Saturday, August 23, 2008

Sa Pula, Sa Putik!

Aha! Sa wakas, nakahanap ako ng specific na maookray dito.

Gagawa si Ate ng puto. I offered her a hand. In-assign niya sa akin ang pag-slice ng cheese and slated egg na pang topping sa puto.

Cheese? Check!

Salted egg? Wait bakit siya black?

Putik! As in nakabalot siya sa plastic na may putik. Kadiri talaga. All the time I was saying, wish ko lang hindi tae ito. Kasi may brown parts ang black putik. Hassle sya. Para kang sort of nagbubungkal ng itlog ng dinosaur. Hahawiin mo yung putik to get to the egg. And when I got the egg almost clean, syempre hinugasan ko pa sya to make sure putik-free na, what surprise did I get? Hilaw ang itlog. Hindi pa pala ready for consumption ang salted egg nila dito. Ironic for a country which is always in a hurry. Mega boil tuloy si Ate nung itlog.

Ang sarap talagang sabihin nito kaya heto at sasabihin ko ulit, “Anubayun? Samantalang sa Pilipinas, sa halagang Php 9.00, luto na yung itlog na maalat mo tapos may pinta pang pula!”

Ayus!

2 comments:

Anonymous said...

t@ngina tye, napasaya mo ko sa entry na to, promise!

tye said...

Haha, I'm glad napasaya kita!

Add to Technorati Favorites