I think something is wrong with my tear ducts. Umeemote sya kanina habang nagtatrabaho ako. Wala namang nakakalungkot na pangyayari but I seem to be on the verge of crying. May nag-we-well na luha sa mga mata ko. Pang-Oscar talaga!
At ang catch ay ito: Ang pinakikinggan kong music na naka “repeat one” ay ang Sexy Back ni J. T. Kumusta naman? Talbog ang mga madadamang songs out there! Therefore, pwede palang ipang musical score si Justine Timberlake sa aking drama special!
So nasa baba na naman ako ng gulong. Ang lungkot pero ganyan talaga ang buhay. Pasasaan ba’t iikot din ang gulong ko. Wag lang siya mafafalat habang nasa baba ako or else patay tayo dyan. Malaking problema yon.
I guess, pinakamalaki kong kalaban ay ang mga moments when I feel like a total loser. Now I feel like a loser. Hindi naman “total” so I’m safe. Bonus na pakiramdam ko lang nga na ang chaka ko lately. Parang tumanda ang itsura ko salamat sa eyebags. Kelangan ko na yata mag-take ng stresstabs or something which I hate because I don’t like taking medicine, not even vitamins.
Nung isang araw while I was walking, napansin ko na I was alongside a sleek woman. Naisip ko, bakit kaya siya and the rest of her type, they can manage to look perfect, tidy. Parang spotless. In place ang buhok, unat ang damit, mataas ang takong pero di hirap maglakad, yung ganoon. Ako nga kahit flat ang shoes, sumasakit ang paa. Magsasaka siguro ako nung past life ko kaya hanggang ngayon hindi ako sanay magsapatos!
Hindi ko talaga naiwasang magtanong, “Why can’t I be like her? Is my physical appearance reflective of what I am? A mess?”
Shucks! At kelan pa ako na-insecure sa itsura ko? Ang mas magandang tanong ay kelan pa ako umamin na insecure ako sa itsura ko?
Normal lang naman na minsan nababagabag ako’t hindi ako mukhang ganoon o ganito. I just try not to use up my energy thinking of those things kasi nakakapangit lalo yon. Sabi ko nga dun sa isa kong naka-chat one time, “di na nga ako kagandahan, papangit pa ako. Ang chaka!”
One time pala narinig ako ng mommy ko na dinedescribe ang sarili ko na “di kagandahan.” Sabi nya, “sinong nagsabi sa iyo niyan?!?” Parang handang sumugod ang nanay ko sa taong di nagandahan sa akin. Hehe. Minsan talaga nanay na nanay ang mommy ko!
Napansin ko rin pala na sumisikip ang uniforms ko. Shet! Ang husay talaga. Welcome back bilbil! This is what I get for being super lazy. Kung dati, major exercise ko ang paglilinis ng kwarto o, pag ginanahan, bahay hindi na ngayon. Nabubuhay na ako kahit messy ang kapaligiran ko. Nasanay na. When you live with four males and one occasionally disorganized mother, matututo ka nang yakapin ang kalat, clutter at chaos.
It’s so un-me!
Ang maging immune sa kalat at ang hindi maglinis ng kwarto on a semi-regular basis.
Hay nakush! Ang major drama ko yata sa buhay ay yung feeling empty. Incidentally ang initials ng given name ko ay MT. Sana wag naman ako maging ganoon forever. Ang gusto ko lang naman e yung pagtulog ko sa gabi, alam kong may nagawa akong mabuti o ikabubuti ng mundo. O, ha, heroic complex na ito!
But seriously, pag na-assure ko ang sarili ko na may means na ako to do something good, not necessarily all that great, then siguro iikot na muli ang gulong ko. At mas tatagal ako doon sa itaas. Happy happy na.
But for now, dito muna ako sa baba. It ain’t great pero as long as nahahanapan ko pa naman ng humor ang mga dahilan kung bakit ako nandito, OK lang ako.
Wednesday, May 30, 2007
Kumusta Naman sa Baba ng Gulong?
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment