Kuha ng watawat sa harap ni Rizal sa Luneta
Araw ng kalayaan natin ngayon pero bakit lahat yata ng Pinoy ay kumakayod? Bakit hindi tayo malayang naglalamyerda sa kung saan sana natin gusto?
Marahil dahil din sa kalayaan. Nagawa ni Madam President na i-urong ang isang National Holiday sa isang mas maagang araw, para nga naman hindi ipit ang bakasyon. Gayunpaman, kakaiba pa rin na ganuon-ganoon na lang ang pagrereschedule ng isang makasaysayang araw para sa bayan natin.
Hindi naman ako magpapanggap. Naenjoy ko rin naman ang long weekend dahil nga kahapon, Lunes, e walang pasok. Pero hindi ko naramdaman ang dahilan kung bakit paid holiday kahapon. Hindi naman kasi ika-12 ng Hunyo, di tulad ngayon. May pagkakaiba talaga ang kahapon at ngayon.
Para tuloy tinutuya ang ating “kalayaan”. Malaya kuno pero, tingnan nyo, kayang idikta ng isang tao kung anong araw natin gugunitain ang ika-109 na taon ng ating pagiging malaya sa mga mananakop.
Kung sabagay, hindi rin naman tayo tunay na malaya sa mga makakapangyarihang bansa sa paligid natin. Kung tunay tayong malaya sa kanila, e di sana Piso lang ang katumbas ng isang dolyar at hindi na kailangang magpaalipin ng mga kababayan natin sa bansa ng mga puti, itim, singkit, at may-anghit.
Hindi maitatanggi na marami pa tayong bigas na itatanim, aanihin, tatahipan, isasaing at kakainin bago tayo maging tunay na malaya. Pero sa ngayon, ganito muna tayo. Sa parehong araw, 109 na taon na ang nakakalipas, kung kailan nagdiwang ang mga kanuno-nunuan natin nang akalain nilang iniwan na sila ng mga tisoy na Kastila, tayo ay kumakayod; kumakain ng All-American Big Mac, French fries at Coke; nagbabasa ng latest Harry Potter book na padala pa galing London; nanunuod ng pinaka-hot na Koreanovela sa TV, hawak ang remote control na gawa sa Taiwan sa kaliwang kamay at ang Cellphone na galing Finland sa kanan!
Telugu Calendar California 2016
5 years ago
4 comments:
nasa name branding and market positioning lang yan!
"we filipinos are proud to be among the best, if not the best in the world (with regards to subservience)"
alam mo, naiinis rin ako nung inurong nanaman. parang inurong nila ang pasko.
kulang tayo sa national pride.
and kokoy, i resent your comment! subservience is NOT a good word.
For some reason, may nakapansin ng post na ito at hinikayat akong isali sa contest.
Voting is on-going, in fact hanggang June 24 sya.
Kung palagay nyong may sense ang mga pinagsasabi ko, punta lang kayo sa http://pintig.pinoyblogosphere.net/index.php?category=Kalayaan2007 at hanapin ang "Malaya? Ows?!" at bumoto.
Kung hindi naman, botohin nyo na rin kung sinuman ang type nyo bilang pag suporta sa mga Pinoy Bloggers! :-)
ako naman ang maiinis kung di mo ma-ge-gets kung bakit ko ginamit ang word na subservience diyan...
Post a Comment