Malapit na akong ma-overdue bilang isang turista. Dalawa lang ang pwedeng mangyari sa akin: 1. Palayasin ako ng immigration dito (Matapos akong i-cane. Que Horor!) or 2. Yakapin ako ng bansang ito at gawin akong “one of them.”
Kung anu’t ano man, nais kong gamitin ang oras na ito upang pagmuni-munihan ang mga bagay bagay na napansin ko sa tatlong linggong pamamalagi ko rito.
Halos nagre-rave ang mga taong nakausap ko tungkol sa bansang ito. Kesyo maganda raw, malinis at mapayapa. And true enough, ganoon nga siya. Bagaman, mukhang masyado yatang na-build-up ng mga manghang manghang mga taong iyon ang imahe ng bansang ito. Naging sobrang taas tuloy ng expectation ko.
To be honest about it, this place did not blow me away, contrary to what I expected. At gaya nga ng nabanggit ko, ina-attribute ko ito sa exag na description ng mga taong nagprovide sa akin ng vicarious sneak preview sa unang bansang napuntahan ko bukod sa Pinas.
Sa tuwing nakikita kong may kalat sa paligid, di ko mapigilang ihirit na, “akala ko ba walang kalat sa Singapore?” Siguro nga imposible naman talaga ang bansang zero litter. Mayroon siguradong pasaway na magtatapon ng used tissue paper, empty juice tetrapack at kung ano pang papel sa labas ng basurahan.
Sa mga nakaka-chat o text ko mula sa Pinas, madalas kong matanggap ang tanong na, “Maganda ba talaga diyan?” kung saan ang kaya ko lang isagot ay isang nonchalant na, “OK lang.”
Kasi kung iisipin, hindi naman extremely nalalayo ang Pilipinas dito. Well, at least not in general. Ang exterior ng mga business district dito, ay halos kagaya lang ng Makati o Ortigas. Yun e Makati o Ortigas in a good day. Meaning, wala masyadong nagkalat at kung mayroon man ay nawalis naman siya agad. Ang mga kalsada ay kagaya ng South Luzon Express way kapag off-peak season—maluwag, wala masyadong polusyon at may mga puno sa paligid. Yun lang nga, dito may bonus pang row ng puno sa center island. Yung babaan at sakayan ng mga pampasaherong sasakyan ay may designated stops lang, much like Los Banos and Makati. Tapos yung mga mall, parang Pinas din plus the mega avant-garde architectural designs and perennial electronic scroll signs. While yung mga tiangge are almost like 168 Mall—kapag mga opening hours pa lang—made a bit more spacious. Same feel and amoy.
Although kailangan kong aminin na minsan, natatanga ako sa technology nila dito. Mabuti na lamang at na-expose naman na ako sa sensor toilette flush and faucets, otherwise baka mapaluhod ako once umandar silang mag-isa!
Minsan, narerelate ko sa futuristic movies like Demolition Man and The Sixth Day ang pagka-lost ko sa mga goings-on sa bansang ito. Para kasing bigla ka na lang nalagak sa isang mundo na relatively advanced kesa sa nakasanayan mo. And then you realize, shucks, ito na yung future na pinag-uusapan sa pinanggalingan ko! Yung ganoon. Tapos siyempre, may sarili silang balita to which you will jump in if you want to understand this world better.
Bukod sa technology, isa din sa mga ikinalamang sa atin ng bansang ito ang order. OC nga yata ang mga leaders nila dito na OK din lang naman kasi it works to the people’s advantage. Dahil everything flows the way they should, bihirang magkabanggan ang mga tao dito. I am thinking, bihira ang hamunan ng square, if not duelo, dito. Pero dahil everything flows the way they should, madalas people just mind their own business, preventing an opportunity for strangers to connect. Hindi kagaya sa atin na halimbawa may kapitbahay kang nambubulahaw, maglalabasan na ang buong baranggay to reprimand the pasaway neighbor. And there they meet each other and at most, bond.
Perhaps ang super plus factor ng bansang ito na kinamanghaan ko ay ang security it promises its people. You can leave your bag at the bus stop, turn your head around and pagtingin mo sa mga gamit mo, buo pa rin siya. You can also walk around the streets immersed in a conversation through your cellphone, er, handphone pala! Kung sa Pilipinas mo gawin yon, good luck sa iyo! Malamang, may snatcher na mabubusog thanks sa katangahan mo!
Mahusay din ang naisip nilang i-package ang bansang ito bilang isang convenient na tourist destination. Hindi nagkukulang ang gobyernong i-promote at pangalagaan ang mga tourist spots nila. Ginawa rin nilang tourist-friendly ang bansang ito. Madaling maghanap ng direksyon dahil merong mga mapa sa mga kalye na magliligtas sa iyo kapag naliligaw ka na. Pwede ring manghingi ng mapa ng Singapore sa mga concierge sa mall.
But as I see it, yung mga tourists spots dito were mainly built for commercial reasons. Para makapagpasok ng pera na hindi naman masama. Dinevelop nila ang Sentosa, pinaikot ang flyer, at nagtayo ng mga Merlion para dayuhin nga mga taong handang magbayad to see and experience what they were promised to see and experience. And this country is still a work in progress. Tuloy pa rin ang construction nila kagaya ng mga areas for casino and yung parang stadium sa isang reclaim area sa Marina Bay area which I think they are going to use for the Formula One car racing event. Kung may sapat kang oras at pera, kering keri mong malasap ang mga kayang i-offer ng bansang ito in at least a week!
Sa Pinas, yung mga pwede nating ipagmalaki, tourism-wise ay inihandog na sa atin ng kalikasan na kailangan lang natin i-maintain. Meaning di na natin kailangan ng malalaking crane para mag-effort na gawing attractive ang bansa natin. Gawin lang accessible ang Banawe rice terraces, Sagada, Chocolate Hills at beaches natin—that is, to name a few—at lagyan ng sapat na facilities like clean comfort rooms, good restaurants and maybe decent rooms for rent, siguradong magsusuguran na ang mga dayuhan. Tapos yung ilan pa nating tourist spots ay sadyang malalim ang yaman at kwentong dala. Because if you think about it, yung old structures natin like the ones in Intramuros, they boast of our rich and colorful history. We just have to seize them and turn them into something lucrative without destroying them, of course. But in doing so, I really hope na i-seize din natin ang mayaman at makulay na kasaysayan to make an equally rich and colorful future for our nation.
Mahirap makipag-compete sa bansang Singapore. Pero sa bawat enticing and impressive thing na nagpo-pop out mula dito, hindi ko maiwasang maisip ang Pinas. And perhaps unlike some, hindi ako nanliliit dahil sa mga flaws natin bilang isang bansa. Mas naiisip ko kung gaano natin ka-kering maki-level sa Singapore. Konting banat lang naman ng buto and perhaps a great deal of honesty, pasasaan ba't haharurot na rin tayo sa kung saan mang pedestal nakapatong ang ang Merlion!

No comments:
Post a Comment