Yikes! Huling araw na ng taong 2007. Mayroon na lang akong kulang-kulang dalawang oras para ihirit ang huli kong blog entry sa taong ito.
Timer starts now!
Rollercoaster ride ang 2007 ko. Mas OK sana kung chubibo ride, at least paikot-ikot lang siya at predictable ang pagtaas at pagbaba ng mga pangyayari sa buhay ko, kaso hindi. At kahit na 365 days akong lulan ng rollercoaster, hindi pa rin ako nasanay. Nasusuka pa rin ako sa mga biglang pagliko ng buhay.
Ayaw kong limutin ang 2007. Kahit na ito na yata ang taong nagdala ng pinakamasakit na insidente sa buhay ko. Pagkatapos kasi ng 2007, papasok na ang taon kung saan opisyal na bawas na ng isa ang mga kapatid ko. I will no longer be able to make new memories with Nichi in 2008. Talagang hanggang 2007 ko na lang siya nakasama. Di na makakahirit sa 2008. Sa panaginip siguro, oo, pero aandar na ang panahon at 13 years old na forever si Nichi—edad niya ngayong 2007.
Madalas ko ngang i-punchline sa sarili ko, kahit magkajowa pa ako at lokohin ako ng sinumang damuhong iyon, no match yon sa sakit na dala ng pagkawala ng kapatid ko. Sa jowa, pwede akong magalit, pwede ko siyang isumpa at kung in the mood ako, pwede akong maghiganti. Pero yung pagkamatay ng kapatid ko…wala akong magawa. Nakakainis na nga minsan e, pero wala naman talaga akong magagawa.
Masukal ang pagkawala ng kapatid ko at madalas pa rin akong multuhin ng mga images nya noong hindi na maganda ang kalagayan niya. Maski sa aspetong iyon, wala akong magawa.
Ang tanging tagapagligtas ko na lamang ay yung bagay na nagpapa-high kay Peter Pan bukod sa balakubak ni Tinkerbell: yung tinatawag na happy thoughts. Good times with Nichi ang bumubura sa aking pagluluksa.
Nanghihinayang ako hanggang ngayon dahil hindi ni Nichi inabot ang pamangkin naming si Nikha Yzabel, a.k.a. biby Yzee. Pinaplano pa naman niya noon kung paano niya papasalubungan ng kung anuman ang magiging pamangkin namin sa tuwing manggagaling siya sa school. Naisip pa niya yon kahit alam naman niya na sa ibang bansa naman titira yung future pamangkin namin.
Ang cute ni biby! Proud Tita ako. Kaya lang di ko pa siya nakikita sa personal. Mabuti pa nga si Jessica Soho, Noli de Castro at Dennis Trillo, nakita ko na in the flesh! Si biby hanggang picture at videos lang. Salamat na lang sa technology, nakikita ko si biby live via webcam. Feeling ko pag nagkita kami sa totoong buhay, baka maiyak ako. Therefore, ka-level niya sina Michael Jackson at Bono. Iniiyakan ng fans.
Ang sense of humor siguro ang isa pang ika nga ay saving grace ko. OK talaga na kahit tragic ang buhay, keri pa ring tumawa. Napansin ko lang nga na hindi nakakatawa para sa marami ang mga punchlines ko. Ako yata ang target market ng jokes ko.
Take this for example, last week nag-Pizza na lang kami para sa noche buena para hindi na kailangan ng effort sa paghahanda. Since malapit lang naman sa amin ang isang pizza parlor, nagtake-out na lang kami ng kapatid ko.
Cashier: (Enters our order sa cash register niya. Titingin sa kapatid ko.) Sir, ano pong pangalan [ninyo] ?
Kapatid ko: (Seryoso) Joseph.
Ako: (Hihirit) Ako naman si Mary. (Maikling pause) Naghahanap pala kami ng matutuluyan ngayong gabi. [Thought balloon ko: Pero hindi ako buntis!]
Cashier: Ano po?
Ako: Wala. Nagpapatawa lang ako.
Pangsitcom sana kung may naka-gets bukod sa akin.
Ehe, basta natatawa pa rin ako, I know I’m gonna be fine. Sana matawa pa rin ako sa 2008.
Putukan na ng putukan sa labas namin. Anak ng— Duwag pa naman ako sa mga paputok! Pag naging makapangyarihan ako, ipagbabawal ko talaga yan. Mangyari kaya iyon sa 2008? Who knows?
Wala naman talagang nakakaalam kung anong mangyayari sa bagong taon. Exciting pero nakakatakot rin. Mixed emotions.
Basta. Good luck na lang talaga sa ating lahat sa 2008.
Lacking in organic unity ang last entry ko for 2007. Nakakahiya. But somehow, it reflects who I am right now: a mess trying so hard to tidy itself up.
Shut up na ako. I’ll let the fireworks make all the noise bago mag-alas dose.
…shutting up…
No comments:
Post a Comment