Para kaming nalugi ng Ate ko nang isnabin kami ng kababaihan ng immigration dito kahapon. Nag-“taho” pa naman kami! Actually, hindi naman sila nagtaray or anything. It’s just that hinarang nila ang aming supposed appeal, even before we were given the chance to explain. Hindi man lang kami inisyuhan ng number sa queue para naman makachika man lang namin ang officers.
Therefore, ano pa nga ba ang magagawa ko kung hindi umuwi, earlier than the day I originally prepared myself to go home.
Nakakapanghina lang yung mga implikasyon ng pangyayaring ito. Si Ate naman nagawa pang mag-moment, “Paano na yan? Wala ka sa birthday ni Yzee. Wala na akong partner in crime.”
Guho ang mga pangarap. (What’s new? E tema naman ng buhay ko yan. Konti na lang sanay na ako.)
“Bakit ka natatawa?” tinanong tuloy ako ni Ate.
“E kesa naman umiyak ako.” Pero sa totoo, mahirap matawa noong mga sandaling yon. Actually even until now. “Brighter side of life tayo. You’re not helping.”
Talaga namang hindi ko kayang kontrolin and universe na napapansin kong talaga namang type na type akong i-crush. Masaya ba? Masaya bang i-mock ako at ang mga attempt kong i-prove ang sarili ko? Sana kung hindi ako favorite ng universe, wag naman niya akong pag-initan. Please lang.
Pero brighter side tayo, di ba? I would hate to give the universe the pleasure of seeing me wallow in my most recent failure (I’m doing away with the “misadventure” euphemism.) kaya heto’t hahalukayin ko ang beauty of the situation.
1. Uuwi na ako! Yey. Makakanood na ako ulit ng mas maraming GMA shows at real time na ang Project Runaway Philippines. (Di ko na pagtatyagaan ang puny screen ng Youtube—pixelized kasi pag full-screen.) Makakapag-Megamall na ako ulit. (How jologs am I?) Sa Pilipinas na ako ulit magpapaka-taong grasa.
2. Yung mga nagsabing mamimiss nila ako at sinabihan kong mamimiss ko sila, well magkakasama na naman tayo sa isang island kaya forget na ang miss-miss.
3. I’ll be home for Christmas. Hindi ko mamiss ang Pasko sa Pinas! Wala lang nga akong pera pero madali namang magsabi ng, “patawad” sa mga nangangaroling.
4. In line with #4, pwede ako ulit makigulo sa Christmas party ng mga bata sa PCMC. Mga ilang days pa lang ako dito, napanaginipan ko ba naman na Christmas party na daw ng mga kids tapos hindi ako prepared in anyway. Nyak!
5. Nakabakasyon ako ng 90 days. Para sa isang katulad ko, chance of a lifetime na ito. Yes, matapos kong mamatayan ng kapatid, mabugbog sa semi-depression, mag-voluntary subsob sa tatlong trabaho, at hikain na nga sa stress, nakarelaks din. Syempre sa kaka-relaks, tumaba ako. What do you expect the 90 days will do to me?
6. Nakapasyal naman ako. Sa Singapore pa! Dami ko ring napuntahan at kayang puntahan nang mag-isa. Ang dami ko ring bagong nakain. (Salamat sa aking mga sponsors!) Wala akong sangkatutak na picture at nabili pero oks lang. At least pag-uwi ko, hindi ako masasabihan ng, “anong ginawa mo doon, nagpa-peek-tyur?” (hehehe.)
7. Narealize ko na, shet, gusto ko talagang magtrabaho. Hindi ako tambay material. At nahasa na ako sa pag-aapply at pag-iinterview. Unfortunately, hindi mabenta ang beauty ko dito. So shet ulit. (Pardon the profanity.)
8. Naalala ko na ang mga “chocolate” ko. Since clean slate ako, pwede ko nang i-pursue ulit ang mga dati ko nang gustong gawin. (Wag lang ako uunahan ng universe sa mga targets ko. Shet sya.) At pwede ko nang gawan ng paraan ang pagsikat ko sa Pilipinas. (Wiiish ko laangg!)
9. Hindi man ako matuloy maging emcee sa first birthday ng pamangkin ko at di man ako makapag-juggle, among other things (top secret kasi ang pakulo), nakalaro ko naman siya for three months. Oks na yon. Tapos, pwede ko pang asikasuhin ang iba pa niyang birthday gimiks sa Pinas para ipadala dito.
10. Sasakay ako ulit ng airplane. Ang saya. Talaga.
Sabi ng utol ko, dapat daw sinigaw ko sa immigration, "I did not kill anybody!!!" Ay di kaya sa Changi Prison din ang bagsak ko kung nag-amok ako? Wag lang akong matuluyang ma-Flor Contemplacion. Que horor!
By the way, hindi ko na rin pala kering mag-tour guide sa utol ko na yon dito. Another shet. Looking forward pa naman ako sa possible wacky pictures namin. And here I was pondering na hindi ko man lang sya malilibre dito dahil nga ala pa rin akong work. Yun pala di talaga kami makakapasyal dito together. Hopefully, makatambay pa rin kami ng matagal sa Pinas together. Kami at si Migs. In fairness, na miss ko ang aming occasional slacking sa isang kwarto. Buhay na wala lang pero, given the situation, ay masaya na rin.
Medyo surreal ang pangyayari at ang aking sort of defeat. Kahit ako, kinailangang mag-pause at sabihin ang madalas sabihin sa channel 2, "Verum est: Totoo ba ito?"
So ito ang first of five stages. Ang denial wrapped with a sweet dose of bitterness.
Tuesday, September 9, 2008
The Brighter Side of Life
at 11:59 PM compartments Battik's List, Reality vs Fantasy
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
2 comments:
gusto kita pag nagtatagalog ka tye, mas totoo, hehe. mas ramdam ko ang angas mo.
di mabenta byuti mo jan, weno, dito ka na lang, baka ma-out of stock ka kagad!
-inaantabayanan ang iyong pagbabalik-
Ging, kinikilig ako sa mga ganitong comments. Rest assured, partly dedicated sa iyo ang mga Tagalog posts ko from now on. hehe.
Post a Comment