Wednesday, June 6, 2007

Asar Talo

Sa front seat ng FX ako napaupo kaninang pagkagaling ko sa opisina. Napansin ko ang sticker na nakadikit sa glove compartment:



Hindi ko napigilan ang aking sarili.

Ako: (Sa driver) Seryoso kayo dyan?

Driver: (Tatawa-tawa) Chick naman kayo, ah.

Ako: Oo nga pero paano kung may lalaking umupo dito.

Driver: Patama na lang sa kanya yan. Asar talo.


Natraffic kami dahil may kotseng humarang sa break na lilikuan namin. Nainip si Driver bumaba at kinatok ang kotseng nakabara. Bumalik si Driver sa FX. Bigo. Nanatiling nakabara ang kotse sa harapan namin.

Kinwento ni Driver na bading yung nagda-drive ng kotse. Ayaw na daw i-maneuver nung bading yung kotse niya dahil mahihirapan siya. Bad trip si Driver. Stuck kami.

Naisip ko, “Asar talo pala, ha?”

**Salamat, Deney, sa picture!

No comments: