Someone get me a knife. Quick!
Konti na lang talaga, maghihiwa na ako ng balat para lang hindi makatulog habang “inaawitan” ako ng tinatawag ko ngayong “Adarna.” Shet. Kaso I swore hindi na ako magpapaka-masochista pa mang muli. Kaya, ewan, bahala na. Baka mabalitaan ninyo na lang next time na naging bato na ako dahil naiputan ako ng Adarna.
Either that or ginilitan ko na lang ng leeg ang Adarna. Yikes! (Magpakamorbid ba?)
Hanga na ako ngayon sa mga hasler ng mga graveyards shifts. Ako, keri ko ang puyatan. At may three times ko nang nagawa ang walang tulugan ng 24 hours. However yung 2x doon, namatayan ako ng mga taong malapit sa akin. You can just imagine the adrenaline rush kaya daig ko pa ang nakatira sa pagka alive, alert, awake. Pero hindi ko kayang mag-stay awake kung humihiyaw na ang katawan ko ng, “Tyrene, meme na!”
Chances are may kaka-blag talaga dahil ang panuntunan ko sa buhay, “gutumin ninyo na ako, wag ninyo lang akong idedeprive ng sleep.” Mas matakaw ako sa tulog kesa sa pagkain. At mas hinahanap ko ang tulog kapag hindi ako pwedeng matulog. (Syempre masarap yung bawal!) Pasaway ako by nature.
Therefore, nanganganib akong mag “run, Forrest, run!” muli. I am trying to not spoil myself by conveniently resorting to that option pero kung ganitong nahihirapan naman ako, baka i-take ko na yung lifeline na pinauso ni Mr. Gump. Apo pa naman ako ni Narcissus. I love myself too much to expose myself to absurd forms of torture, minsan nga kahit reasonable, ayaw ko. So talagang tinalikuran ko na ang aking masochistang nakaraan. Charot!
Nga pala, naiisip ko na probably nung past life ko, lalaki akong may asawang über sa pagka-nagger. Kaya I repel anything that sounds like “a nagging wife.” I mean, pwede naman akong pagsabihan and I believe I take criticisms well. Kaso ayaw ko yung halos pukpukin ako sa paulit ulit na mga salitang gets ko naman na sa isang pasada. Kasi kung di ko naman na-gets, ako mismo ang magpapaulit. Kaya siguro kahit nice ang Adarna, I feel the urge to repel her.
Sa kakasalita niya, di ko mapigilang magdrift off at talagang nagshu-shutdown ang utak ko. Kahit gusto kong makinig, ang nagreregister na lang sa auditory nerve ko e dumadagundong na “blah, blah, blah” na talo pa ang Uggoy sa Duyan sa sedating effect nito. It helps na may Dr. Phil vibe siya kaya kahit I believe she means well, medyo irritating. Bad ko talaga!
Hindi ko maiwasang itanong, “ano na naman ba itong pinasok ko?”
Putek, walang panama ang kape sa antok ko, aggravated by the Adarna. Nagtataka lang ako kasi pwedeng magyosi break pero nap hindi. Therefore mas ethical and corporately sound ang lumabas ng building para humithit at bumuga ng nicotine at tar kesa sa mag-engage sa harmless power nap sa mismong seat at desk mo.
Asaan ang sound reasoning doon? At saka tama bang i-promote ang yosi? Mas mamatamisin ko na lang yatang maging bato kesa maging tambutso.
Hay naku, I am ranting kaya chances are di ninyo ako magegets.
Pagbigyan ninyo na. Kulang lang po sa tulog.
Telugu Calendar California 2016
5 years ago
1 comment:
Ako din... 4:15 am na, gising pa!
Di naman magawa-gawa ang dapat gawin!
Ano ba, Adarna!
Post a Comment