Dalawa and tita kong ang pangalan ay "Baby." Tito ko naman sina Boy at Junior. Kapatid ko si Bunsoy (pero hindi siya ang bunso namin). Ate ko si Win-win at kapatid ko si Mic-mic.
Pinoy na Pinoy ang pamilya ko sa pangalan pa lang. Kung baga, galing ako sa old school picture of a Filipino family.
Tradisyonal nga kung maituturing. Minsan nakakasakal din. Hindi dahil mahigpit ang mga rules. Marahil dahil madalas baliko ang mga panuntunan.
Ito na lang ang halimbawa. Advocate ng pambababae ang lolo ko. Swerte daw, sabi niya. Kesa naman ibenta niya pati kaluluwa niya para lang makapagsugal. O kaya naman e manggulo dahil lango siya sa alak. O makasakit ng iba dahil high sa droga. Tingin niya lesser of all evils ang babae kaya naman yun lang ang bisyong minaintain niya. Sumalangit nawa si Tatay. Pero sana hindi niya sinabi sa akin yon. Nakalimutan yata niya na babae ako at pwede akong mabiktima ng lalaking may credo na tulad nang sa kanya.
Hanggang ngayon katawa-tawa, kung hindi man kaawaawa, sa ilan kong kamag-anak ang mga matatandang dalaga sa aming pamilya. Mas mapanlibak ang kanilang ngiti sa mga walang jowa kesa sa mga teenage moms na siyam na ang anak and counting. Ewan ko ba kung ano ang problema sa pagiging old maid. Kesa naman yung nag-anak ng sangkatutak. Marami pa ang damay sa misery, not that miserable ang maging old maid. (Well, I hope it's not.)
Nakakalungkot kasi meron pa rin sa mga kapamilya ko ang naniniwala na maiiaahon ng babaeng anak sa kahirapan ang pamilya kapag nag-asawa siya ng mayaman. Keber kung matanda. Mas OK nga daw kasi madaling madedo. Dahil sa mga ganoong comments, narerealize ko na romantic pa pala ako. Kasi naniniwala ako sa lab. Na if and only if true love exists, there is hope for marriage. At least for me. Sabi ko nga, romantic.
Swerte na lang ako dahil yung mga magulang ko, they took a step at making our family more modern than others. Pinromote nila ang democracy. Kung baga, may boses ang bawat miyembro at free kang i-share ito. Pero since ito lang ang first step sa pagiging liberal, hindi pa napeperpekto ang sistema namin. May glitches pa rin. Iba rin kasi yung ipo-process mo na yung mga freely na sinabi sa iyo. Mahirap din minsan makinig sa mga sinasabi sa iyo, lalo na kung totoo. Di madali. But I'm optimistic that we'll get there.
Ang general rule lang naman sa amin e magpakatino ka. Gawin mo ang gusto mo pero be responsible. Ganoon. Kaya medyo nakakatakot pumalpak. At least for me. Hinanakit ko yung mga walang pakundangang magkamali. Ako kasi praning kaya overly cautious. Yung mga bira ng bira without learning from previous mistakes, ang sarap pitpitin ng stick ang kamay.
Mahigpit ang pagkakatali namin sa aming pamilya. Good thing kasi masaya at yung mga pinagdaanan namin e nagkakaroon ng saysay. Matapos ang lahat hindi madaling magkawatak watak. Bad thing kasi, when abused, parang curse ang matali forever. Lalo kung hindi equal ang drive ninyo to make things better when life seems bleak.
Pinanganak ako sa piling ng Pinoy na pamilya. Oks naman siya. Flawed but I'd take what was given to me. Challenge na lang ang pag improve ng kung ano ang meron. Plus, learning experience ang sins ng forefathers and foremothers. At least by seeing what went wrong with them, I know I'd do better with my life.
Pinoy na Pinoy ang pamilya ko. Puno kasi ng drama, action at comedy. Familia Zaragoza ang effect. Minsan may conspiracy pa. At op course, meron ding kantahan. Kaloka!
Kayo, gaano ka-Pinoy ang pamilya ninyo?
Sunday, September 21, 2008
Gaano Ka-Pinoy ang Pamilya Ninyo?
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment