Finally, hindi na surreal na balik Pinas na nga ako. For some reason, ngayon lang nakauwi ang diwa ko. Anubayun? Delayed flight siya?
Super feel ko na ngayon na nandito na nga ako sa kanlungan ng aking inang bayan. Super, as in lumilipad with cape and all.
Next order of business is to get a job because quite frankly, NGINIG ang financial status ko ngayon, thus explaining why I left via PAL and came home boarding a Cebu Pacific aircraft. Which isn’t bad at all. I appreciate the two different experiences. Perhaps I’ll write about that next time.
So Purita Mirasol ako to the max ngayon. Kaya kahit kating-kati na akong bumili ng Parker pen kahapon—did you know that they go for Php290 each these days?—tiis na lang ang lola ninyo. Refill lang yata ng PANDA ballpen ang carry kong bilhin ngayon.
Why the sudden interest on a Parker pen you ask? Namiss ko kasi ang Parker pen ko na bigla na lamang naglaho ilang taon na ang nakalilipas. Samantalang yung cheapangga kong 3-in-1 ball pen na witness ng last semester ko nung college e alive and kicking pa rin. Talagang the valued-ones have a way of conveniently getting lost, ano? Kainis. Regalo pa naman sa akin ng ate ko yon. Natuwa ako when I got it kahit na may notion ako na Parker pen ang nireregalo sa taong di mo talaga alam ang gusto or doon sa mga di mo ka-close.
E bakit ko nga ba naisip ang Parker pen ko? Kasi time for looking for a job na naman ngayon. Kasakasama ko yung na-lost kong Parker pen when I was job hunting after college. Also, let’s not forget to mention na may fixation ako sa ball pen. Na sa tuwing may bagong so-called chapter sa buhay ko, I celebrate it by getting a new pen. Feeling ko, panahon na para sa isang Parker pen. Kasi seryoso na ito. Who knows? Baka yon na ang gamitin kong pang sign ng marriage contract someday? Charot!
Hahaha! (Give me a minute to recover.)
There.
Mabalik ako. So andito na nga ako ulit sa Pinas. Actually naka-3 trips to Megamall na ako and 1 sa Glorietta. Enough na yon para makaikot ulit and realize how different we are from the country I previously visited.
I’d hate to say na ANG PANGIT NG PILIPINAS, the way most balik bayans blurt it out like a proud fart. Yes, madumi nang more than slight. And the air, yikes, you can actually see the air you inhale. Nakakapraning! At since walang patumanggan ang ulan ngayon, baha ang kalye. The word “puddle” is not apt to call the depressions sa major kalye na nagiging foot bath after several inches of rain. (Tatlong footwear ko ang nanganganib na masira ngayon.) Hindi ko ma-okray ang Pilipinas ng ganun ganoon na lang kasi HOME ko ‘to.
Nung nasa Singapore ako, muntik ko nang pitasin isa-isa ang buhok ko sa frustration every time na-i-co-compare ko ang Pinas sa Sg. Kasi naman, kung tutuusin, mas mayaman ang lupa natin kesa sa kanila. Mas malawak. Mas gifted with natural resources! Yung Singapore kailangan nilang mag-effort gumawa ng sarili nilang beach para lang mapaganda ang lugar nila. The rest, if not all of their tourist attractions, gawa lang ng mga hired hands nila. Nagkakandaloka sila sa pag-maintain ng mga pinaggagagawa nila, samantalang tayo, eto, binigyan na ng Diyos pero chuva lang! Abusuhin while kaya! Bahala na bukas.
What’s wrong with us?
Tapos isa pang factor yung pamilya. Doon nauubos na yung locals nila. Ayaw kasing mag-anak dahil mahirap nga naman ang buhay especially kung kailangan mong magtrabaho in order to live. E dito sa atin, hala, sige! Parang inuutot na lang ng ibang nanay ang sanggol. Deadma kung papaano na sila bubuhayin at palalakihin. Ang ending, yung mga batang gusgusin ang bumubuhay sa pamilya at sa laspag nilang magulang. Nakakainit ng ulo!
Kaya nung nandoon ako, napansin ko kung gaano ka-relaks yung mga nanay at tatay doon na may hawak na anak. Malamang kasi ready talaga sila sa pinasok nila kaya di stressful ang pag-maintain ng ensemble nila. Di gaya dito. Pamilya = problema. Parang ang nasa isip ng mga magulang, “saan ko kaya kukunin ang kakainin namin bukas.” Pero parang di sumasagi sa isip nila yung, “shet, tama na kaya itong 9 na anak ko? Makapag-family planning na kaya?”
Dapat yung mga kontra sa family planning pinag-iimersion sa mga slums kung saan 13 na anak plus nanay at tatay ang nakatira sa isang 2-square-meter barung barong. Dapat pinapakilala sa kanila yung mga batang kailangang mamalimos o magbenta ng kung anuman dahil sa kahirapan.
Sa Singapore, disiplinado sila dahil takot sila sa corporal punishment na handang ipataw ng gobyerno nila sa kanila. Isipin mo na lang papaluin ka ng cane sa pwet hanggang matuklap na ang skin mo. E yung thought pa lang nga na hahampasin ako ng sinturon ng tatay ko, e nagpapalpitate na ako! Dito kasi sa atin walang kinakatakutan ang mga tao kaya madalas bara-bara lang. Kasi naman, by virtue of following our leaders, e talagang kapalan na lang ng balat ito. Pare-pareho na lang tayong corrupt and stinky.
And here I was resenting comments which imply na gago tayong mga Pinoy. Example, nung nasa Singapore ako, may mamang puti na bumaba sa bus. Tamang tama naman na nalaglag ang cellphone niya. Kaya kami na nakakita, na puro Pinoy, we tried to get his attention. So ayun pinulot nung mama yung cellphone niya. Tapos may biglang nag-comment among us, “kung sa Pinas yan, di na niya makukuha ang cellphone niya.”
Gusto kong sabihin kasabay ng matinding flip ng hair, “kung sa Pinas yan, makukuha pa rin niya yung cellphone niya dahil nandoon tayo! Hmp!” I mean given the same situation, ibahin lang ang setting, gawing Pinas, definitely tatawagin pa rin namin si GEORGE to pick up his cellphone. Di ba?
Another story, we were picking the best cooler sa isang sari-sari hardware sa Singapore. So silip silip sa bawat item na nakadisplay. Tama ba namang tumambang sa amin ang umaalingasaw na amoy nung isang cooler? Kasi may nabubulok na food sa loob. Some “genius” placed his left over/trash inside one of the coolers kaya ayun, rotting na siya. Nang ikinwento namin ito sa isang Pinoy ang sabi niya, “Pinoy siguro ang gumawa noon.”
Ikaw ba naman, Pinoy, gagawin mo yon? Hindi ko maiisip or masa-suggest na Pinoy ang gumawa noon at a whim dahil hindi ko maisip na gagawin ko yon. Pero hindi naman natin masisisi entirely ang mga Pilipinong di na ma-identify ang sarili nila bilang Pinoy, kahit pa under the classification ng matinong Pinoy.
Kahapon lang naglalakad ako, muntik ko nang habulin yung mag-jowa sa harapan ko. Kasi itong girl bigla ba naman itinapon sa semento yung balat ng Chippy niya! Tatawagin ko sana para ipapulot ko ang kalat niya. Takot lang ako sa gulo but I swear I am inches away from doing that someday. Di ko magets kung paano naaatim ng mga taong magtapon ng basura sa kalye. E ang laki kaya noon? Obvious na obvious siya. Kayang kaya noon mambara ng kanal.
A good thing about Singapore is secure yung bansa, hindi lang building, bansa. Pwede kang makipagchikahan sa cellphone habang naglalakad sa kalsada dahil wala namang magtatakang humablot nito. Pag ginawa mo yon dito sa Pinas, tatanga-tanga ka. You deserve to be mugged.
Inabot ako ng midnight sa kalye ng Singapore pero di ko naramdaman yung takot na may haharang sa akin. Mabuti na lang dahil pag nagkaganoon, ang isisigaw ko, “tulong!” E good luck kung may makaintindi sa akin. Dito sa Pinas, kahit in broad daylight pwede kang pagtulungan ng kung anumang latest gang, regardless kung last money mo na yung nasa bulsa mo. Parang laging nasa panganib ang buhay natin dito.
In fact ang araw araw natin e parang episode ng Surivivor. At dahil sa mga challenges na pinagdadaanan natin, sisiw na lang ang ilang bagay. Di kagaya sa Singapore. I can’t imagine how much panic there would be if mag-brown out or if they open their faucets, one day, and water doesn’t come out. Siguro magkakanda loka sila. Tayo, pinagtibay na ng contaminated tap water natin ang mga sikmura natin kaya hindi tayo maselan. Hard core tayo!
Pero ayun na nga ang hinanakit ko. Sana hindi natin i-take for granted yung blessings natin, sana hindi natin i-abuse. Sana rin may sense of foresight tayo. Kasi hindi lang naman yung today ang nagmamatter. Whether buhay pa tayo bukas or not, may taong matitira bukas at kailangan nila ng place to live in. At since hindi tayo pampered dito sa bayan natin, it’s time to be practical. Wag na mag-anak kung papabayaan mo lang naman ang mga anak mo. May sense naman di ba?
So balik Pinas na nga ako. And reality is kicking in. Still, ayaw kong mag-give up sa bayan ko. Kahit pa nadestino ako for good sa ibang bansa, mahuhurt pa rin ako sa bawat negative chika about my people and my country. Kasi malaking bahagi ng pagkatao ko ang bayan ko. So much so na ang hindi ko pagkakalat sa kalye e hindi dahil takot akong makulong or mamahagupit. Hindi ko maatim gawing basurahan ang bansa ko dahil mahal ko ito.
At kailangan ko na ring magtrabaho dahil I refuse to be an added burden sa lipunan. Kahit hindi nakakayaman ang suswelduhin ko dito, malaki pa rin ang magagawa ng tax ko sa bayan.
And I am saying all these with my diwa intact. Consider this the whole of me talking.
Friday, September 26, 2008
My Diwa has Landed on Philippine Shores
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment