Friday, December 14, 2007

Bakit May Mga Taong Umiiyak sa Pantry

Sa Ika-27 anibersaryo ng aking pagiging isang Katoliko, naatasan akong magbasa ng Prayers of the Faithful sa misa sa aming opisina, hindi dahil mahalaga akong tao, o dahil mahusay akong magsalita,o dahil pala-simba ako. Actually, ipinasa lang sa akin ang task ng naunang in-assign (ni Kuya—nye!) dahil hindi siya Katoliko. Simple.

So ayun. Misa. Misa.

Si Father Jerry Orbos ang pari. Ang laki pala niyang (holy) mama! Nagulat ako.

Kaso kung bakit ba naman panay ang dikdik niya na, “mapalad tayo dahil buhay pa tayo ngayong Pasko.” Meron pang, “Mayroong iba sa atin na hindi na makakasama ang kanilang mahal sa buhay ngayong Pasko.” Pero panalo talaga ang, “Ang mga taong makakasama natin ngayong Pasko ay maaaring wala na next year.”

You see, ang problema kapag attentive ako sa mass, naiiyak ako. Minsan na lang nga ako hindi tamaan ng ADHD sa misa, naiiyak pa ako!

I couldn’t afford to cry. Bukod sa nakakahiya sa mga katabi ko, magbabasa pa kasi ako ng Prayers of the Faithful.

Ewan ko ba naman kung bakit pagkatapos ng misa, pinagpilitan kong lapitan si Father Jerry?!

“Father, muntik na akong maiyak sa misa kanina.” Siyempre kinailangan ng supporting statements ang aking telling sentence para kay father. “Kasi po my brother died just this July. First time po naming magpapasko nang wala siya.”

Ayun na nga. Di ko na napigil. Cryola ang lola niyo. Que se jodang [di ko alam ang spelling] kaharap pa namin yung head ng HR sa opis.

At, by the way, nasa pantry kami noon. Kumakain kasi si father.

Mabuti na lang malapit lang ang C.R.

Dun na lang ako nagtago. How glamorous!

2 comments:

Luni said...

Hay Tye, parang ganyan epekto ng youngBlood entry mo sa akin kahapon. "Bakit may umiiyak sa 8th floor (yosihan ng building namin)?"

Sana magkalakas ako ng loob sumimba at makinig ng misa. Kasi 5 years na, hindi ko pa matanggap bakit kinuha agad yung tatay ko. :-(

Princess Ody said...

Got me teary-eyed. :(

Sana warm and fuzzy pa rin ang pasko mo kahit nami-miss mo siya. :)

Add to Technorati Favorites