Friday, October 17, 2008

Love in the Time of Dengue

Php 8.50 ang minimum fare sa jeep. Php12.50 naman ang sa bus. Ang FX naman na byaheng Megamall to Pasig, Php23.00 ang singil, malayo man o malapit. Baka daw magka-rollback sa pamasahe but who knows kung gaano lang ka-saglit ipapatupad ito.

Php 54.00 na ang isang malaking lata ng Century Tuna. In vegetable oil pa lang yun.

Php 70+ ang isang big bar ng Magnolia Gold Butter—salted man o hindi.

Php 28.00 naman ang maliit na bottle ng Heinz Tomato Ketchup. Php 19.00 lang yun dati! (Hindi pa ang nasusunog ang Puregold sa Shaw noon!)

Php 23.00 na ang isang malaking Johnson’s baby soap. Wala pa ring Php20.00 ito dati (even after matayo muli ang nasunog na Puregold).

Nanganganib na tumaas ang singil sa bawat text message sent. Kapag tinaasan daw ng gobyerno ang tax ng mga cellphone companies, ipapasa nila sa consumers ang panibagong pabigat sa kanilang negosyo. These cellphone companies learned from the best. Role model nila ang MERALCO. Walang lugi dahil sa patrons ipinapasa ang lugi.

Mabuti pa nga ang presyo ng mga bilihin, nagmamahalan! Yung mga tao, hindi.

Sa panahon kung saan na-upstage na ng Dengue ang cholera, nagiging luxury na rin ang love. Mangilan-ngilan na lang ang nakaka-afford magmahal! (Naks!)

Ispeysal day ang araw na ito sa dalawang tao na, by default, will always be dear to me. Perhaps nag-fade na ang essence ng ispeysal-ness ng araw na ito for them kaya di ko sila mabati. Then again, this day made a lot of things possible. Kasali ako sa mga naging possible nang dahil sa araw na ito. Kaya anu’t ano pa man, I thank God sa magic na ginawa niya 31 years ago.

I’ll end my post modern piece with this photo na na-capture ko sa isang souvenir shop sa Sentosa the last time I was there.



Kahit commodity na ang love, I wish people this much happiness if they are, indeed, up for this kind of happy.

1 comment:

Win said...

ang mahal na pala talaga ng bilihin. nung andyan pa ko 30php ang isang lata ng century tuna. hay.

wish ko din maayos na sila. kung alin pa yung libre yun pa ang di makuhang magmahal. samantalang lahat ng mga bagay na kailangan ng tao nagmamahal na.

Add to Technorati Favorites