Sunday, October 19, 2008

Bored ka na ba, walang magawa at nalolongkot?

Time to make fun of things. Kaya heto at dumapo tayo sa Pinoy showbiz.

Dahil sa movie ni KC Concepcion with Richard Guttierez, naging panay ang labas niya sa TV for interviews and other pa-cute numbers.

While watching one of her recent TV appearances, Kuya Wah asserted that parang high school classmate mo lang si KC dahil sa paraan ng pagsasalita niya. If I may add, para nga siyang high school classmate dahil bukod doon, halos sabay na kayong lumaki, almost alam mo ang mga pinaggagagawa niya sa school at nakakarating din sa iyo, effortlessly, ang mga balibalita sa family life niya from time to time.

In that light, napag-tripan kong maglista ng mga artista at ang kanilang PARANG relasyon sa ating mga ordinaryong mamamayan, kung hindi man sa akin. Ano ang aking criteria sa pag-classify sa kanila? Wala lang, yung aura lang nila. As I’ve said, trip nga ito.

Kung si KC ay classmate, si Angel Locsin naman ang dati mong schoolmate na pa-swimming-swimming lang noon at di mo akalaing magiging Darna pala someday. Never kayong naging close, except na naka-peace be with you mo siya sa isa sa mga congregational mass ninyo noon.

Meanwhile, si Dennis Trillo yung undiscovered gwaping, if not silent eye candy, na classmate mo sa isang G.E. class—Comm 2 siguro—noong college ka. Sa harap ka naka-upo, siya naman nasa likod na bahagi ng classroom.

May dalawa namang college BMOC (Big Man On Campus) na di mo magets kung papaanong naging heartthrobs. Si Richard Gutierrez at si Jericho Rosales yon. Si Richard yung kapag naging groupmate mo e hindi nag-aattend ng meetings or kung mag-attend man e parang wala rin siya dahil hindi nagsusuggest ng kahit ano para sa project ninyo. Si Jericho naman yung type na natutulog habang nagmimeeting kayo.

Si Mareng Winnie yung prof mo noong college na mahilig mag-overtime kaya lagi kang nalalate sa next class mo. [Note: Never ko siyang naging teacher and I have no idea kung ganoon nga siya sa totoong buhay, but I get that impression from her.] Muntik ka na ngang ma-drop sa next class mo. Mabuti na lang at fan ng Debate with Mare at Pare yung instructor mo doon. Nadaan mo sa pakiusap ang dapat sanang “drop” mo sa classcard.

On the other hand, si Kuya Bodgie yung teacher mo noon sa Day Care. Di mo na siya masyado maalala except sa mga maraming kwento niya. At minsang nanggaling ka sa trabaho, nakasakay mo siya sa MRT. Nahihiya ka lang batiin siya dahil baka di ka na niya naaalala.

Si Miriam Defensor Santiago at si GMA yung kaklase mo nung elementary na spy ng teacher. In short, choochoo. Sila ang taga-buko ng kalokohan ng lahat ng mga bata sa klase. OA din silang dalawa sa pag-paparticipate sa class. Halos magkakulani na sa kilikili sa katataas ng kamay para lang maka-recite.

Yung classmate mo namang all-time favorite ng klase na maging leader sa kahit anumang grouping e si Michael V. Kahit kulang kayo sa research, kaya niyang daanin sa performance ang reporting ninyo. Di mahahalata ng teacher na di kayo tunay na prepared.

Malipat naman tayo sa people in your neighborhood. Si Aiza Seguerra yung dati ninyong kapitbahay na kala-kalaro mo lang dati. Akalain mong mauunahan pa niyang magbinata ang kapatid mo at na madedevelop rin pala ang vocal cords niya one day. Still, you are happy for her, err, him.

Si Willie Revillame yung epal na kapitbahay ninyo na may pagka-Don Facundo sa hangin. Me pagka-manyak rin kaya pinagdadasal mo na wag mo siyang makakasalubong every time na lalabas ka ng bahay ninyo nang mag-isa. Ang maganda lang sa kanya, napapakinabangan ng iba ninyo pang kapitbahay ang yabang niya tuwing may pa-liga sa baranggay. Willing siya maging sponsor ng mga uniforms, medals at trophies.

Si Cristy Fermin naman yung madaldal mong kapitbahay na may pagka-omniscient; parang alam niya ang mga nangyayari sa buhay ng lahat ng tao sa buong baranggay ninyo. Hangga’t maaari ayaw mo siyang patuluyin sa bahay ninyo at kapag pinatuloy mo naman siya, wala siyang pakundangang hihingi ng…JUICE.

Doon sa sari-sari store sa may kanto madalas tumabay si Ping Medina. Ilag ka sa kanya dati dahil malakas mang-Alaska. Pero naka-usap mo siya once and surprisingly, makes sense ang tambay na iyon.

Mapunta naman tayo sa family tree. Si Hero Angeles yung pinsan mong matagal ka nang walang balita. Nagulat ka na lang na buhay pa naman siya at, salamat sa Diyos, dahil hindi naman aadik-adik.

Tito mo Johnny Delgado. Kapatid siya ng daddy mo, if not pinsan. May bahay sila sa Cubao at tuwing bumibisita ka sa kanila, ang laging sineserve ng kasambahay nila sa inyo ay Coke at mani.

Ninong mo naman sina Christopher De Leon at si Albert Martinez. At talagang umattend sila nung binyag mo.

Kainuman ng daddy mo sina Tito, Vic at Joey. Sa tuwing may gathering, present silang tatlo kaya sanay ka nang nakikita silang nagjo-joke time, from sober mode to lasing mode.

Dating officemate ng daddy mo si Jim Paredes. Kinakausap ka niya noon tuwing dinadala ka ng dad mo sa office after ka sanang ihatid ka school only to find out na suspended pala ang klase.

Si Anabelle Rama at si Malou De Guzman ay parehong berks ng mommy. Ilag ka kay Anabelle pero para mo na rin siyang mommy. Si Malou naman, madalas mangaral sa iyo kung nabalitaan niyang may palpak kang nagawa. Pansin mo rin na sinosolo niya ang Magic Sing mic sa tuwing may kantahan sa bahay ninyo.

Anak ng tita mo (kaibigan ng mommy mo) si Dingdong Dantes. Kinilig ang friends mo nang malaman nila na may konek ka kay Dingdong. Pero once mo lang nakita si Dingdong in person. The rest of the time, sa TV na lang.

Malayong pinsan ng mommy mo si Jaime Fabregas. Future ninong sa kasal mo siya, if not ninong mo na nga.

Si Bayani Agbayani naman yung head security sa office ng mommy mo. Di ka makagalaw mabuti kapag andyan siya dahil feeling mo, lahat nang ginagawa mo ay minamanmanan niya.

Finally, si Pokwang yung babaeng nakatabi mo nung pumila ka ng 5 hours sa DFA. Mangiyak-ngiyak niyang shinare sa iyo na nawala ang passport niya kaya hayun at pumipila na naman siya para sa panibagong passport.

* * *
Picture sources:
Angel: http://www.angellocsin.org/photos.html
Dennis: http://male.thedailymodel.com/dennis-trillo
Richard: http://www.newsflash.org/2004/02/sb/sb003780.htm
Echo: http://www.pep.ph/articles/guide/66
Mareng Winnie: http://www.nsclub.net/marengwinnie/resume.htm
Kuya Bodgie: http://kwentongbayan.blog.friendster.com/2006/09/pagmulat-ng-mata/
Bitoy: http://www.flickr.com/photos/chloe04/1407124222/
Miriam Defensor Santiago: http://www.miriam.com.ph/index-mds.htm
GMA: http://www.informarn.nl/informes/asiayoceania/act010501_dusturbiosenfilipina
Aiza: http://www.carouselpinoy.com/aizacaroustar.html
Willie: http://www.newsflash.org/2004/02/sb/sb003581.htm
Cristy: forums.abs-cbn.com/thread/2082450.aspx
Ping: http://www.pep.ph/articles/15254/Stars-and-their-businesses:-Ping-Medina
Hero: http://www.pep.ph/news/16843/FIRST-READ-ON-PEP:-Hero-Angeles-joins-the-cast-of-Dyesebel
Johnny www.tsinoy.com/forum/printthread.php?t=6064&pp=40
Christopher: http://www.pep.ph/news/13147/Christopher-de-Leon-will-return-to-%22Maging-Sino-Ka-Man
Albert: http://www.pep.ph/guide/1915/Albert-Martinez-excited-about-his-Philippine-Malaysian-soap
TVJ: http://ricojr.wordpress.com/2007/04/10/eatbulaga-and-27-years-of-making-the-pinoys-happy/
Jim: http://www.cnetwork.org.ph/media.asp?section=news&id=28
Annabelle: www.abante-tonite.com/issue/aug2207/showbiz_3.htm
Malu: flickr.com/photos/raincontreras/2635379357
Dingdong: http://www.pep.ph/news/16803/Dingdong-Dantes-on-maybe-falling-in-love-with-Marian:-Lahat-naman-posible./2
Jaime: http://contents.igma.tv/igmaweb/webpics/photos/295_608/jaime-fabregas.jpg
Bayani: http://www.titikpilipino.com/news/index.php?aid=159&msgid=11970&offset=160
Pokwang: www.malaya.com.ph/sep20/ente_1.htm

No comments: