Dumating na nga ang unang araw ng paglalakwatsa ko sa foreign soil which I may start calling home for quite a time.
Ang magic tool sa pagbabyahe rito ay yung EZ Link card. I-tatap mo sya sa electronic device sa door ng bus when you enter and exit the ride. Doon nake-credit yung pamasahe mo. At dahil all about order, convenience and OC-ness ang bansang ito, di na kailangan ng separate card para sa mga MRT dito. Pwede ring gamitin ang EZ Link card sa mga tren, syempre, tap in and out pa rin ang gawi.
Sumakay kami ng isang bus patungo sa MRT station, then nag-MRT kami. Maya-maya pa, lumipat kami ng ibang train to get to another lane. Goal yata naming makarating sa Habour Front—wherever that is. May naririnig pa akong Vivo City. Obviously lost na naman ako. Kasi naman, what would one expect from a geographically challenged individual? E kung sa Pinas nga natatanga ako sa mga streets and avenues, dito pa kaya kung saan pag-popronounce pa lang ng mga pangalan ng lugar e obstacle na?
Anyhoo, napadpad kami sa isang mall na di ko mawari kung sadyang maliit ba o OA lang sa pagkapuno ng tao. Umakyat kami sa top floor. Then pumila to get tickets, err, card pala that we will use to board the monorail that will lead us to Sentosa. Ang Sentosa ay isang primary tourist destination dito na isang island na theme park na namumukadkad sa beach (Siloso Beach, Palawan Beach, and Tanjong Beach). Whew!
Powerless ang EZ Link card namin sa Sentosa. Perhaps it’s safe to say na may sarili silang mundo doon. At yung card nilang ini-issue para makarating sa Sentosa which is worth 3 SGD e good for the day na. Ang gara nga nung card dahil card board lang siya and yet, may naka-embed na microchip inside! Hi-tech!
Manonood sana kami ng award-winning (naks!) Songs of the Sea. Isa siyang “nightly extravaganza” (I am quoting from its brochure) which brings a “mesmerizing show with a live cast and dramatic effects like pyrotechnics, water jets, brilliant lasers, special computer imaging, stunning flame bursts and captivating music.” 8 SGD ang entrance fee per person dito. At nakakatawang basahin yung reminder nila sa brochure about admission. It goes: Purchase your tickets to avoid disappointment! Tickets may be sold out early, especially on weekends and public holidays.
At ayun na nga, naubusan kami ng seats for the 7:30 PM show. Mayroong 8:30 show pa pero pass na kami kasi may kasama kaming baby. Kawawa naman pag inabot kami ng masyadong late.
So naglakad-lakad na lang kami ng kaunti until we reached a part of Siloso Beach. Mega wade kami sa coast. Mabuti na lang at naka-tsinelas lang ako. Since laki kami sa siyudad, bihira kaming makakita ng dagat. You may say that atat kami sa tubig alat at sa sand, the type na hindi hinahalo sa semento. Bwehehe.
Amazing ha? Hindi kailangang mag-excursionista mode to get to the beach.
Ansarap!
Hindi na kami nagtagal sa Sentosa. Medyo bitin pero oks lang. Nagugutom na rin naman ako. We went back to the mall where we came from. At doon, kumain sa isang Thai Restaurant.
Kunwari na lang nasa Thailand ako. Hehe.
In fairness, nakakaloka talaga ang dami ng tao sa mall! Nag-grocery pa kami kaya mas maraming mixed race pa ang nakita ko. May Chinese, Malay, Indian, Pinoy, and, dig this, blondes na di nag-Iingles!
Past nine na yata kami nakasakay ng taxi. Compulsory ang pagsuot ng mga tao rito ng seatbelt. Kahit sa backseat ka, no choice ka but to buckle up. Ang kakaiba rin dito e right-hand drive ang mga sasakyan kaya kung shushunga-shunga ka, magugulat ka na nakandong ka na pala sa driver whereas akala mo sa front passenger seat ka uupo.
Knock out na ako pag-uwi ko. Ilang araw na kasi puyat at napagod din sa pag-iikot.
The next day, habang binbagyo at nanalasa si Frank sa Pinas, nag-uuulan naman dito. Hapon na nang makaalis kami para mag-simba. One bus ride lang mula sa bahay namin yung church. Hindi ko alam kung ilang bus stops. Busy kasi ako mag-sightseeing, I lost track of the number of stops we had.
Nag-elevator kami to get to the church proper. Saan ka pa? At ang lamig sa loob ng church. Sa EDSA shrine, lalo pag Linggo, good luck sa iyo sa pagpepenitensya sa init!
In fairness, malaki ang simbahan at napuno ito. Marami rin palang Katoliko rito! True to its being a hi-tech country, hindi naka-project from an acetate sheet yung mga lyrics ng songs ng mass. Naka-Powerpoint siya or something. Oo nga naman, ano? Bakit ba di natin naisip yon? And while, there at it, pati mga readings ay naka-project din sa dalawang sides ng stage, I mean, altar.
Maganda ang sound system ng simbahan. Hindi yung tipong pumuputok putok yung mic habang nagsasalita yung pari na engrossed sa kanyang misa. If there’s anything, ang ganda ng quality ng sound system nila.
Wiwing-wiwi na akong pagkatapos ng misa. Na-turn off lang ako sa washroom nila dahil yung tissue roll ba naman e kailangang maglusot ng coin para mag-dispense. Ang damot!
We hailed a cab and went to the East Coast where my sister and her husband treated me to Singapore’s specialty which happens to be one of my favorites, chili crab! According to my research, Chili Crab is Singapore’s unofficial national dish.
Syempre doon na kami sa highly recommended resto called Jumbo Seafood which is located at the East Coast Seafood Centre. Busy ang restaurant na iyon and packed with people. Ka-partner nung chili crab yung Chinese buns na isasawsaw mo sa sauce ng chili crab. I didn’t care much about the buns. Talagang loyal ako sa crabs! Naging busy tuloy ako sa pag crack at himay noon. Masarap din yung inorder naming shrimp with cereal and yung baby pusit. Naku po! Inupakan ko na ang mga lamang dagat. Kaya yata ayaw ko silang makasabay lumangoy sa beach. Guilty kasi ako na pinagkakakain ko na yung mga kamag-anak nila! Medyo naisnab ko yung sweet and sour pork, or was it beef? Seafood person kasi talaga ako.
Needless to say, I was full to the brim when we left Jumbo Restaurant. Naglakadlakad na muna kami around the seafood centre strip para magpababa ng kinain. The place reminded me of Subic. Yung serenity ng place, simple festive mood ng restaurants, at yung amoy ng dagat sa tabi.
We called it a night after the stroll and headed back home.
And there ended my first weekend in Singapore. Ang unang lakwatsa ko sa mundo ng mga chekwang British-britishan!
1 comment:
wow, i'm so excited na! see you in about 2 weeks time :)
Post a Comment