Habang nakasakay ako sa taxi kagabi, pagod sa pakikisali ko sa Christmas Party ng mga bata sa PCMC, napaisip ako kung bakit nga ba ako nakisali sa party na iyon. Pwede namang nanatili na lang akong nangangarap na gumawa ng something special sa mga batang katulad ng yumao kong kapatid. Hindi pa ako napagod, nadagdagan ng gastos, nagpaka-kapal ng mukha para manghingi ng pera sa mga tao sa paligid ko, nagpagka-demanding sa mga kakilala ko na tulungan nila ako, at hindi sana ako na-stress.
Siguro nga yan ang mga iniisip ko noong mga nakaraang araw kaya naman hirap akong makatulog. Habang lumalaki kasi ang party kung saan pilit kong isiniksik ang aking sarili kasama ng mga taong napapayag kong makisali rin, nagiging mas malalim ang involvement ko sa party na yon. Kaya lang, kasabay noon, natatabunan ng mga responsibilidad ang tunay kong dahilan kung bakit nga ba nagpapakabiba ako.
Pwedeng nangshoshota lang ako ng doctor. Akalain mo, naging textmate ko rin si doc for quite some time. At maliban sa kanya, may iba pang doctor akong naging textmates. OK din siguro silang i-add sa aking roster of friends.
Pwedeng gusto ko lang i-redeem ang sarili ko sa mga kasamaang nagawa ko at kaya kong gawin kaya naghanap ako ng saintly thing to do. Hindi ko naman maitatago ang aking pagkamaldita (bitch) especially when under pressure. Hindi ako proud doon kaya sa paggawa ng mabuti sa kapwa, baka ma-compensate noon ang katarayan ko.
Pwedeng naghahanap lang ako ng adventure sa buhay ko. Ang boring naman kasi kung ganoon na lang ako parati kaya why not get myself actively involved with a noble cause? At least yon magiging busy ako ulit over something. At magkakaroon naman ng saysay ang buhay ko.
Pwede rin naman nagpapalapad ako ng angel image. Parang isang pulitikong nagpapaganda ng imahe sa mga taong potential na mai-impress sa kanya.
Pwedeng sobra sobra ang pera ko kaya gusto kong mamigay. Kaya lang ang sobra kong pera ay short para sa mahigit 150 na bata kaya namalimos rin ako bandang huli.
Pwedeng namimiss ko kasi si Nichi kaya umaasa akong makikita ko siya sa mga batang matutulungan kong tulungan. Sa gayon, kahit sandali lang at least nakapiling ko siya.
Pwedeng naghahanap lang ako ng mga bagay na makakapagpaniwala sa akin na mabuti ang mundo, na may dahilan ang lahat, na may kabutihan sa likod ng mga masasakit na pangyayari sa buhay natin.
Pwedeng natatakot kasi ako ngayong Pasko—ang unang Pasko kung saan nalagasan na kami ng isang miyembro ng aming pamilya. Nag-iisip ako ng paaran para naman madama pa rin ng pamilya ko at ng mga kaibigan naming nakikisama sa aming pagdadalamhati sa pagkawala ni Nichi ang sayang dulot sana ng Pasko.
Ewan ko. Gusto ko sanang umiyak para malaman ko kung ano ba talaga. Gusto kong sabihin na ipinursige ko ang dagdag surpresa sa mga bata for the pure and right reasons pero may selfish side to it talaga.
Nagagalit ako kung bakit, kagaya ko, ang tadhana ay kailangang maging hindi perpekto. Kung bakit ba naman kailangang maging extra harsh nito? Kung bakit pati mga bata ay kailangan nitong parusahan ng walang pakundangan?
Sa aking pangungulila, nagagalit ako dahil sana hindi na lang namatay ang kapatid ko. Sana nga hindi na lang siya nagkasakit. Sana ni-love ko pa siya lalo noon. Sana binigay ko na lang lahat ng hiniling niya sa akin. Sana hindi ko na lang siya inaway at pinalo noon. Sana hindi ko siya inasar. Sana nadala ko man lang siya sa Enchanted Kingdom kagaya ng pinakangako ko sa kanya. Sana napakain ko siya ng masarap na pagkain. Sana naipasayal ko pa siya sa mga lugar na napuntahan ko. Sana nakapagswimming pa kami ng maraming beses. Sana mas madalas ko pasiyang pinansin noon. Sana naging favorite brother ko siya. Sana mas nakasama ko pa siya. Sana nakipaglaro ako sa kanya ng kung ano mang laro yong gusto niya. Sana binilhan ko siya ng mga toys na gusto niya. Sana nasurprise ko pa sya ng madalas. Sana kiniss ko pa siya nga maraming beses. Sana niyakap ko pa siya ng mahigpit. Sana tinabihan ko pa siya ng matagal sa pagtulog. Sana nga di ko siya tinulugan nung last night nya e.
Ang daming "sana." Nagagalit ako dahil di ko na sila magagawa. Tinutuon ka na lang ang energy ko sa kabaligtaran ng nararamdaman ko.
Nakatulog naman ako ng masaya dahil nakita kong maraming bata ang nag-enjoy sa party nila. Pero hindi ko maitatanggi na malungkot ako dahil sa pagtatapos ng party na iyon, parang natapos na rin ang Pasko ko.
Saturday, December 8, 2007
Pwede
at 11:59 PM compartments Public Thought Balloon
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
2 comments:
tye, I feel for you. nasa station ko ako ngayon at lalabas ako pagkatapos ko submit ang comment na to. iiyak lang ako saglit sa 8th floor. sa yosihan. linggo ngayon, wala naman makakakita sa akin. pero mas malulungkot ako dahil mag isa ako.
labas tayo pero hindi muna natin masasama si jo. isa pa yun, nalulungkot talaga ko. ang bigat sa dibdib. parang may malaking bara sa lalamunan. :,c
Nakakalungkot talaga :-(
Post a Comment