Wala namang cellphone cellphone noon ha? Pero nakakapag-communicate pa rin naman ang mga tao. Nagkikita pa rin kahit walang eksaktong napag-usapang meeting place. Nagkakatagpo pa rin kahit nakikiramdam lang sila.
Pero ngayon, cellphone dependent na halos lahat tayo. Tumitigil ang mundo kapag walang load, low batt, or kapag minalas at nasungkit ang pinaka-mamahal na gadget. Mahal as in "lab" at the same time "expensive!"
Naaalala ko na 3rd sem ko sa college nang magkaroon ako ng sarili kong functional na cellphone. Nung high school kasi, hinihiram ko lang yung sa mommy ko. Di pa uso ang text noon. Pang-call lang siya. Di din uso ang pre-paid noon kaya sobrang control ang paggamit. Otherwise lagot kay mommy kapag nagreflect sa cellphone bill ang pang-aabusong nagawa.
Somehow, need naman yung unang cellphone ko. Nokia 3310 siya. Yun kasi ang tulay ko mula sa aking home away from home patungo sa home. Pambalita sa mga magulang ko na "LB n po ako. wag alala. safe n ko sa dorm" o kaya "1.0 ako sa Math11! yehey!" pwede rin namang "ma, naubos sa pagpapaprint ang baon ko, baka di na ako umabot til Fri". Nyak!
It is interesting to note yung punchline ng kaklase ko noong college kung paanong nadedemote ang cellphone once naubusan na ito ng load. Gameboy at alarm clock na lang siya! Which is true until now.
Noon my phone ceases to serve its purpose kapag nasa bahay na ako, kaya I tend to toss it away in my room the whole weekend thereby missing text messages sent to me for the two days I'm home.
Napansin ko pala na hindi na ganoon ang "relationship" ko sa phone ko ngayon. Mas attached na siya sa akin. Mas dala ko kung saan man ako magpunta. Feeling may mahalagang tawag any monument! On-call kuno.
Noong una, after lang ako sa pag-call in case of an emergency, tapos hinangad ang text messaging para mas mura ang pag-connect sa pamilya at mga kaklase. OK din kasi may built-in alarm clock pa! Next e radio para iwas boredom. For the same reason, isama na ang wide array of games: from snake to space impact, pati solitaire at minsang naka jackpot ng Pacman! Humirit pa ng camera para sa Kodak moments which would be awful if you'll let it pass you by. Last ay ang ang MP3 player para naman in control ako sa mga music na naririnig ko. Ang daling ikubli ng mga wants para mag mukhang needs, ano? Nagiging insatiable tuloy ang pagdedemand ng kung anumang pwede pang idemand!
So mabalik tayo...na-low batt ako. E i-memeet ko si Char sa Megamall. Where exactly, yon ang problema! Before ako humiwalay kay Sara, nakitext ako to tell Char where I'd be. Di ko na alam kung ano ang masasabi nya sa text kong iyon kasi di naman siya nag-reply. Winish ko na lang na magkita kami sa itinakda kong spot. Makalipas ang ilang minuto, na-restless na ako. Hindi kasi ako gifted when it comes to waiting so nagbakasakaling may tao pa sa opis na nakakaalam ng number ni Char. I was seriously contemplating on using my 6th sense (assuming mine works) para madetect kung saang parte ng Megamall ko mahahanap si Char. Siyempre sinamahan ko ng common sense, kaya naman I have a clue where to start looking.
Pero mahirap nang i-gamble ang oras at ang effort na magpunta sa vast meeting place. Kahit na it means doubting my sense of adbentyur, ayun nga, humingi na ako ng tulong. Mabuti na lang at memozie ko ang number sa opis! Isa yon sa 3 numbers na nagawa kong i-store sa utak ko. Yung isa ay ang cellphone number ko while the other one is our landline at home na minsan ay kailngan ko pang i-trial and error para makuha ang tamang combination ng numbers.
In the end natanggap ni Char ang ipinakiusap kong text kay Kokoy (salamat ulit!) at ayon, nagkatagpo kami!
Alam ko hasty generalization kapag sinabi kong useful ang celepono kasi mas useful pa rin ang senses ng tao.
Weird. Habang sinusulat ko ito, nariringi ko si Irma Daldal and her Chuwari-wariwaps na kumakanta ng "te-le-po-no, tele-pono, madaling gamitin! Te-le-po-no, te-le-po-no! Mag-usap sa teleponooh!"
Thursday, April 12, 2007
Celepono, Mag-usap sa Celepono-oh!
at 11:35 PM compartments Reality vs Fantasy
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment