Please click on this Link for some sort of a primer.
Tol, ay, Gigi pala!
Dalawang buwan na tayong di nagkakausap! Namimiss na kita. Tapos ito pa si Juday, panay ang pagpa-plug sa radyo tungkol sa Bike for Life ng Cancer Warriors Foundation, Inc. Naaalala tuloy kita. Samantalang dati, nakikita lang natin yung magandang billboard ni Juday sa EDSA tuwing pagkagaling natin sa PCMC. Akalain mong sinusuportahan pala niya yung mga "classmates" mo!
Monday last week, binisita namin ni Dad yung mga friends mo sa PCMC. Konti lang ang naabutan namin dun, hindi kasi Tuesday o kaya Friday. Yung mga Hema fellows nasa meeting pa kaya di tuloy kami nakapag-thank you sa kanila ng personal dahil sa pag-aalaga nila sa iyo. Tapos hinahanap ka nung secretary ni Dr. Ortiz. Hindi niya pa pala alam na "nag-abroad" ka na. Maski daw yung naggugupit sa yo sa F-Salon hinahanap ka, sabi ni dad.
Si Dr. Alba, inabot namin. Kaso di ko na-share sa kanya yung sinabi mo sa akin nung June na nagugustuhan mo na siya kasi masaya pa rin siya kahit na malala na. Baka kasi maiyak pa ako pag nagsalita ako kaya nag-ismile na lang ako sa kanya.
Kanina sa klase ko, kinwento kita sa mga estudyante ko, for a change. Dati kasi sila ang ikinuwento ko sa iyo. Ngayon, ikaw naman ang bida. Sinabi ko sa kanila na ikaw kasi ang bravest person whom I know. Yun kasi ang sharing namin sa class kanina. Naku, yung isa pang bata walang naisulat dahil wala daw siyang kilala na matapang na tao. Mabuti na lang ako, nakilala kita kaya ayun, may naikwento ako sa kanila. Wag ka mag-alala, maayos ang pagdescribe ko sa yo. Ikaw pa e gwapong-gwapo ako sa iyo!
Hindi naman ako napaiyak. Yung isa kong student ang umiyak. Na-tats sa kwento mo. Speaking of kwento, ginagawan ko na ng paraan yung kwento mo sa Magpakailanman. Ang kulit din kasi ni Dad. Ayusin ko raw.
Kakatayin mo ba ako kung hindi ako ang magsulat ng script ng buhay mo? Gusto ko sana, para naman malaman mo na may ibubuga naman si Ate sa pagsusulat kaso mahirap talaga siya. Yun lang ngang goal ko na isulat ang mga bagay bagay tungkol sa iyo para naman maipublish at tuluyan naming maipagmalaki sa maraming tao kung gaano ka ka-astig, di ko maabot-abot. Pero pramis, balang araw papasikatin din kita.
Salamat pala dun sa huling bisita mo sa akin. Alam kong panaginip lang yon pero at least pinayagan mo akong i-embrace ka. Next time kiss naman, ha? Sana hindi ako nakagulo sa meeting ninyo ni Papa Jesus. Pasensya na kung ginugulo kita dyan tuwing nag-eemote ako dito.
Na-gets ko pala yung mensahe mo sa akin. "No more tears. Try it!" Ang husay mo talaga. Kaso di ko ma-papramis na hindi na ako ngunguyngoy. Kasi namin, miss na miss ko nang pagpipindutin ang mala-kutis mayaman mong mga braso. Hmmm...nanggigigil pa rin ako sa iyo. Ah lab you so much pa rin!
Malapit na palang lumabas yung inaanak natin. Bantayan mo sila ni Ate, ha? Ako naman ang bahala sa surprise natin kay Baby.
Sorry pala di kita nabisita nitong Sunday. Si Dad na naman lang nakasama mo. Kasi naman, yung pina-duplicate ni Ma na susi ko dun sa "pad" mo, hindi kasya sa padlock. Di tuloy kita nadaanan kanina. Di bale, lagi ko namang kinakausap yung picture mo sa sala. Alam ko naman kasi na nandyan ka lang palagi. Kahit busy kang mag-PS3 o kaya mag-Magic Sing dyan sa langit, alam ko, sinisilip mo kami. Nararamdaman ko yon. Kaya nga bitbit kita palagi sa puso ko.
O ayan, humahaba na. Kitakits na lang tayo sa dream and eventually, dyan sa bago mong tambayan. Ikaw naman ang magtutour sa akin pag nakapasok ako dyan.
I lab you, Nichi! Alam mo naman yon, e.
No comments:
Post a Comment