Disyembre na.
Wala pa rin kaming Krismas tree.
Dati-rati, pagsapit ng birthday ng mommy ko sa November 10, automatic Pasko na sa bahay namin.
Pero iba ngayon.
Ang weird din kasi kung magtatayo kami ng Krismas tree. Mas weird kesa sa obvious fact na OP ang bahay namin pag ikinumpara sa Paskung-Pasko na neighborhood namin.
Sa tapat ng kwarto ko, kumukutitap ang ilaw sa dating ordinaryong lamp post dito sa amin. Heto na siguro ang counterpart ng "Isang Dipang Langit" ni Amado V. Hernandez nang malagak siya sa piitan.
Ang aking isang dipang Pasko.
At kagaya ni Ka Amado, pakiwari ko, isa rin akong preso. Lalo na sa dapat sana ay masayang panahong ito.
No comments:
Post a Comment