My happy-level went low today. And for that, allow me to speak in my native tongue.
Hindi naman kasi ito Elbi. Na kung na-homesick ka na, mag-aabang ka lang ng bus na pa-Cubao sa may Olivares. Na kung atat na atat ka nang umuwi, pwede mong iharang ang sarili mo sa bus para lang huminto ito, aura mismo.
Hindi ito Elbi. Na kung bored ka na, lalakad ka lang sa Grove, ma-eentertain ka na ng buong LB community. Na kung nababaliw ka na, pwede mong kahulan ang asong dumadaan sa harap mo. Na kung gusto mong mag-emote, pupunta ka lang sa field, Carabao Park, o sa likod ng Lib.
Hindi naman kasi ito Elbi. Na kung gusto mo ng makaka-mingle, tatambay ka lang sa Hum steps. Na kung nangungulila ka sa company ng pamilya, may berks na dadamay sa iyo. Na kung wala kang makausap, uupo ka lang sa L-bench, makakahanap ka rin ng ka-chika.
Hindi ito Elbi. Na kung nararamdaman mo ang emptiness ng dorm mo, pwede kang mag-jeep papuntang F.O. at mangatok ng dorm sa Chino’s. Na kapag sad ka, stressed, o nag-p-PMS lang, pwede kang mang-crash ng ibang dorm at saka mag-moment.
Hindi nga kasi ito Elbi.
Tuesday, July 22, 2008
When Sadness Strikes
at 11:59 AM compartments Public Thought Balloon
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment