Ang dumi ng MRT natin! I had to restrain myself from getting a basang bahasan at punasan ang darkspots ng MRT. Mayroon pang handprint sa mataas na part ng ceiling just above one of the doors. Gaano kaya kadumi ang kamay ng matangkad na taong humawak doon?
Pero hulog ng langit para sa akin ang MRT. Kahit, these days, mala-impyerno ang pagsakay dito—that is, kung rush hour. Minsan kinakapa ko ang mukha kong kung intact pa as soon as I squeeze my way out of the train. Baka kasi napalitan or naipit sa loob kasama ng malaking bahagi ng populasyon ng Pilipinas.
Minsan naman chinechek ko ang boobs ko. Baka kasi umimpis at naging one or two bra-sizes smaller. I swear, may isang instance na sa sobrang sikip ng train at sa sobrang contortion na kinailangan kong gawin para makalabas before the door closed, na-unhook ang bra ko. Or then again, baka nasa likod ko lang si Joey Tribbiani. Hehe. Still, I believe hindi imposibleng from cup B, maging flat-chested ka sa sobrang siksikan sa loob ng MRT.
Pero hindi ko ma-imagine ang EDSA kung walang MRT. Baka never kong nadayo ang North Ave o Taft.
Ang MRT ang comfort blanket ko when it comes to commuting kahit pa hindi comfortable sa pagsakay dito. As long as natatanaw ko ang MRT, alam kong makakauwi ako.
Monday, September 29, 2008
Hulog ng langit ang hellish MRT
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment