Aha, matagal-tagal na rin pala akong hindi nagsusulat! Ang dami kong naiisip lately pero parang di ko feel isulat yung mga naiisip ko. Anyhow, I’m back. At dahil Agosto ngayon, buwan kung saan sine-celebrate ang linggo ng wika, magfi-Filipino muna ako. Pasensya na lang kung corrupted ang paggamit ko sa ating pambansang Wika.
Ngayong araw na ito ang ikatlong taon ko bilang isang manggagawa. Translation: 3rd year anniversary ko ngayon sa Hallmark, ang unang opisinang pinasukan ko. Amazing! Tumagal ako.
Nung unang bahagi ng taong ito, nakita ko yung notebook ko sa Economics nung 3rd year high school ako. May homework kami doon kung saan tinanong kami ni Sir Macki ng something about sa pangarap naming trabaho pag laki namin. With my lame English, sinulat ko doon na ayaw ko ng office work dahil hindi ko kaya na paulit-ulit ang ginagawa ko sa araw araw.
Ola! Look at me now.
Siguro natatagpuan ko na lang ang variety sa mga napapag-usapan namin sa opis. Perhaps na-eentertain akong maigi ng mga ka-opisina ko. At yung private life ko ay isang roller-coaster ride kaya di ko na alintana ang routine na inassume ng katawan ko sa pagpasok sa isang 7:45-6:00 job. So ayan, 3 years na ako. Kumusta naman?
Mahirap sagutin. I guess, wala ako sa posisyon para sagutin ang ganyang tanong. Nang mamatay si Nichi, nasabi ko sa isang dating ka-opisina na hindi ko alam kung papaano ako babalik sa Hallmark pagkatapos ng mahabang leave. Actually what I really meant was, hindi ko alam kung papaano ako babalik sa normal kong buhay. Pero ayan, balik trabaho na naman ako.
Kaso kahapon, na-realize ko na kahit gustuhin ko, hindi ko kayang maging totally professional given my situation. Ganito kasi yon, nilapitan ako ng isa kong ka-opisina para ipa-proofread yung isinulat niyang press release in Filipino. Not that I am an expert (in my own language), pero dahil isa akong planner (ng greeting cards) medyo naging bahagi na ng trabaho ko ang pagtranslate in Filipino ng mga greetings in English. Kaya naman minabuti ni Kath na ipaki-usap na tulungan ko siya.
So nasa 2nd paragraph na yata ako. Me isang kinorek ako. Narealize ko rin na ang press release pala ay tungkol sa Hallmark for L. i. f. e. Yung L. i. f. e. ay isang organisasyon na tumutulong sa mga batang may leukemia. It stands for Leukemic Indigents Funds Endowment. Kaso, I did not get past the 3rd or 4th paragraph dahil nga it was about kids with leukemia. And it says that leukemia is curable. Tapos ayon, tinigil ko na ang pagbasa. Nagwawander off na kasi ang utak ko. Nakakaramdaman na din ako ng stomach spasms.
In short gumive up ako sa simple task of proofreading because my emotions were getting in the way. Naisip ko nga, “pinapahirapan naman ako ni Kath in more ways than one.” Sa totoo lang it felt like salt was being rubbed to my fresh, painful wound. I had to laugh it off or else iiyak na naman ako at problema pa ang pagpapatahan sa akin.
Nagsorry naman si Kath. Nawala kasi sa isip niya yung nangyari sa kapatid ko noong nakaraang July 24 lang. Sabi naman ni Ate Win sa akin, dapat daw gawin ko pa rin yung pag-proofread para sa mga batang katulad ni Nichi. Somehow, na-disappoint ako sa sarili ko dahil ayun na naman, selfish na naman ang immediate reaction ko sa isang bagay which would have given me the opportunity to be a better person. At dahil doon, napagtibay ko na naman ang theory ko na inherently bad talaga ako. I’m just trying to fight the evil in me all the time kaya madalas hindi for the good of all ang initial reaction ko sa mga bagay bagay.
Therefore, sa madaling salita, hindi ko tinulungan si Kath dahil nga pinili kong tumalikod sa chance ko sana to contribute something to kids who, like Nichi, are bound to fight that treacherous disease called leukemia.
* * *
Friday last week pala. I felt really bad and in turn, I looked really bad, too. Pagtingin ko nga sa sarili ko sa salamin naisip ko, “mukha akong isang babaeng dini-dysmenorria na namatayan ng kapatid.”
Tapos after a quick pause naisip ko, “wait, dini-dysmenorria ako at namatayan nga ako ng kapatid!”
Hindi ako natawa.
* * *
Kelan lang din nabanggit ni Aleth na yung kapitbahay nilang nag-ala Mico Sotto (nahulog sa terrace at namatay) ayon sa mga bali-balita ay nagpakamatay talaga.
Na-bad trip ako.
Galit ako sa mga nag-susuicide. Kung dati naiintindihan ko sila, well, hindi na ngayon. Naisip ko kasi noon, it takes a snapped mental disposition to drive a person to take his own life. Kaso unfair e. Some people would want to have longer lives and would live fruitful lives given a longer lease to their bodies kaso hindi nga sila pinagbigyan sa tawad nila na tumagal tagal pa sa mundo. Tapos etong ibang tao, sinasayang lang nila ang buhay nila by literally killing themselves.
Me topak nga!
* * *
What made me smile today? Bigla ko lang naalala yung isang pit full of ipis sa may sidewalk papunta sa bahay namin. Noon pa ito noong di pa trying hard magmukhang cobblestones and sidewalks dito sa Pasig. Naglalakad kami pauwi magkakapatid. Tapos as usual, natripan kong inisin si Nichi. (Bata pa siya noon, pre-leukemia days pa niya.)
Nilapit (or I guess, tinulak) ko siya doon sa pit kaya panic talaga siya. Natakot ang kawawang bata. Kami naman tawa ng tawa. Every time na dinadaanan namin yung natapalang site ng ipis pit na yon, alaskado si Nichi sa amin. Eventually siya rin e natatawa na sa reaction niya noon.
And another thing, a couple of days ago, while wiping my face with an oil control film, may some sort of an apparition na naganap. Salamat sa mga langis ko sa mukha at natawa ako sa shape na naform sa blue film…I swear heart siya. At naman, siyempre hindi ko sinadya yon. I wouldn’t have made a big fuss out of it kung sadya sya.
Kung sa women of Jerusalem mukha ni Jesus ang nagform sa telang pinunas nila sa mukha ng nagdurugong si Hesus, well sa akin heart. Puso ang nagform sa oil control film na ipinunas ko sa aking oily face. Ang kikay. Di bagay. Kaya nakakatawa. I even have this picture to prove it.
Kadiri siya when you think about it pero nakakatawa eh.
* * *
Siguro, this is as far as I would go in terms of my post for tonight. Next time na lang ako ulit babanat ng mas may katuturan at mas presentableng blog post.
Sign out na lang muna ako for now at baka kung ano pang masabi ko.
Telugu Calendar California 2016
5 years ago
No comments:
Post a Comment