Mamayang 10:10 PM, magwa-one week na since nag-last exhale ang kapatid ko. Ang bilis!
Minsan, comforting isipin na hindi siya namilipit sa sakit nung huling segundo niya sa mundo. Basta nag-exhale lang siya. Ganoon.
Pero yung ganitong oras, mga hapon ng Tuesday last week, hindi ko lubos maisip kung gaano na lamang takot ang naramdaman niya. Bago pala siya iuwi sa bahay namin noong Monday last week, nagsabi siya ng, “di ba nila alam na lumalala?”
Alam ni Nichi na malala na siya. Kaya siguro di siya masyado nakatulog magdamag ng Monday hanggang Tuesday. Naalimpungatan pa nga ako kasi sumisigaw siya ng “Peregrine! Peregrine!” Tinanong ko siya kung nandoon ba sa kwarto namin si St. Peregrine. Umiling siya. Nung tinanong ko naman kung nagdarasal ba sya, tumango siya. Bago pa yon, may na-mention syang “mabuting tao.” Hindi ko lang gets kung sino yung tinutukoy niya, medyo mahirap na kasi siya intindihing magsalita noon eh.
Tapos madaling araw rin nang sabihan nya ako ng, “kinakabahan ako” o “natatakot ako.” Di ko na maalala kung ano exactly. Basta ang follow-up niya doon ay, “Wag mo akong iwan.” Sabi ko, “oo dito lang ako.”
Pero hindi ko na-spend ang whole last day niya with him. Kinailangan ko kasing asikasuhin ang isang out-of-office official business. Basta, may inasikaso ako saglit kahit na opisyal na naka-leave ako. Tapos pag-uwi ko, pinatulog ako ng tito ko para raw makabawi sa puyat. Although nandun naman ako sa same kwarto with Nichi, na-unconscious ako ng mga 3 hours straight. Paggising ko, nandoon na sina Ate. Sila na ang nagbabantay kay Nichi. Tapos, may oras na hindi ko rin matagalan na tingnan siya dahil sobrang awang awa na ako sa kanya. Kapag lumalabas nga kami ng kwarto, doon na lang kami napapaiyak.
Pero si Nichi, siya yung tuluy-tuloy ang laban. Siguro kung chineer lang namin sya, lalaban pa yun. Keber kung kumalat na sa utak at spinal column yung mga pasaway niyang mga leukemic cells. Matapang na bata yung utol ko. Handang handang lumaban!
Kaso, parang hindi na dapat ilaban ang ganoong kaso. Halatang pagod na pagod na rin kasi ang katawan niya. Kaya ang sinasabi na lang namin sa kanya, “Kung pagod ka na, pahinga ka na. Pwede ka nang sumama kay Papa Jesus.” Ang hirap nga sabihin noon e. Parang may lump na nakabara sa throat mo na pumipigil sa iyong tapusin yung mga pangungusap na yon. Pero si Nichi, wala siyang takot na tumatango. I’m sure naiintindhan niya ang implications ng mga sinabi namin sa kanyang iyon. Matalino si Nichi. Til the very end nag-iisip siya kahit pa sabihing utak na niya ang natripang tirahin ng sakit niya.
Tuluy-tuloy ang lagnat ni Nichi. Humampas pa nga ng 450C. Ang weird noon, hindi man lang siya nagkumbulsyon, normally kasi pag nag 390C ang lagnat niya e nagchi-chills na yon. Problema pa, hindi na namin siya mapainom ng gamot dahil nawalan na siya ng control sa pag-take in ng water. Tumatagas sa sides ng bibig nya yung tubig. Baka mabilaukan lang siya kapag pinilit yung gamot. Mabuti na lang sinuggest ng tito ko na i-medicine dropper na lang yung tubig. Kahit papaano, napawi yung uhaw ni Nichi.
Noong bandang hapon pa, parang nagsimulang tumulo nang tuluy-tuloy ang luha ni Nichi sa kanan niyang mata. Kinausap siya nina Ate. At kami na rin. Dun na namin tinuluy-tuloy na sabihin sa kanya kung gaano namin siya kamahal. Inassure din namin sya na kung sasama siya kay Jesus, mas magiging masaya siya dahil doon, wala na siyang aray—walang dextrose, injection, leukemia, etc. Tapos doon, pwedeng pwede na siyang mag Magic Sing at mag-Playstation kung gusto niya. Sabi din namin na huwag na niya kaming alalahanin. Naaalala ko na sinabihan ko siya na huwag siyang matatakot dahil siya na nga ang pinakamatapang na taong nakilala ko.
Nabigyan naman siya ng last rites ng pari. Parang after nga noon, mas naging maaliwalas ang mukha niya. Parang hinintay na lang talaga nya yung isa pa naming kapatid na makauwi. Tapos ayun nga, almost an hour after sila mag-usap, ni-release na niya yung huli niyang buntong hininga. Siyempre sinigurado niyang kumpleto kaming pamilya. Ang maganda noon, pagtingin namin sa kanya, para siyang nakangiti.
Hindi naman siguro aalis si Nichi nang hindi siya handa. Kaya malamang, reding ready na siya nung mamatay siya. Sana talagang ready nga siya.
Nakapanghihinayang dahil marami pa sana siyang pwedeng gawin. Marami pa rin siyang gustong gawin. Pero gaya nga ng sabi ko doon sa eulogy ko para kay Nichi, yung 13 years niya sa mundo, sulit na sulit na rin. Kasi naman naging isa siyang mabuting tao.
Generous din siya sa kanyang mga hugs and kisses kaya hindi ka magwa-wonder na “bakit hindi ko siya niyakap/kiniss?” Basta sobrang finlood na niya kami sa presence niya noong nabubuhay pa siya kaya namaximize ang pagiging buhay niya.
Siyempre hindi maiiwasang mamiss namin siya. Kanina lang napapaemote na naman ako. Minabuti ko na lang ngang lumiban sa opis dahil gusto kong lasapin yung mga natitira niyang essence dito sa bahay. Nang makatulog ako, napanaginipan kong inembrace niya ako. Napa-smile na lang ako. Paggising ko, magaan na ulit ang pakiramdam ko.
Ganoon talaga si Nichi. Source ng happiness namin. Makakalimutan mo talaga ang gastos na dala ng sakit niya every time na makikita mong humahalakhak siya. Siguro yun na rin ang same thing na tutulong sa aming lumimot ng kalungkutang dala ng pagkamiss namin sa kanya, yung thought na humahalakhak siya sa langit kasama yung mga bago niyang berks na mga anghel.
Alam naman namin na doon sa taas ang punta niya. At alam naman namin na masaya siya ngayon.
Tuesday, July 31, 2007
Sa Unang Linggo
at 4:30 PM compartments Reality vs Fantasy
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comment:
Wow. Binasa ko yung entry mo at halos naiyak ako. Kitang-kita na lubos ang pagmamahal nniyo sa inyong yumaong kapatid. At gaya niyo, nainiwala ako na nasa mas mabuting lugar na siya.,
Kasalukuyan kiong binabasa and Home With God, isang libro ni Neale Donald Walsch kung saan isinasalarawan niya ang nagaganap sa pagkamatay, at kung totoo ang sabi niya (at naniniwala akong totoo), si Nichi ay nakararanas ngayon ng pinakamasayang mga sandali na kanyang matatamo ever.
Mabuhay kayo at ang iyong mapagmahal na pamilya. And may you find peace and joy at the end of Nichi's suffering.
Jim Paredes
Post a Comment