
Hindi na pwede yung, “I like those shoes…swipe!” Paano na lang ang gatas ng growing kid?
Hay, the things moms have to endure. Walang tulugan habang mulat ang sanggol at, kung pwede nga, wala na ring tulugan kahit tulog ang baby para sure na di madadapuan ng lamok si biby.
Mahirap yun. Nanonood ka ng TV pero yung attention mo na kay baby. Paano na ang poignant line na bibitawan ng favorite character mo? “Gugu-gigi,” na lang. Tinranslate na kasi ni baby.
Gusto mo ng freshly served food sa plato mo pero hindi na lang kasi sayang naman yung leftover ng anak mo. Hihintayin mo na lang siya matapos kumain bago ka bumira. O kaya naman busog ka na pero kakainin mo yung tira ng anak mo. Marami kasing nagugutom sa Somalia.
Hay…kaya naman nakakapagtaka para sa akin kung bakit ang daming nabubuntis. Hindi ba sila natatakot? I mean, if not sa nine months na at risk ang buhay mo or sa big day kung saan hihiwain ka either DOON o sa may bandang ibabaw NOON, e yung sa forever na responsibilidad.
Yikes!
Life-altering moment ang positive sign. Yung iba napapasubo lang. Yung iba, buong buhay nila pinaghahandaan yon.
Sa way kung papaano nila paninindigan yung cause ng positive sign, dun nagkakatalo.
Pero sa end of it all, mama mia! Mahirap maging isang ina!
Yung iba keri nila. Ang galing!
Happy mother’s day na lang sa mga mudras.
Sunday, May 11, 2008
Mama Mia!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment