Tye: Paano mo sasagutin ang tanong na hindi naman tanong?
Soy: E di sagutin mo ng sagot na hindi sagot!
A few hours later, nakarinig ako ng series of sagot na hindi naman sagot. Nakapagtataka dahil tanong na tanong naman ang mga pinagtatanong sa mga sumagot ng sagot na hindi naman sagot.
Anlabo!
Sumakit tuloy ang ulo ko. Napuyat kasi ako. Dagdag pa ang pagka-constipate ko dahil nga hindi ako na-satisfy sa mga narinig ko. At dahil hindi nakalabas ang mga toxins ko sa katawan, pakiwari ko’y nalason ako unti-unti. Umakyat pa yata ang lason sa utak ko. Mangilan-ngilang brain cells ko din ang nabiktima ng constipation na yon.
So ano ba ang pinagsasabi ko at kinailangan ko pang magtago sa sarili kong wika na kinorupt ko ng konting Ingles?
Isang Tanong
Yun ang sagot. Seryoso.
Yun yung special ng GMA7 kung saan sinalang nila ang mga Senatoriables, nuisance man o otherwise. Entertainment at its finest lalo na nung maupo na si Goma, Buboy at, drum rolls please, Victor Wood. Hindi ko lubos maisip kung ano ang tumatakbo sa isipan ng mga taong ito pagkatapos nilang ma-interview at pag-uwi nila sa kani-kanilang mga mansion. In fairness, nakakatawa rin si Oliver Lozano. Dahil yata sa pagka-loyalista nya, naging kamukha na niya si Marcos. In fairness ulit, hindi lang ang ating mga artista ang guilty ng hindi pagsagot ng mga tanong na tanong. Pati yung mga “matino” rin. Required skill yata yon ng isang tunay na pulitiko. Cunning pagdating sa pagpapaliguy-ligoy ng mga isyu. Si Loren, Ok sumagot ng mga tanong. Napagkakasya niya sa time limit. Mayroong intro, body at conclusion but still di ko pa rin sya type. There is something not true about her. Si Tita Tessie, nagulat ako. I expected more from her dahil naging senador na sya noon. Hindi man lang ako napa-Whoa sa sagot nya. Mas bagay nga yata talaga siyang maging Lola. Gusto ko pa sanang mang-okray kaya lang inaantok na ako. (Yuck napaka-iresponsable ko namang manunulat!) At saka pag ni-refresh ko ng todo ang memory ko sa mga napanood ko kagabi e baka tuluyan na akong mapigtasan ng ugat sa utak. Mahirap na.
Sayang din pala kasi na-miss ko yung unang set ng Senatoriables noong nakaraang Linggo. Pero anyway, salamat sa teknolohiya, pwede nang ulit-ulitin ang Isang Tanong. Just click here to get to GMA7’s site and you can take it from there.
Subukan niyong panoorin. Mahusay na guide sya sa pag-dedecide kung sinong kandidato ang dapat seryosohin next week. At least, hindi lang GMA7 ang magbebenefit sa kanilang special, pati tayong mga botante, mga mamamayan at ang bansa na rin.
Shet! Serbisyong totoo? Is that you?
2 comments:
ahahaha! i did catch a glimpse of one of the series nito. oo nga... pagdating sa instant tanungan bihira din pala sa kanila ang matinong makasasagot. and totoong kahit ako nagulat sa sagot ni oreta. or maybe that was a different person? my golly geez, sa dami nila lito na ko sa names. about legarda? yeah there is something about her nga na parang plastik noh? i get the same vibes lang. hehehe...
but all in all... im annoyed. mas marami paring nuisance kahit pa proclaimed silang normal. whatever! *grin*
And we're supposed to choose 12 among the mix of a majority of nuisance and a minority of "normal". Seesh!
Post a Comment