Wednesday, August 13, 2008

Ako si Kim Sam Soon

O mai gas! Ako si Kim Samsoon, the overweight, middle-aged (?), wa-poise, single female whom everybody wishes to find a boyfriend soon.

Kinailangan kong makita ang aking sarili sa isang shalang restaurant at makausap ang isang Cyrus, mayamang negotianteng singkit na in fairness ay, in his own right, papable (although di ko siya type), para maramdaman ko na, siyet, ako si Kim Samsoon!

* * *

Salamat sa GMA PinoyTV, nasubukan ko ring makapanood ang “Ako si Kim Samsoon” ni Regine Velasquez.





Not that fan ako. Pointless para sa akin ang mag-remake ng mga Koreanovela or nobelang nanggaling sa kung saan pa mang bansa. Insulto iyon sa mga writers natin. Para namang ang hirap mag-conceptualize ng plotline ng isang TV show. Malayo na ang narating ng creativity ng mga Pinoy writers. OK ang mga basic ideas for a show. Yung follow through na lang ng sumusunod na mga episodes ang madalas sumasablay. Wala yata kasi silang strict outline. That said, I still don’t think na posible silang maubusan ng idea for a new show. Masyado lang naniniguro ang mga producers sa investment nila kaya nagfa-franchise na lang sila ng imported plotlines na may sure na followers.

In any case, nakakatawa rin naman ang Pinoy Kim Samsoon. Mainly because of Eugene Domingo. Genius ang babaeng yon sa comedy. She can do one hell of a non-slapstick joke at matatawa ka talaga ng malakas. Patok siya sa akin.

About doon sa side story on Samsoon’s sister na ginaganapan nung anak ni Jean Garcia, di ko ma-gets where that is headed. I just hope ma-punctuate nila ang point nila na di cool ang magpaka-social climber to the extend na nangungunchaba ka na nga mga taong eextra sa make-believe lifestyle mo. The girl is pretty, though. Kaya lang kamukha niya si Angel Locsin so been-seen na ang look nya.

And then there’s Regine. Somehow naiisip nating lahat na ang show na ito ang pansuyo ng GMA sa star nila na muntikan nang tumalon sa kabilang bakod para sa isa ring re-make. Since hindi nga lumipat si Regine, she gets a show of her own. But GMA has its way of planting its revenge. Hindi glamorous ang role na binigay nila sa star. In fact, chaka siya dito. The fat body suit and unflattering camera angles make fun of the songbird in inconspicuous ways. Or is it inconspicuous? Sa aspetong iyon, natatawa na rin ako. At dahil nakikisakay naman si Regine, OKs na rin. At least nalaman natin na di naman siya pa-cute all the time. Willing din siyang magmukhang nyor-e on national TV paminsan minsan.

Perhaps the key to enjoying this show is to NOT take it too seriously. Yung mga rubbish parts e deadmahin na lang. Tapos deadma na rin sa mga artistang di ko ma-gets kung bakit tinawag na artista. Dapat wallpaper na lang ang tawag sa kanila. Hello? Wendell Ramos and Nadine Samonte? Anubayun!

* * *

Parang patok nga ngayon ang mga kwentong pangit sa Pinas. Sabi nga ng daddy ko, favorite ng mga tao ang make-over. I think sign yon na di natin ma-outgrow ang fairytales natin. In this case, ang Cinderella-complex. Yung babaeng gusgusin, konting ligo lang at kumpas ng magic wand ng fairy-god ninang, pwede nang pumarty with the prince. Panalo! Parang everything is possible na!

Kitang-kita tuloy ang weight ng ibinibigay natin sa panlabas na kaanyuhan ng mga tao. Pero hindi naman exclusive sa Pinas ang "facial discrimination" (Uy, I'm coining this phrase!). Nangunguna ngayon ang mga Chekwa sa department na iyan. And it had the whole world to bear witness to how far one gigantic nation would go just to display cuteness.

Kate sent me this link. It speaks of how the Chinese Communist Party (CCP) officials commissioned a “cuter” kid to lip-synch for a talented young singer who didn’t pass CCP’s idea of cute. Nakakalungkot. Kinorrupt nila ang dalawang bata para lang sa isang show. Now the “cuter” girl will have to live with the fact na phony siya while the talented other girl will have a deep dent on her self-image. Lagi na niyang maiisip na chaka siya. Both girls will have to live with this for the rest of their lives. Ang China naman, nagmukhang shunga and, for lack of a better term, hypocrite. Everybody loses.


*******************Who is cuter?
Chinese Communist Party officials think the girl on top is a better picture of a typical cute Chinese girl so much so that they had her "represent" the voice of the the girl at the bottom who unfortunately did not pass their idea of cute.

1 comment:

fortuitous faery said...

pfff, hangang-hanga pa naman ako sa opening ceremonies complete with flying kung fu gymnastics sa torch-lighting...tapos lipsynch pala yung bata. dahil lang sa sungki yung ipin ng totoong singer? sus...milli vanilli--made in china!

Add to Technorati Favorites