Thursday, May 10, 2007

Yesterday, Today and Tomorrow

When some things went wrong yesterday, I realized na hindi naman ganoon ka-jologs ang mga kapatid ko. Laking Pasig kasi. Puntong Pasig tuloy. Bihira pang mag-Ingles. Tapos di na uso ang Sesame Street nung lumalaki na sila. Sineskuwela at ATBP ang hot. Halos lahat pa ng cartoons, telenovela, etc. e tina-Tagalog!

So surprising na marinig ko silang mag-Ingles at a moment of semi-crisis.

Sa opisina, tumawag ako sa bahay in response to a 911-like text. Si Nichi ang nakasagot. Habang nag-uusap kami, bigla siyang nagsabi, “Mamamatay na yung isda natin! Nagbe-belly up na!”

Naks! Belly up. Sosyal!

Matatapos na ang long day. I was summoning sleep with my eyes closed nang bigla akong gisingin ni Migs.

“Ate, yung pipe natin nag-burst.”

Pipe. Nag-burst. Shala!

He could have said, “ate, tumatagas na ang tubig natin sa banyo.” But no. May “pipe” at “burst” sa sentence nya.

* * *

As usual puyat na naman ako. Major factor ang pipe na nagburst kahapon. Midnight kasi nakatalungko kami ni Migs sa labas ng gate, trying to figure out which water meter is ours. May around ten water meters kasi sa labas ng gate namin which is weird dahil pito lang naman ang apartments dito. Anyway, nag-trial and error na lang kami ni Migs to figure out which valve to turn off para ma-stop ang tubig naming nagi-is-squirt.

Siguro dahil kulang ako sa tulog kaya bigla kong namiss ang berks ko. Gaya ng nasabi ko sa past entry ko dito, hindi good sign ang makaramdam ng “missing you.” Pero anyway, nagsenti na lang ako. Tinext ko sila na how I wish, ganoon pa rin kadali sa aming mag-regroup sa Hum Steps just to check on each other.

Anyway nahugot ko si Jo amongst my 11 berks. Kahit P150 na lang ang laman ng wallet ko, minabuti ko syang yayain mag-bowling. Gumo naman siya.


Mahigit isang oras yata kaming naghintay ng bakanteng lane. Finally, may umalis sa tabi ng nag-tu-tournament. Shet, napatabi kami sa experts! Nagmukha kaming special nyor-e na exceptionally incompetent pagdating sa bowling.

Actually, adik lang ako sa bowling pero I’m not good at it. Gusto ko lang magroll ng bola. Icing on top of the cake na kung marami akong mapatumba. At yung bowling kong PE? Masaya sya but di ko necessarily natutunan how to control the ball to topple all the pins. At yung isang strike ko kanina, tsamba lang yon. Peksman!

Half pa lang ng game pagod na ako. Yun pala si Jo din. Nararamdaman ko yung arms and legs ko na nanginginig. Gusto ko sanang sabihin na yon ang reason kaya 70 lang ang score ko pero hindi rin. Hindi talaga ako expert. Chika lang talaga ang pagbo-bowling ko. For fun lang kung baga.

Nag-enjoy naman kami ni Jo. At may mukha pa kaming ipa-print ang score sheet namin. Panandalian naming nalimutan ang aming loneliness in the city kaya sulit na rin ang binayad sa game na yon.

* * *

Bukas, makikita ko na naman yung mga kids sa Hema-OPD (Out Patient Department) ng PCMC. Sabi nga ni Nichi, nakakalungkot doon. Yung mga bata kasi doon kung hindi Thalassimia e Leukemia naman ang sakit , kagaya ng kay Nichi. Basta yung ganoong level! Ang cute pa naman nila.

Wish ko talaga makapag develop na ng 100% sure shot na gamot to treat them all. Para lahat silang mga bata sila, in remission na. Walang pa-relapse relapse.

Naku for the first time mawiwitness ko ang bone marrow aspiration ni Nichi in the flesh. Sana hindi ma-conscious si Doc habang nanonood ako. Bonus pa yung mapapanood ko rin ang rehabilitation ni Nichi for his newly acquired disease which doctors refer to as Bell’s Palsy.

Two procedures in one day, the day before his birthday.

Kawawa naman ang utol ko. Di nga jologs, dami namang kelangan harapin. Buti na lang pogi pa rin!

No comments:

Add to Technorati Favorites