Madalas, may hidden messages ang mga bagay na sinasabi natin. Iyon ang tinatawag na subtext. Pwedeng sadya nating ikinukubli ang tunay nating mensahe sa mga salitang kaya nating sambitin. Minsan naman ang mga natatagong mensahe, o subtext, ay dala ng pagkakaiba sa ating thought process at sa ating kakayahan na ipahayag ang ating mga sarili.
Ipinapakita ng palitan ng text message sa ibaba ang konsepto ng subtext:
Boy: …Sana ikaw na lang ang girlfriend ko. As if naman papatulan mo ako.
[Subtext: Ihihirit ko na, baka makalusot pa.]
Girl: As if nga papatulan kita.
[Subtext: Mabuti na ang malinaw!]
Boy: Ganoon ba ako ka-unattractive?
[Subtext: Aww, nasaktan ako doon, ha?]
Girl: Hindi naman… Hindi lang kita type.
[Subtext: Hindi kita type.]
Yon.
Gets?
Telugu Calendar California 2016
5 years ago
No comments:
Post a Comment